Did Sarah Jane Abad just hint at separation from Kamikazee frontman Jay Contreras?

by Rachelle Siazon
May 13, 2020
Netizens saddened by Kamikazee frontman Jay Contreras and actress Sarah Jane Abad's rumored breakup: "May dulo pala ang langit."
PHOTO/S: PEP File / CTTO

Hiwalay na ba ang mag-asawang Jay Contreras at Sarah Jane Abad?

Ito ang tanong ng netizens na apektado sa napababalitang hiwalayan ng lead vocalist na si Jay at asawa nitong si Sarah.

Si Jay ay bahagi ng OPM band na Kamikazee, na nagpasikat ng mga kantang "Narda," "Martyr Nyebera," "Chicksilog," "Unang Tikim," at "Huling Sayaw."

Si Sarah ay isang Viva artist na napanood sa mga pelikulang We Will Not Die Tonight at Bloody Crayons.

Noong '90s, bilang isang child actress, lumabas si Sarah sa mga pelikulang Wanted Perfect Father at Ika-11 Utos: Mahalin mo, Asawa Mo.

Nakababatang kapatid siya ng Kapamilya actress na si Kaye Abad.

RELATED STORY

Naging usap-usapan sina Sarah at Jay dahil sa malamang pahayag ng aktres tungkol sa estado ng relasyon nilang mag-asawa.

Nitong nagdaang Mother's Day, Linggo, May 10, nagbigay-pugay si Jay sa pagiging ina ni Sarah sa dalawa nilang anak.

Simple pero sweet ang message ni Jay.

Continue reading below ↓

"Happy Mothers Day we Love You," saad sa caption ng isang graphic art na litrato ng mukha ni Sarah.

Sumagot sa comments section ang aktres.

Dito niya ipinahiwatig na tila maganda ang relasyon nila ni Jay sa kabila ng pagbabago sa turingan nila bilang mag-asawa.

Malamang pahayag ni Saah: "It may not be the same between us, but ill be forever grateful for giving me 2 wonderful angels. Thank u."

Continue reading below ↓

Base rito, tila ang kanilang mga anak ang nagbubuklod sa kanila ngayon.

Ikinagulat ito ng avid fans ng mag-asawa.


NETIZENS POST KAMIKAZEE HUGOT SONGS

Bumaha ng lyrics ng mga sikat na hugot love songs ng Kamikazee sa sobrang hinayang ng netizens sa pinaniniwalaang hiwalayan nina Jay at Sarah.

Continue reading below ↓

"May dulo pala ang langit," mula sa lyrics na "Huling Sayaw."

Isang netizen ang nag-post din ng lyrics mula sa kantang "Cahaya."

Sabi rito, "Sa huli, ikaw ang tunay na pag-ibig / Sa huli, ikaw lamang ang iniisip /

"Sa huli, pagdating ng panahon / Iyong maiintidihan sa huli."


Continue reading below ↓

May isa pang nag-senti na "Kumupas na / Lambing sa 'yong mga mata" mula sa lyrics ng "Halik."

Galing din dito ang lyrics na: "Ika'y biglang natauhan / Umalis kaagad ng wala man lang paalam / Ang sabi ko hindi kita mami-miss / Palaam sa halik mong matamis."


At mula sa "Director's Cut" ang lyrics na "Lumingon sandali lang bago mo tuluyang iwan."

Continue reading below ↓


Marami pang fans ang apektado sa hiwalayan nina Jay at Sarah.


Continue reading below ↓

Kaya raw pala biglang burado na sa Instagram feed ni Sarah ang mga litrato nito at ni Jay.


Natandaan pa ng iba ang black-wedding theme nina Jay at Sarah nang ikasal sila sa St. Pancratius Chapel, Paco Park, Manila, noong January 27, 2009.


Continue reading below ↓

jay contreras and sarah JANE abad LOVE STORY

Nagkahulugan ng loob sina Jay at Sarah noong panahong magkasintahan pa sina Kaye Abad at Parokya Ni Edgar frontman Chito Miranda.

Taong 2002 iyon—16 pa lang si Sarah at 24 si Jay.

Tuwing bumibisita raw si Chito sa bahay nina Kaye sa Cavite ay isinasama ni Chito ang close friend nitong si Jay.

"Lagi nila kaming niloloko—nina Chito and Ate—na, 'Uy, diyan ka na lang kay Jay.' Hindi nila akalain na magiging seryoso lahat," kuwento ni Sarah sa YES! Magazine noong 2011.

Pogi points daw kay Sarah ang sense of humor ni Jay.

"Unlike other guys na show-off, todo-porma—siya, nakatsinelas lang," balik-tanaw pa ni Sarah.


Continue reading below ↓

Naging sila sa loob ng isang buwan noong 2002, pero naghiwalay rin sila dahil sa personal differences dala ng kanilang eight-year age gap.

Taong 2005 nang magbalikan sila.

Nagbunga ang kanilang pagmamahalan, at ipinanganak ni Sarah ang panganay nilang anak na si Kidlat noong August 24, 2006.

Aminadong hindi pa kaagad nagpakasal sina Sarah at Jay, hanggang sa naramdaman nilang handa na sila sa buhay may-asawa.

Sabi noon ni Jay sa YES!, “Nag-mature na rin siguro kami. Kami pala talaga, e. Naks!"

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens saddened by Kamikazee frontman Jay Contreras and actress Sarah Jane Abad's rumored breakup: "May dulo pala ang langit."
PHOTO/S: PEP File / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results