Watch Now

Kim Chiu's sister proud of actress for speaking up on ABS-CBN shutdown: "You fought for what you think is right."

by Arniel C. Serato
May 13, 2020
Lakam Chiu (in black) to sister Kim Chiu: "Sacrificing your own for the good of others has always been your remarkable trait. Thank you for making us proud."
PHOTO/S: Courtesy: @kamchiu on Instagram

Idinaan ni Lakambini "Lakam" Chiu sa Instagram ang paghahayag ng suporta sa nakababatang kapatid na si Kim Chiu.

Hindi pa rin kasi tumitigil ang pamba-bash sa Kapamilya actress pagkatapos maging viral ng "classroom" analogy nito sa Laban Kapamilya forum ng ABS-CBN stars noong Biyernes, May 8.

Dito ay inihalintulad ni Kim, 30, ang pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN sa rules at regulations na ipinaiiral sa loob ng classroom.

Bahagi ng pahayag ni Kim: “Sa classroom, may batas. Bawal lumabas.

"O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag nag-comply ka na bawal lumabas.

"Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo yung law ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas."

Nagdulot ng kalituhan sa mga nakapanood ang pahayag ni Kim, na aminadong maging siya ay hindi naintindihan sa huli kung ano ang kanyang sinabi.

Sa kabila ng tapat na pag-amin ng pagkakamali, pinagpiyestahan pa rin ang aktres ng mga netizens sa social media at minaliit ang kanyang kakayahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagpapatinag sa mga bashers si Kim, na kilala sa pagkakaroon ng mabuting puso sa loob at labas man ng industriya.

Hindi ito nagmumura at hindi ito nagbe-below the belt.

Kaya naman suportado ang aktres ng kanyang boyfriend na si Xian Lim, at ng mga kasamahan sa industriya—kasama sina Sunshine Cruz, Eula Valdes, Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla—na pare-parehong nag-post sa social media upang iparating ang suporta nila rito.

HOT STORIES

“THANK YOU FOR MAKING US PROUD”

Pero kung may isang taong higit na nakakakilala kay Kim, ito ay ang kanyang nakatatandang kapatid na si Lakam.

Kahapon, May 12, nag-post si Lakam ng mga larawan ni Kim at nilang magkapatid.

Sa caption, ipinahayag ni Lakam ang kanyang paghanga sa kapatid dahil sa paninindigan nito.

Ayon pa kay Lakam, saksi siya sa "sacrifices" at "struggles" ni Kim.

Pero sa kabila nito ay mas lalong naging mas malakas ang aktres.

Mensahe ni Lakam: “I knew your sacrifices. I felt your struggles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Amidst all these, YOU always come out stronger.

“I couldnt be more proud of you.

“Your courage is incomparable."

Sinabi rin ni Lakam na ang pagsasalita ni Kim kaugnay ng pagpapasara ng ABS-CBN ay "one of the right things you ever did."

Dagdag niya, “You fought for what you think is right.

“You’re selfless in so many ways.

”Sacrificing your own for the good of others has always been your remarkable trait.

“Thank you for making us proud. Stand tall @chinitaprincess

“We love you always and Forever...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lakam Chiu (in black) to sister Kim Chiu: "Sacrificing your own for the good of others has always been your remarkable trait. Thank you for making us proud."
PHOTO/S: Courtesy: @kamchiu on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results