Sharon Cuneta: “We at ABS-CBN are not fighting the President.”

by Arniel C. Serato
May 12, 2020
Sharon Cuneta: "We are fighting to withdraw the Cease and Desist order issued by the NTC. Galing din po sa Boss namin yan. Para lang po malinaw. Salamat po.”
PHOTO/S: Courtesy: @jeffreyaromin on Instagram / Jerome Ascano

Binigyang-linaw ni Sharon Cuneta na hindi si President Rodrigo Duterte ang pinarurunggitan niya at ng iba pang Kapamilya stars sa kanilang posts sa ABS-CBN shutdown.

Sa kanyang Instagram at Facebook posts kagabi, May 11, idiin ng Megastar na ang cease and desist order mula sa National Telecommunications Commission (NTC) ang target ng kanilang galit.

Kilalang malapit si Sharon sa Pangulong Duterte.

Mensahe niya: “Mga kaibigan at Kapamilya, Gusto lang po namin linawin na we at ABS-CBN are not fighting the President.

“We are fighting to withdraw the Cease and Desist order issued by the NTC.”

Dagdag pa ng 56-year-old singer-actress, ito rin daw ang direktiba sa kanila ng mga tagapamahala sa ABS-CBN.

“Galing din po sa Boss namin yan.

“Para lang po malinaw. Salamat po.”

Continue reading below ↓

Nakakatikim ngayon ng pambabatikos ang Kapamilya stars dahil sa paghahayag ng saloobin sa social media kaugnay ng pagpapasara ng kanilang home network.

Duda ng ilang mga kritiko, partikular na ang mga tagasuporta ni Pangulong Duterte, ang pinupuntirya ng ABS-CBN stars ay mismong ang Presidente.

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan ang disgusto ni Pangulong Duterte sa ABS-CBN dahil sa akusasyon nitong nagantso siya ng network noong 2016 presidential elections.

Ito ay matapos hindi inere ng Kapamilya network ang kanyang political ads kahit bayad na ito.

Noong Pebrero 2020, humingi ng paumanhin ang presidente ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak kay Pangulong Duterte.

Tinanggap naman ng Pangulo ang paumanhin ng ABS-CBN.

Ngunit natuloy pa rin ang shutdown ng network.

THE NTC ORDER

Taong 2014 pa unang nag-apply ng franchise renewal ang ABS-CBN sa 16th Congress, noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Kalaunan, binawi ng ABS-CBN ang franchise renewal application nito dahil daw sa kakulangan ng oras at panahon.

Continue reading below ↓

Natapos ang panunungkulan ni Aquino noon 2016. Pinalitan siya ng nanalo sa 2016 presidential elections na si Rodrigo Duterte.

Nag-apply muli ang ABS-CBN sa 17th Congress, pero hindi rin natalakay ang application nito ng House Committee on Legislative Franchises.

Ayaw raw kasing manghimasok ng mga kongresista sa gusot na namamagitan sa pamunuuan ng network at ni Pangulong Duterte.

Nitong 18th Congress, naghabol na ang Kapamilya network dahil mapapaso na ang kanilang 25-year legislative franchise ng May 4, 2020.

Sa ilang pagkakataon, nangako si House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi magsasara ang ABS-CBN kahit pa mapaso ang prangkisa nito.

Kaugnay nito, noong Pebrero 2020, nagpadala ang Kongreso ng sulat sa NTC upang hilinging bigyan ng palugit ang ABS-CBN na makapagpatuloy sa pagsasahimpapawid kahit mapaso na ang prangkisa.

Isang araw bago ang May 4, nagpadala naman ng sulat si Solicitor General Jose Calida sa NTC upang balaan ang commissioners na kakasuhan sila ng graft kapag pinagbigyan nilang mag-broadcast ang ABS-CBN kahit wala na itong prangkisa.

Continue reading below ↓

Tumalima ang NTC sa babala ni Calida, na tumatayong abugado ng Presidente at minsan nang tinawag na "alter ego" nito.

May 5, 2020 ay inihain ng NTC ang cease and desist order sa ABS-CBN na naging susi upang ito ay magpaalam sa ere.

Ito ang tinutukoy ni Sharon na order ng NTC na kinokondena nila.

Hindi naman malinaw kung paaano napaghihiwalay ng Megastar ang NTC sa Pangulo, gayo't ang commission ay nasa ilalim ng Chief Executive.

Sa ngayon, nasa Supreme Court na ang petition for certiorari and prohibition na inihain ng mga abugado ng ABS-CBN upang maibasura ang nasabing kautusan ng NTC.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta: "We are fighting to withdraw the Cease and Desist order issued by the NTC. Galing din po sa Boss namin yan. Para lang po malinaw. Salamat po.”
PHOTO/S: Courtesy: @jeffreyaromin on Instagram / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results