Ivana Alawi addresses alleged video scandal: "Kahit mukha akong ganito, never kong gagawin yun."

by Bernie V. Franco
May 15, 2020
Sexy star Ivana Alawi on alleged sex scandal: "Gusto din siya i-address once and for all.”
PHOTO/S: @ivanaalawi on Instagram

"Just to clarify it, wala akong scandal.”

Ito ang sinabi ng sexy actress na si Ivana Alawi, 23, hinggil sa balitang may video scandal daw siyang nag-viral kamakailan.

Sabi pa niya, “Kahit mukha akong ganito, never kong gagawin yun.”

Naudyok daw si Ivana na sagutin ang isyu dahil pati ang ina niyang si Fatima Merbella ay nakakatanggap ng text tungkol dito.

“Nag-viral siya, actually. Nakikita ko siya sa social media, pero dinededma ko siya,” pahayag ni Ivana.

“Kasi, unang-una, hindi naman ako yun, e.

"And sa mga taong nakakakilala talaga sa akin, alam nilang hindi ako yun.

“Pero andami kasing nagmi-message sa nanay ko na nakita daw nila yun, so gusto ko din siya i-address once and for all.”

Sinagot ni Ivana ang tungkol sa paratang sa kanya via YouTube video na in-upload nitong Huwebes ng gabi, May 14.

Diin ng Filipino-Moroccan actress: “Hindi ako yung nasa video na yun.

Continue reading below ↓

"In-edit nila yun, and nakakatakot actually ang nagagawa nila sa internet, e.”

IVANA: "NEVER KONG GAGAWIN YUN."

Bagamat seksi raw ang kanyang imahe, hindi sumagi sa isip ni Ivana na gumawa ng ganoon kalaswang video.

“Alam kong mukha akong wild, yung walang pakialam, liberated… proud ako dito, a.

“You will never ever see a scandal of mine on internet.

“Unang-una, wala akong makukuha doon pag nag-video ako o nag-picture ako nang nakahubad. Bakit?

“Never ko siyang naisip na gawin ever in my life, tapos ise-send mo sa mga lalaki.

“Pag ginagawa mo yun, I have nothing against you, but I’m just saying that for myself."

Giit niya, "Kahit mukha akong ganito, never kong gagawin yun."

RELATED STORY

Nakuwento rin ni Ivana na hindi sang-ayon ang kanyang ina sa pagkakaroon niya ng sexy image.

Nahirapan daw noong una ang nanay niyang tanggapin ito dahil sa takot na mahusgahan si Ivana sa ganoong imahe.

Continue reading below ↓

“But she accepted me because mahal niya ako,” sabi ni Ivana.

“Hindi ko kaya yun. Wala akong makukuha dun.

“Ang dami ngang nanghihingi sa akin dati, mga ex ko, ‘Send sexy pic and dirty pic.’

"Never, never. Suwerte niyo naman.”

ivana alawi sexy
ivana alawi naglalaba

IVANA ON FAKE FRIENDS IN SHOWBIZ

Nagsalita rin ang YouTube star kung bakit madalas ay pamilya ang kasama sa kanyang videos at kung may mga kaibigan ba siya.

Continue reading below ↓

“Bilang na bilang ko lang ang mga kaibigan ko,” sagot ni Ivana.

Marami raw siyang mga kaibigan dati, pero naging pihikan siya sa mga ito dahil marami raw sa mga ito ang plastic.

“Ang dami kong naging kaibigan and sobrang nasaktan ako, kasi sila, lahat sila fake.

“And then I realized it’s not how many friends you have, it’s how many real friends you actually have.

“Kasi puwede ka actually magkaroon ng maraming kaibigan, e, 500, 100.

"Tapos pag wala ka naman sa tabi nila, kung ano-ano ang sasabihin nila tungkol sa ‘yo.”

Masaya na raw siya sa mga kaibigan niya kahit “bilang na bilang” sa kamay ang mga ito.

“Andami kong beses na nasaktan kasi you would never do that to your friends, but they would [still] do it to you.

“’Pag kaharap ka, parang best friend na best friend… it’s just so plastic.

“Ayoko ng plastic na kaibigan. I’d rather have no friends than plastic friends.”

Continue reading below ↓

Ganito rin daw ang sitwasyon pagdating sa showbiz industry, na hindi basta-basta puwedeng magtiwala kahit kanino.

“Kaya sobrang maingat sa mga kaibigan na pinagkakatiwalaan kasi mahirap, mahirap yung showbiz industry...

“Hindi ko sinasabing lahat, pero marami talagang fake people in the industry.

“And you have to be careful who you really trust… kung ganito yung intensiyon mo sa kanila na maging kaibigan, hindi siya laging ganoon, and sometimes masasaktan ka lang.”

ivana alawi sexy

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sexy star Ivana Alawi on alleged sex scandal: "Gusto din siya i-address once and for all.”
PHOTO/S: @ivanaalawi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results