Watch Now

Is Aiko Melendez's relationship with boyfriend Jay Khonghun on the rocks?

by Rommel Gonzales
May 14, 2020
Kapuso actress Aiko Melendez (right) mum about current relationship status with (left) Zambales Vice-Governor Jay Khonghun.
PHOTO/S: @aikomelendez Instagram

Is there trouble in paradise? Break na ba sila?

Ito ang mga katanungang naglalaro sa isipan ng marami tungkol sa magkasintahang Aiko Melendez at Zambales Vice-Governor Jay Khonghun.

Nagsimula ang alinlangan ng mga malalapit sa dalawa nitong nakaraang Mother's Day celebration, May 10.

Kung sa mga nakaraang taon ay walang palya si Jay sa pagpu-post ng pagbati niya kay Aiko, ngayong taon ay walang greeting ang vice-governor sa multiawarded actress.

Ni wala ring post si Aiko sa kanyang social media accounts kung binigyan ba siya ni Jay ng roses at chocolates, o anumang regalo bilang pagpupugay sa pagiging mabuting ina ng aktres.

Kapansin-pansin ding walang anumang bagong update si Aiko sa mga COVID-19 relief operations nila ni Jay.

HOT STORIES

OUTREACH TOGETHER

Hindi tulad ng mga nakaraang linggo na napaka-aktibo ng dalawa sa pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng pandemya.

Sa Instagram post ni Aiko noong April 17, magkasama sila ni Jay sa Subic na nag-repack ng relief goods para sa mga taga-Zambales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong April 27, nagpadala pa ang sponsors ni Aiko ng mga protective gear sa San Felipe at Candelaria rural hospital sa Zambales.

Narito naman ang kuwelang dance video ng dalawa noong April 5:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CRYPTIC REPLY?

Hanggang sa wala ngang update sa magkasintahan nitong nagdaang Mother's Day, May 10.

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Aiko via text at Facebook Messenger upang kumustahin ang estado ng relasyon nila ni Jay.

Sa una ay smiling emoji ang isinagot sa amin ng Prima Donnas actress.

Sa pangalawang mensahe namin ay hindi na sumagot pa si Aiko.

Patuloy pa rin kaming naghihintay sa paliwanag ni Aiko tungkol sa kaganapan sa relasyon nila ng bise-gobernador.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Aiko Melendez (right) mum about current relationship status with (left) Zambales Vice-Governor Jay Khonghun.
PHOTO/S: @aikomelendez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results