Angel Locsin clarifies stand on ABS-CBN shutdown: “Hindi po ito laban against our government.”

by Arniel C. Serato
May 12, 2020
Angel Locsin on President Rodrigo Duterte: "Lilinawin ko lang po na hindi ito laban against our government. I wish our President the best. Hindi po natin malalagpasan ang pandemyang ito kung wala po siya."
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram / Presidential Communications on Facebook

Isang mahinahong Angel Locsin ang napanood sa walong-minutong video sa Instagram at Facebook kagabi, May 11.

Dito ay ipinaliwanag ni Angel, 35, ang kanyang stand tungkol sa ABS-CBN shutdown.

Una niyang binigyang linaw ang tungkol sa 11,000 empleyado at talents ng network na apektado sa pagsasara ng network.

Saad ni Angel, “Ang sa akin lang po, kung maipapangako po na yung mga mawawalan po ng trabaho sa gitna ng pandemic, magkakaroon po sila ng trabaho na may parehong suweldo, na may parehong benepisyo.

Continue reading below ↓

"Dahil ilang taon po ang ibinigay nila doon para maabot nila ang estadong yun.

“Kung meron po, tatahimik po ako. Wala po kayong maririnig sa akin.

“Pero alam ko ho na hindi mangyayari yun dahil marami pa po ang walang trabaho ngayon.”

Sunod na binigyang linaw ni Angel na ang pagsasalita niya tungkol sa ABS-CBN shutdown ay hindi laban sa pamahalaan at kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Saad ng aktres, “Lilinawin ko lang po na hindi ito laban against our government.

“I wish our President the best.

“Hindi po natin malalagpasan ang pandemyang ito kung wala po siya.

“Naniniwala ho ako na dapat po sa panahon ngayon lalo ay magkaisa po tayo at magtulungan.

“Hindi po ito laban against our government, lilinawin ko lang po ulit.”

NO VIP TREATMENT

Ang tanging hangad daw ni Angel sa kanyang pagsasalita ay mabigyan ng pagkakataon ang ABS-CBN na muling makapag-broadcast.

Binanggit ng aktres ang mga broadcast at telecommunication companies na nagpatuloy ang operasyon kahit paso na o dinidinig pa sa Kongreso ang kanilang franchise renewal.

Continue reading below ↓

“Ang nilalaban ko po dito ay mabigyan ng extension ang prangkisa ng ABS-CBN, kagaya po ng pagbigay rin ng extension sa ibang kumpanya na nag-expire po ang kanilang prangkisa pero na-extend po para po dinggin ng Kongreso ang kanilang mga kaso.

“'Yun lang po. Nilalaban ko lang po kung ano yung tingin kong patas, kung ano yung pantay-pantay, dahil naniniwala din po ako diyan."

Dagdag ni Angel, “Naniniwala rin po ako na sana po mabigyan po ng araw sa Congress ang ABS-CBN para maharap po nila yung paratang po sa kanila.

"Para mabigyan po sila ng chance, ng chance po para sa tamang paglilitis.

"Yung tama lang naman po.”

Ilang beses nabinbin sa Kongreso ang mga panukalang batas na magpapalawig sa prangkisa ng ABS-CBN.

Hindi ito natalakay, hanggang sa mapaso ang 25-year legislative franchise ng network noong May 4, 2020.

Diin ng actress-philanthropist, hindi naghahangad ang mga artista ng ABS-CBN na tratuhing importante.

Continue reading below ↓

Ang hangad daw nila ay isang tamang pagdinig para magkaroon ng linaw ang mga paratang laban sa istasyon.

Saad niya, “Mga Ma’am at Sir, we are not asking for a VIP treatment. Hindi po yun.

“We are asking for a fair chance, na yun naman po ang gusto ng Kongreso, na yun naman po ang gusto ng Senado.

“May tamang oras para sa tamang paglilitis.”

Pabor din daw siyang maparusahan at mapanagot sa batas kung mapatunayang may sala o nakagawa ng mali ang ABS-CBN.

“Ngayon naman ho, kung sakali pong mapatunayan na may pagkakasala ang ABS-CBN, tama po kayo.

“Ang batas ay batas na dapat pong sundin.

“Kung meron pong pagkakamali, ayusin.

“Kung sino man ang nagkasala, parusahan.

“Pero ayusin po natin ang mali.”

Panawagan pa niya sa mga namamahala ng Kapamilya network: “Sa ABS-CBN, kung mabibigyan po tayo ng second chance, pangalawang pagkakataon, itama po natin ang lahat ng pagkukulang natin.

Continue reading below ↓

“Pasalamatan ho natin yung mga tao, yung mga tao na sumuporta sa laban.

“Mas bigyan po natin ng tamang alaga yung mga nagtratrabaho sa ABS-CBN, kasi sila po yung sumuporta sa laban na ito.

"Yung mga irregular na matagal nang nagtatrabaho sa ABS-CBN, i-regular po natin.

"Bigyan po natin ng tamang benepisyo, bigyan po natin ng magandang buhay yung mga tao."

MESSAGE TO SOLGEN CALIDA

May mensahe naman si Angel kay Solicitor General Jose Calida.

Si SolGen Calida ang naghain ng quo warranto petition sa Supreme Court, noong February 10, upang bawian ng prangkisa ang ABS-CBN.

Si Calida rin ang nagbabala sa mga opisyales ng National Telecommunications Commission (NTC) na mahaharap sila sa mga reklamong graft and corruption kung papayagan nilang mag-broadcast pa rin ang ABS-CBN kahit expired na ang franchise nito.

Ang NTC ang nag-isyu ng cease and desist order sa ABS-CBN noong May 5, na naghudyat sa pagpapasara ng network.

Continue reading below ↓

Ang Office of the Solicitor General ang tumatayong "law firm" ng pamahalaan ng Pilipinas.

Ang NTC naman ay nasa ilalim ng Office of the President.

Mensahe ni Angel, “Let’s heal as one.

"To SolGen Calida, to NTC, how do you expect us to heal as one kung kayo po mismo ang susugat sa amin?

“Naniniwala po ako, Sir, na marami ho kayong nagawang maganda para sa bayan natin. Naniniwala ho ako dun.

“Pero kung itinuloy niyo po ang decision na ito, kahit ano pong degree niyo, talino, position, achievements, hindi po yun ang matatandaan ng tao.

“Matatandaan nila, you will go down in history bilang kayo po ang taong pumatay sa ABS-CBN at dumurog sa napakaraming tao sa gitna ng pandemya.

“'Yun ho ang matatandaan namin, Sir, at huwag niyo pong hahayaang mangyari yun.”

FROM KAPUSO TO KAPAMILYA

Si Angel ay nagsimulang maging bahagi ng ABS-CBN noong 2007, pagkatapos ng halos anim na taon sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Naging kontrobersiyal ang paglipat ni Angel sa ABS-CBN dahil, noong panahong iyon, ang aktres ang itinuturing na pinakamalaking female star ng GMA-7.

Nilisan ni Angel ang GMA-7, o Kapuso network, matapos mabigyan ng malalaking proyekto, tulad ng Mulawin (2004), Darna (2005), Majika (2006), at Asian Treasures (2007).

Sa bakuran ng ABS-CBN, o Kapamilya network, naging lead star siya sa mga primetime TV series na Lobo (2008), My Only You (2009), Imortal (2010), The Legal Wife (2014), at The General's Daughter (2019).

Tumatak din sa mga manonood ang mga pelikulang ginawa niya sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Kabilang dito ang Love Me Again (2009), In The Name of Love (2011), Unofficially Yours (2013), One More Try (2013), Four Sisters And A Wedding (2014), Everything About Her (2016), at The Third Party (2016).

Ngunit ayon sa fiancé ni Angel na si Neil Arce, hindi nag-renew ng kanyang kontrata sa ABS-CBN ang aktres ngayong taon.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin on President Rodrigo Duterte: "Lilinawin ko lang po na hindi ito laban against our government. I wish our President the best. Hindi po natin malalagpasan ang pandemyang ito kung wala po siya."
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram / Presidential Communications on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results