Sharon Cuneta chides basher saying she'll pocket P2.3M donation: "Bilyonarya ako."

by Rachelle Siazon
May 13, 2020
Sharon Cuneta is saddened by false assumptions about her despite having extended over PHP5 million in cash donations during this COVID-19 crisis.
PHOTO/S: Sharon Cuneta Instagram
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon

Hindi napigilan ni Sharon Cuneta na sagutin ang basher na nag-akusang plano raw ng Megastar ibulsa ang nalikom na PHP2.3M donation mula sa online concert niya.

Nagkaroon ng benefit concert si Sharon kasama ang batikang composer-musician na si Louie Ocampo noong May 10.

Ang proceeds ay mapupunta sa ABS-CBN Pantawid Ng Pag-ibig, na nagsasagawa ng relief operations sa Metro Manila sa panahon ng COVID-19 crisis.

For transparency purposes, ipinost ni Sharon sa kanyang Instagram ang breakdown ng nalikom na cash donations.

Malaking chunk nito ay galing sa sponsorship na nagkakahalaga ng PHP1,570,000.

Makikita rin sa listahan ang iba't ibang channels na pinanggalingan ng kabuuang PHP2.3M cash donations.

Continue reading below ↓

Binigyang-malisya ng isang netizen ang pagkakawanggawa ni Sharon.

Sabi nito sa comments section (published as is): "Where you going to put the donation in your account?"

May tagapagtanggol si Sharon na agad sumagot sa basher.

Hindi raw magagawa ni Sharon ibulsa ang PHP2.3 million cash donation dahil "milyonarya" na ang tinaguriang Megastar ng bansa.

Si Sharon pa nga raw ang nagpaluwal ng PHP5 million mula sa sarili nitong bulsa, para makatulong sa iba't ibang relief ops nitong kasagsagan ng coronavirus pandemic.

Buwelta pa ng tagapagtanggol ni Sharon: "Marunong ka magcomment di ka marunong magbasa.

"May nabasa ka bang account dyan na diretso kay sharon cuneta?"

HOT STORIES

A BILLIONAIRE SINCE SHE WAS IN HER 30S

Sa puntong ito, sumingit si Sharon at sinabing isa siyang "bilyonarya."

Nag-comment si Sharon sa statement ng kanyang tagapagtanggol.

Aniya, "sorry, correction anak: sabi ko pero di yata malinaw, BILyonarya. Since my 30s."

Si Sharon ay nakagawa ng 65 movies, 6 reality shows, 6 talk shows, 1 sitcom, at iba pang TV appearances.

Continue reading below ↓

Bukod pa rito ang dami ng endorsements ng Megastar sa buong showbiz career niya.

Patuloy ni Sharon, hindi raw niya lubos maisip na may mga taong nakukuha pang bigyang-malisya ang pagkakawanggawa niya.

"Nakakalungkot ang mga minamasama ang pagtulong sa kapwa na galing sa puso.

"Sabagay ang importante lang naman, ang Diyos ang may alam and the people who really matter to me like you."

"PARA SA MGA JUDGMENTAL"

Sa huli, nagpatutsada si Sharon sa basher.

"And para sa mga judgmental na wala naman naitutulong sa kapwa, over 5M na anak. Na di ina announce ang iba."

Continue reading below ↓

Nitong quarantine period, ilang beses nahusgahan si Sharon na hindi umano kumikilos para tulungan ang mga apektado ng COVID-19 outbreak.

Pero dinepensahan siya ni Angel Locsin.

Pagsisiwalat ni Angel, PHP3 million ang donation ni Sharon para sa mga mamahaling tents na ipinamigay ng grupo ni Angel sa iba't ibang ospital sa Metro Manila.

Nag-donate din si Sharon ng PHP1 million sa solo benefit concert ni Regine noong April 25.

Ang proceeds niyon ay para sa ABS-CBN child welfare arm na Bantay Bata 163.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta is saddened by false assumptions about her despite having extended over PHP5 million in cash donations during this COVID-19 crisis.
PHOTO/S: Sharon Cuneta Instagram
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results