Angel Locsin, Vice Ganda, Sunshine Cruz, Karen Davila react to passage of ABS-CBN provisional franchise bill

by Arniel C. Serato
May 13, 2020
Angel Locsin, Vice Ganda, Sunshine Cruz, and Karen Davila post messages of relief on social media after Congress passed the ABS-CBN provisional franchise bill.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Masaya ang Kapamilya stars at personalities sa pinakabagong development sa ABS-CBN franchise.

Mahigit isang linggo mula nang ipasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN, nagdaos ng Committee of the Whole session ang Kongreso ngayong Miyerkules, May 13.

Nagbigay ng privilege speech si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Bago magtapos ang kanyang talumpati, ipinanukala niya ang House Bill 6732 o An Act Granting the ABS-CBN Broadcasting Corporation A Franchise to Construct, Install, Operate, and Maintain Television and Radio Broadcasting Stations in the Philippines,and For Other Purposes.

Naglalayon itong mabigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN hanggang sa October 31, 2020.

KAPAMILYA PERSONALITIES' REACTION

Kaugnay ng magandang balitang ito, tina nabunutan ng tinik ang maraming Kapamilya personalities.

Sa pamamagitan ng social media, inihayag nila ang kasiyahan sa pag-apruba ng Kongreso sa panukalang mabigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN.

Pasasalamat ng aktres na si Angel Locsin: “Thank you Cong. Alan Cayetano and congress for giving us a fair chance in court without shutting us down.

Continue reading below ↓

"Praying that the outcome will favor the Filipino people and enabling us to help during this crisis.”

Mensahe ng aktres na si Sunshine Cruz: “Thank you Congress for House Bill 6732 granting ABSCBN provisional franchise until Oct. 31.”

Continue reading below ↓

Tweet ng broadcaster na si Karen Davila: “Maraming salamat sa ating mababang kapulungan.

"I honestly didn’t expect this.

"The 6 month provisional franchise allows a way forward to address concerns.

"Ibig sabihin po, papayagang magbukas muli ang ABSCBN habang dinidinig ang mga isyu laban sa network.

"Malaking bagay po ito."

Continue reading below ↓

Umaasa naman ang broadcaster na si Julius Babao na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala.

Sabi niya: “The President has said that he respects the will of the majority in Congress.

"Besides this is just a provisional franchise, lets allow abs-cbn to answer all issues in the proper forum which is Congress.”

Continue reading below ↓

Pahayag naman ni Vice Ganda sa kanyang magkakasunod na tweets:

“Maraming Salamat sa Kongreso!!!!! Malaking bagay po ito. Maraming salamat ulit!!!!"

“But please lets not stop praying for the best to happen.

"This is just start of the process.

"Salamat po sa mga panalangin nyo Madlang People!!!”

Continue reading below ↓

ABS-CBN TO RESUME BROADCAST BY JUNE?

Posibleng magbalik sa ere ang ABS-CBN Broadcasting Corporation, kabilang na ang mga affiliate TV at radio stations nito sa buong bansa, sa Hunyo.

Ito ang sinabi ni House Speaker Cayetano sa panayam niya sa Dos Por Dos ng DZMM sa TVplus Channel 5 ngayong hapon, May 13.

Matapos naipasa ang kanyang sponsored bill na HB 6732, sinabi ni Cayetano na kailangang maipasa muna ito sa Second at Third reading sa plenary ng Kongreso.

Malamang daw ay maipasa na ito sa pangatlong pagbasa sa plenaryo sa Lunes, May 18, at kaagad na maipadala sa Senado para naman matalakay.

Saad ni Cayetano, “God-willing matapos namin ng Monday, Tuesday nasa Senado.

“Kung kaya nila sa Senado ng one week, the week after next, latest first week of June, on-the-air na ulit.”

May sariling bersiyon ang Senado na naglalayon namang mabigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN hanggang June 30, 2022.

Continue reading below ↓

Kapag natalakay ito sa Senado sa loob ng isang linggo, magdadaos ng bicameral conference ang dalawang Kapulungan upang pag-usapan ang final version ng batas.

Kung ia-adopt ng Senado ang bersiyon ng Kongreso, maaaring hindi na magdaos ng bicam ang dalawang Kapulungan.

Kaagad itong ipadadala sa Malacañang para sa pirma ng Pangulo.

Maaring i-veto o maaaring aprubahan ni Pangulong Duterte ang panukalang batas.

Kapag naman wala sa dalawang ito ang ginawa ng Presidente, kapag hinayaan lang, magiging batas na ito.

Kapag pinirmahan niya ito, dapat ay mailathala muna ito sa pahayagan.

Labinlimang araw (15 days) mula ng pagkakalathala ay saka pa lang magkakabisa ang batas.

Update: Pasado na sa Second Reading ang HB 6732.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin, Vice Ganda, Sunshine Cruz, and Karen Davila post messages of relief on social media after Congress passed the ABS-CBN provisional franchise bill.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results