Senator Tito Sotto abstains from voting on ABS-CBN shutdown; called "greatest pranksterrrr" and "a true comedian" 

by Rachelle Siazon
May 12, 2020
Senate President Tito Sotto trends on Twitter, with netizens calling him out for going back on his word about helping ABS-CBN resume its broadcast operations.
PHOTO/S: Senator Tito Sotto Facebook / Twitter (netizens' reactions)

Nag-trend sa Twitter si Senate President Vicente "Tito" Sotto III.

Sinabihang "balimbing" ang senator-comedian-TV host, at tinawag din itong "the man with zero credibility."

Kahapon, May 11, lumabas ang Senate Resolution No. 395, na naglalayong hikayatin ang National Telecommunications Commission (NTC) na bawiin ang utos nitong itigil ng ABS-CBN and operasyon ng radio at TV stations nito.

Sa mga senador, labingtatlo (13) ang bumoto pabor sa resolution; siyam (9) ang nag-abstain.

Ibig sabihin ng nag-abstain ay hindi nag-oo at hindi rin nag-hindi ang mga ito.

Si Sotto ang isa sa siyam na senador na nag-abstain.

Nag-abstain din sina Pia Cayetano, Panfilo Lacson, Francis Tolentino, at Cynthia Villar.

Gayundin sina Imee Marcos, Bato Dela Rosa, Bong Go, at Bong Revilla Jr.

Karamihan sa mga senador na ito ay kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa official statement ng Senado, idinahilan ng mga nag-abstain na nasa Korte Suprema na ang bola kung papayagan mag-operate ang ABS-CBN kahit paso na ang prangkisa ng network.

Continue reading below ↓

Pagdating sa usaping prangkisa, sinabi raw ng mga nag-abstain na ang Kongreso ang may kapangyarihang magdesisyon nito.

Natuon naman ang pansin ng netizens kay House Speaker Sotto.

Dismayado sila dahil sariwa pa sa kanilang isipan ang matapang na tweet ni Sotto na kung sa Senado lang ang pagdedesisyon, siguradong pasado na ang prangkisa.

Tweet ni Senator Sotto noong May 5, 2020:

Continue reading below ↓

Pero kabaliktaran daw nito ang ginawang pag-abstain ng senador.

Lumalabas na nagpakitang-gilas lang daw si Sotto sa netizens para magkaroon ito ng "brownie points" at "Twitter validation."

Continue reading below ↓

Sabi pa ng isang netizen, "classic politician" daw si Sotto, na ang sinasabi sa publiko ay taliwas sa kanyang "real intentions."

Continue reading below ↓

TITO COMPARED WITH VICO

Hindi naiwasang maikumpara si Senator Sotto sa pamangkin niyang si Pasig City Mayor Vico Sotto, bagama't beteranong politiko ang House Speaker at bagitong-bagito ang mayor.

Si Vico ay anak ng nakababatang kapatid ng senador na si Vic Sotto.

Kung ano raw ikinadalas mag-trend sa Twitter ni Vico dahil sa papuri, siya naman daw dalas mag-trend ng senador dahil sa batikos.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

"GREATEST PRANKSTERRRRRRR"

Tinawag din ang senador na "greatest pranksterrrrrrr" dahil clowning time lamang daw pala ang pagdepensa nito sa ABS-CBN noong May 5.

Patutsada pa ng isang netizen, "Tito Sotto dropping jokes after jokes. A true comedian."

Continue reading below ↓

Noong gabi ng May 5, pagkatapos ng live telecast ng ABS-CBN primetime newscast na TV Patrol, nagsimulang mawala sa ere ang broascast operations ng network.

Makalipas ang dalawang araw, May 7, nagsumite ang ABS-CBN ng petition sa Supreme Court para maglabas ito ng Temporary Restraining Order upang mapayagan mag-operate muli ang network.

Continue reading below ↓

SENATORS IN FAVOR OF ABS-CBN RESUMING OPERATIONS

Sa resolution ng Senado na lumabas kahapon, May 11, iginiit ng mga senador na mahalaga ang papel ng ABS-CBN sa paghahatid ng balita sa mga Pilipino, lalo na sa "biggest public health crisis" na nararanasan ng henerasyon ngayon.

Dagdag pa raw dito ang "13,000" na bilang ng ABS-CBN workers na apektado ng ceast and desist order ng NTC laban sa network.

"Ill-timed" daw ang pagpapasara sa ABS-CBN.

Sa huli, binanggit din ng Senado na may ibang mga negosyong pinayagang mag-operate kahit paso na ang kanilang prangkisa.

Kaya dapat daw ay pagbigyan ng gobyerno ang ABS-CBN.

Pirmado ito nina Risa Hontiveros, Franklin Drilon, Juan Miguel Zubiri, Ralph Recto, Kiko Pangilinan, Sonny Angara, at Joel Villanueva.

Gayundin nina Nancy Binay, Lito Lapid, Sherwin Gatchalian, Manny Pacquiao, at Leila De Lima.

Bagamat hindi kabilang sa signatories, kabilang si Senator Richard Gordon sa pumabor sa resolution.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senate President Tito Sotto trends on Twitter, with netizens calling him out for going back on his word about helping ABS-CBN resume its broadcast operations.
PHOTO/S: Senator Tito Sotto Facebook / Twitter (netizens' reactions)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results