Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Arianne Bautista recalls life as Toni Gonzaga’s body double, fond memories of Coco Martin

by Bernie V. Franco
May 13, 2020
arianne bautista stripes
arianne bautista toni gonzaga
coco martin arianne bautista
Former Ika-6 Na Utos actress Arianne Bautista (left) reminisces working with ABS-CBN stars Toni Gonzaga and Coco Martin.
PHOTO/S: @arianne on Instagram / YouTube (Arianne Angeli Bautista)

Nagkuwento ang actress-TV host na si Arianne Bautista, 26, tungkol sa pakikipagtrabaho niya sa ABS-CBN stars na sina Toni Gonzaga at Coco Martin.

Bago raw siya naging Kapuso, nakadaupang-palad na ni Arianne ang dalawang Kapamilya prime artists.

Marami ang nakakapansin sa malaking pagkakahawig nina Arianne at Toni, kaya inusisa si Arianne kung magkamag-anak sila.

Pero paglilinaw ni Arianne, hindi sila magkadugo ni Toni, bagamat lagi siyang nababati na kahawig ang Kapamilya actress/singer/host.

“Sobrang compliment yun for me. I super look up to her.

"Super idol ko rin siya, nakaka-inspire siya as a person,” sabi ni Arianne sa question-and-answer video na in-upload niya sa YouTube noong May 2.

Nakilala raw niya si Toni sa bakuran ng ABS-CBN.

Kuwento ni Arianne, “Before ako mag-start mag-GMA, nasa ABS muna ako.

“Nag-workshop ako dun. Dun ako nag-start."

Napabilang daw siya sa isang upcoming youth-oriented show ng ABS-CBN, at si Toni dapat ang main host.

Continue reading below ↓

Pero naunsiyami ang proyekto.

“Meron talagang dapat magiging show, tapos siya dapat yung host.

"So, nag-meet na talaga kami. Nag-team building pa kami together.”

Mabait at friendly raw si Toni.

Naging advantage din daw ang pagiging hawig nila ni Toni dahil nabigyan siya ng trabaho.

“Medyo nagkaka-advantage din sa akin na medyo hawig ko siya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Kahit sa commercial, nagba-body double talaga ako sa kanya, e.

"Di ba, ang dami niyang endorsements noon?

“Tsaka hindi rin biro yung TF [talent fee] namin noon 'pag double ka sa commercial.

“Mataas yung suweldo, ranging from P50,000 pataas. Okay na din.

“And I get to meet her all the time, kaya lagi talaga kaming nagkaka-meet.”

arianne bautista smile
toni gonzaga shades

Continue reading below ↓

ALL PRAISES FOR COCO MARTIN

Bagamat nagsimula siyang maging visible sa GMA-7 noong 2014, binanggit ni Arianne na ang kanyang first TV appearance ay sa Kapamilya teleseryeng Juan dela Cruz noong 2013.

Pinagbidahan ito ni Coco Martin, at nagkaroon ng guest appearance dito si Arianne.

“I was the secretary. Guesting lang siya. Seventeen years old ako,” kuwento ni Arianne.

Pero hindi naman daw iyon ang unang beses na nakatrabaho niya si Coco.

Nagkasama sila sa commercial ng isang cellular service provider na inendorso ni Coco noong 2012.

Laking tuwa raw ni Arianne nang makilala pa rin siya ni Coco nang sumunod na magkita para sa Juan dela Cruz.

Sabi raw ni Coco: “O, ikaw yung leading lady namin sa TM.”

Ani Arianne: “Nakaka-touch kasi ang galing niya sa memory, nakakaalala siya ng tao.

“Even recently, nung nasa Dubai, nagkasabay kami ng flight.

“Sabi niya, ‘Nakakatuwa nga kasi GMA ka na. Nakikita kita sa GMA.’

Continue reading below ↓

"Alam mo yung feeling na naa-acknowledge ka, napapansin ka pala kahit papa'no."

Nitong March 2020 ay nagpunta sa Dubai si Coco para sa shooting ng isang pelikula.

Mensahe pa ni Arianne, “Thank you so much Coco Martin, I’m such a fan.”

arianne bautista red
coco martin cap

Nagkaroon siya ng exposure sa pag-arte sa teleseryeng Kambal Sirena (2014) sa Kapuso network.

Continue reading below ↓

Pero itinuturing niyang pinakamalaking break ay ang teleseryeng Ika-6 na Utos (2016-2018), na pinagbidahan nina Sunshine Dizon, Ryza Cenon, at Gabby Concepcion.

Naging co-host din siya sa Wowowin (2015) at napabilang sa Kapuso gag show na Bubble Gang.

Noong 2019 ay bumalik si Arianne sa bakuran ng ABS-CBN, kung saan nagkaroon siya ng guest appearance sa ilang Kapamilya shows.

Sa ngayon ay freelancer na siya at isa nang social media influencer.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Ika-6 Na Utos actress Arianne Bautista (left) reminisces working with ABS-CBN stars Toni Gonzaga and Coco Martin.
PHOTO/S: @arianne on Instagram / YouTube (Arianne Angeli Bautista)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results