Xian Lim to bashers: “Kim Chiu does not deserve all the hate.”

by Jet Hitosis
May 12, 2020
Xian Lim stands by girlfriend Kim Chiu: "We are not perfect. No one is. We have our share of mishaps that shake us down to the ground but we learn and we rise back up again. My love and support goes out to Kim for being a wonderful human being."
PHOTO/S: @chinitaprincess, @xianlimm on Instagram

Nagpahayag ng buong suporta ang aktor na si Xian Lim sa longtime girlfriend niyang si Kim Chiu.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pamba-bash sa 30-year-old Kapamilya actress matapos siyang makibahagi sa #LabanKapamilya Facebook Live nitong Biyernes, May 8.

Nagsagawa ng virtual discussion ang ilang Kapamilya stars upang magpahayag ng saloobin sa pagpapasara sa mga TV at radio stations ng ABS-CBN.

Isang araw makaraang mapaso ang 25-year franchise to broadcast ng network nitong May 4, ipinasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN noong May 5.

Ito ay sa kabila ng napagkasunduan ng NTC at Kongreso na magpapalabas ng provisional authority to operate ang komisyon para sa network.

Ang ginawang ito ng NTC ang naging sentro ng online discussion ng mga Kapamilya talents.

Kabilang sa mga nagsalita sina Coco Martin, Judy Ann Santos, Agot Isidro, at si Kim.

CLASSROOM ANALOGY

Sa panig ni Kim, ikinumpara niya ang pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN sa mga patakarang ipinaiiral sa loob ng classroom.

Continue reading below ↓

Gayunman, hindi naipaliwanag ng aktres ang kanyang punto sa ginawa niyang pagkukumpara.

Dahil dito, umani si Kim ng panlalait mula sa netizens na galit sa sinumang may pagpuna sa gobyerno Duterte.

Nag-trending tuloy ang aktres sa social media.

Naging tampulan ng biruan, nilapatan ng musika at sayaw, at ginawan ng sari-saring memes ang “law of classroom” analogy ni Kim.

May oras talaga ang mga bashers. Hindi na rin malayong pagdudahang may nagbabayad sa kanilang manlait.

Sa isang Instagram post nitong May 9, inamin ni Kim ang kanyang pagkakamali.

Hindi na nga rin daw naintindihan ng aktres ang kanyang sinabi, at humingi siya ng paumanhin.

Continue reading below ↓

Sa kabila nito, tuluy-tuloy pa rin ang pamba-bash sa kanya.

Kaya naman dinisable na lang ni Kim ang comment feature sa Instagram account niya.

XIAN: “KIM DOES NOT DESERVE TO BE SINGLED OUT…ALL THE HATE”

Ngayong Martes, May 12, sa pamamagitan ng isang Instagram post ay nagpahayag ng suporta kay Kim ang boyfriend na si Xian, 30.

Tumanggi ang aktor na maglahad ng opinyon tungkol sa ABS-CBN shutdown, dahil wala raw siya sa posisyong gawin iyon.

Sa halip, sinabi ni Xian ang kanyang “observation on what our society has become.”

Ayon kay Xian, sa gitna ng coronavirus pandemic ay nakuha pa ng mga taong maglaan ng oras upang insultuhin ang isa’t isa sa halip na maayos na tugunan ang mga isyu.

Dito na binanggit ng aktor ang “all the hate” na natatanggap ngayon ni Kim mula sa bashers.

Iginiit ni Xian na matalino at “empathetic person” si Kim, na labis ang pag-aalala para sa ibang tao.

Continue reading below ↓

Post ni Xian: “Kim does not deserve to be singled out and get all the hate she is getting from people in the internet.

“She is a smart, empathetic person who deeply cares for all the people around her.

“She cares so much that it scares me.”

XIAN SUPPORTS KIM

Binigyang-diin ni Xian na walang perpektong tao.

Lahat daw ay nagkakamali, tulad ng nangyari kay Kim.

“We are not perfect. No one is.

“We have our share of mishaps that shake us down to the ground but we learn and we rise back up again.”

Siyempre pa, nagpahayag ng pagmamahal at suporta si Xian para kay Kim:

“My love and support goes out to Kim for being a wonderful human being.”

XIAN APPEALS TO BASHERS

Umapela rin ang aktor sa mga bashers na tigilan na ang “paninira sa kapwa” at ang sisihan sa mga nangyari.

Panawagan ni Xian: “Tigilan na natin ang paninira sa kapwa dahil hindi ito nakakatulong sa sitwasyon ngayon.

Continue reading below ↓

“Tulungan nalang natin ang isat isa sa kahit anong paraan at tigilan na ang pininisi at paninira kay ganito't ganyan.

“Hindi perpekto ang systema.

“Hindi perpekto ang mundo.”

Ilang taon nang magkarelasyon sina Kim at Xian, na nagsimula bilang love team partners.

Nagtambal sila sa mga teleseryeng My Binondo Girl (2011), Ina, Kapatid, Anak (2014), at The Story Of Us (2016).

Continue reading below ↓

Nagbida rin sina Kim at Xian sa mga pelikulang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? (2013) at Bride For Rent (2014).

LOVE THY WOMAN CO-STARS RALLY BEHIND KIM

February ngayong taon, nagbalik-tambalan ang magkasintahan sa ABS-CBN teleseryeng Love Thy Woman.

Gaya ni Xian, nagpaabot din ng suporta kay Kim ang mga veteran actors na co-stars niya sa Love Thy Woman.

Sa isang Instagram post ngayong Martes, tinawag ni Christopher de Leon na “ray of sunshine” si Kim.

Lagi raw nakangiti ang aktres, na “napakagaan” katrabaho, laging gustong matuto, at "NEVER claimed to be outstanding on anything."

Continue reading below ↓

Nagpaabot din ng suporta kay Kim ang singer-actress na si Zsa Zsa Padilla.

Batid daw ni Zsa Zsa na “madasalin” si Kim, kaya tiwala siyang kakayanin nito ang mga pinagdadaanan sa ngayon.

May payo naman si Eula Valdes kay Kim kaugnay ng pang-aatake rito ng mga bashers: “Iiyak mo, pagkatapos pahinga ka.”

Continue reading below ↓

Dagdag ni Eula: “MARAMI KAMING NAG MAMAHAL SA’YO!”

Si Sunshine Cruz, na gumaganap na ina ni Kim sa Love Thy Woman, may mensahe rin para sa nakababatang aktres.

Sabi ni Sunshine kay Kim: “This too shall pass. Kapit lang anak!”

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim stands by girlfriend Kim Chiu: "We are not perfect. No one is. We have our share of mishaps that shake us down to the ground but we learn and we rise back up again. My love and support goes out to Kim for being a wonderful human being."
PHOTO/S: @chinitaprincess, @xianlimm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results