Former Senator Tessie Aquino-Oreta passes away

by Jet Hitosis
May 15, 2020
On Mother's Day, May 10, Malabon City Mayor Lenlen Oreta posted an old photo of himself with his mother, former Senator Tessie Aquino-Oreta. The former lawmaker died on May 14.
PHOTO/S: Flicker, Lenlen Oreta on Facebook

Pumanaw na si dating Senator Maria Teresa “Tessie” Aquino-Oreta, sa edad na 75.

Kinumpirma ito ng anak niyang si Malabon City Mayor Antolin “Lenlen” Oreta III.

Sa Facebook post ng alkalde ngayong Biyernes ng umaga, May 15, sinabi niyang pumanaw ang dating senador nitong Huwebes ng gabi, May 14.

Mababasa sa post ni Mayor Lenlen: “On behalf of my family, it is with great sadness that I announce the passing of my mom at 10:48 p.m. of May 14.”

Hindi sinabi ng pamilya Oreta ang dahilan ng pagkamatay ng dating mambabatas.

Inilarawan ng alkalde ang kanyang ina bilang “a loving grandmother, mother, and wife and a friend to those whose lives she touched.”

Dagdag ni Mayor Lenlen: "Former Senator Tessie Aquino-Oreta was a public servant who devoted her life to the country and her adopted hometown of Malabon."

Continue reading below ↓

Si former Senator Oreta ay bunsong kapatid ng mga dating senador na sina Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at Agapito “Butz” Aquino.

Tiyahin siya ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at ng actress-TV host na si Kris Aquino.

SENATE TO HONOR ORETA

Samantala, nagpahayag ng kalungkutan at pakikiramay si Senate President Vicente "Tito" Sotto III sa pagpanaw ni Oreta.

Sa isang tweet ngayong Biyernes, sinabi ni Sotto na nagluluksa ang kanyang pamilya sa nangyari.

Nag-iiyak daw ang misis ni Sotto, ang dating aktres na si Helen Gamboa, matapos mabalitaan ang pagpanaw ni Oreta.

Sinabi ni Sotto na bilang kasamahan sa Senado, malapit sa kanya si Oreta, gayundin kay dating Senator Gregorio Honasan.

Bahagi ng tweet ni Sotto: "I will remember her as a strong woman-legislator whose advocacies focused on empowering women and children."

Continue reading below ↓

Nagkatrabaho sina Sotto at Oreta noong 11th at 12th Congress, simula 1998 hanggang 2004.

Kaugnay nito, inihayag ni Sotto sa Senate reporters na maghahain siya ng Senate resolution upang bigyang-pugay si Oreta.

Gagawin daw ito sa Lunes, May 18.

PRIORITIZED TEACHERS AND CHILDREN’S WELFARE

Bago naging senador, nagsilbi si Oreta bilang kongresista ng Malabon-Navotas sa tatlong magkakasunod na termino, simula 1987 hanggang 1998.

Siya ang kauna-unahang babaeng Assistant Majority Floor Leader sa kasaysayan ng Kamara.

Nahalal siya sa Senado noong 1998.

Bilang senador, naging prayoridad ni Oreta ang pagsusulong ng mga batas para sa kapakanan ng public school teachers, ng mga bata, at ng kalusugan ng kababaihan.

Pinamunuan ni Oreta ang Senate Committee on Education, Arts and Culture noong 11th at 12th Congress, ayon sa website ng Senado.

Kabilang sa mga inakda niyang batas ang Early Childhood Care and Development Act (Republic Act 8980), Solo Parent Act (R.A. 8972), Governance of Basic Education Act (R.A. 9155), at Philippine Science High School System Act (R.A. 9036).

Continue reading below ↓

Nanilbihan siyang senador hanggang 2004.

Noong 2016, kumandidato si Oreta para magbalik-Senado, pero bigo siyang mahalal.

PHILIPPINE AIR FORCE RESERVIST

Nagtapos si Oreta ng Literature and History sa Assumption Convent.

Kinumpleto niya ang International Studies degree sa Cuidad Ducal sa Avila, Spain.

Naging reservist siya ng Philippine Air Force (PAF), na may ranggong Lieutenant Colonel.

Ito ay matapos niyang matanggap ang kanyang Master’s Degree sa National Security Administration mula sa National Defense College of the Philippines.

Naulila ng dating senador ang asawa niyang si Antolin Oreta Jr. at ang apat nilang anak: sina Rissa, Mayor Lenlen, Karmela, at Lorenzo, isang incumbent Malabon City councilor.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Mother's Day, May 10, Malabon City Mayor Lenlen Oreta posted an old photo of himself with his mother, former Senator Tessie Aquino-Oreta. The former lawmaker died on May 14.
PHOTO/S: Flicker, Lenlen Oreta on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results