(UPDATED) BB Gandanghari to Robin Padilla: "Tigilan natin ang pagpapaguwapo o pagpapabango at my expense."

"What hypocrisy is this? Ano ang ibig niyong sabihin sa impression na tigilan ko na ang pagtatampo at mahal niyo naman ako? Ano ‘yon, consolation prize? I’m not begging for that," says BB Gandahari (left), who questions the sincerity of her brother Robin Padilla.
PHOTO/S: @gandangharibb Instagram / Noel Orsal for PEP.ph

“Buti nga sa PEP, nakipag-usap ka, ako dadaanin mo sa DM?"

Ito ang patutsada ni BB Gandanghari sa nakababatang kapatid na si Robin Padilla.

May kinalaman ito sa mensahe ni Robin kay BB na, "BB, tigilan mo na ang kakatampo."

Iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 13 ang pahayag ni Robin sa hinaing ni BB na pakiramdam nito'y "nilaglag" siya ng kapatid na action star.

Sinagot ni Robin ang hinaing ni BB na hindi man lang daw kinukumusta ng kanyang pamilya ang kalagayan niya sa Amerika.

Video: Courtesy of Mariel Rodriguez-Padilla.

Dahilan ni Robin, may personal din siyang pinagdaanan, tulad nang siya ay naospital ng isang buwan dahil sa kanyang back injury noong Enero.

Sunud-sunod din daw ang problema sa kalusugan ng ibang mga miyembro ng pamilya kaya walang komunikasyon sa pagitan nina Robin at BB.

Sana raw ay huwag nang magtampo si BB.

Sabi pa ni Robin kay BB, "Mahal ka namin."

Continue reading below ↓

Base ito sa Youtube vlog ng asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez. Dito nagpaabot ng mensahe si Robin kay BB.

Pero hindi basta tinanggap ni BB ang pahayag ni Robin.

Sa kanyang Youtube vlog, Huwebes ng gabi (Manila time), May 14, kinuwestiyon ni BB ang motibo ni Robin.

Aniya, nais lang umano ni Robin magpabango ng imahe sa publiko kaya ito nagbigay ng paglilinaw sa isyu nilang magkapatid.

Continue reading below ↓

Mainit na pahayag ni BB: "Tigilan natin ang public imaging. Tigilan natin ang pagpapaguwapo o pagpapabango at my expense.

"Love is the most abused word, and I think I can debate with anyone in this world.

"So, kung love ang pag-uusapan at ganyang klaseng pagmamahal ang sinasabi niyo sa akin at ipinaparamdam niyo sa akin, then maybe this needs a conversation."

DECISION TO LIVE ABROAD

Ipinahiwatig ni BB na isa sa mga dahilan kung bakit siya umalis ng Pilipinas ay dahil ayaw niyang tratuhin siyang parang "doormat" na sunud-sunuran lang kahit labag sa kanyang kalooban.

"Yun ang tinatrabaho ko, kaya ako umalis ng Pilipinas, yung emotional quotient ko.

"Kasi, obviously, sa mga bibig mo na rin nanggaling, Robin Padilla, aking nakababatang kapatid, baka nakakalimutan mo.

"E, 'yan ang klase ng pagmamahal na sinabi ko sa sarili ko, na I think we deserve more.

"Ito rin yung pinanggagalingan ng sinabi ko na, kung sa pag-ibig gagawin mo akong doormat, thank you na lang.

Continue reading below ↓

"You can have it, but I think I‘ll have a better love."

Ayon kay BB, wala pa ring maayos na komunikasyon sa pagitan nila ni Robin.

Tanging direct messaging lamang sa Instagram ang natanggap niya mula sa action star matapos siyang maghayag ng saloobin sa kanyang social media followers.

"Unang-una, ang pinanggalingan lamang nito, emotional support.

"Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang malaking brouhaha na after I’ve said my piece, no phone call, really?

"And now, sasabihin mo sa buong mundo na mahal mo ako? Tigilan ko ang pagtatampo?

"Hindi na ako nagtatampo, I’m over it.

"Ang pina-process ko ngayon, kung ano yung ipinaramdam niyo sa akin. Yun ang pina-process ko ngayon.

"But I know, in God’s grace, I will get over it.

"Pero hindi na ako nagtatampo.

"Why?! Di ba, sinabi ko, I will not cry over spilt milk.

"I’ve moved on pagkatapos kong magsalita. Naghintay ako ng tawag…anong tawag?

Continue reading below ↓

"Buti nga sa PEP, nakipag-usap ka, e. Ako, dadaanin mo ako sa DM?"

Habang nagmamaneho si BB patungong trabaho ay hinimay niya ang pahayag ni Robin sa Instagram Live ni Mariel, na nailathala sa PEP.ph noon ngang May 13.

"WHO ARE YOU TO DIMINISH MY FEELINGS?"

Idinetalye ni BB na malalim ang puno't dulo ng hinanakit niya sa pamilya.

At wala raw karapatan si Robin balewalain ang kanyang nararamdaman.

Dire-diretsong pahayag ni BB: "Ito ang mga reasons kaya hindi nagkakaintindihan ang pamilya, kasi hindi nag-uusap.

"Nag-uusap sa harap ng maraming tao.

"You want to know the truth, I will tell you the truth...

"Sasabihin mo sa tao, tumahimik na ako, tigilan ko na?

"How arrogant! Who told you?

"Sino ang nagbigay sa 'yo para sabihin mo sa isang tao na tigilan mo na iyang nararamdaman mo?

"Who are you to diminish my emotions and feelings?

"Gusto mo, isa-isahin ko sa 'yo?

Continue reading below ↓

"Hindi ako nagtatampo kasi hindi niyo ako kinakamusta? Hindi!!!

"Let’s make that clear. The point was... after ko umiyak, sinabi ko naka-move on na ako, kasi nahimasmasan na ako.

"It was just really panic. I was in panic.

"May nakaintindi ba? Wala!

"May tumawag ba just to give a small assurance? Wala!"

Tila ang tinutukoy ni BB ay ang insidenteng nasangkot siya sa isang death hoax.

Kumalat sa social media ang maling impormasyong natagpuan siyang patay sa kanyang Los Angeles apartment.

Dagdag ni BB, "Ano ang ibibigay sa ’yo? Ano ang ite-text sa ’yo?

"Yung eksaktong sinabi niya sa PEP. Inisa-isahan ka niya ng problema.

"If you are me, nag-iisa ka, nalulumbay ka, naghahanap ka ng tawag sa pamilya mo."

Ang tinutukoy ni BB ay ang mga sinabi ni Robin na ibang mga kaganapan sa kanilang pamilya, na dahilan daw kaya pansamantala silang nawalan ng komunikasyon ni BB.

Kabilang na rito ang problema sa kalusugan ni Robin at ng kanilang inang si Eva Cariño, at ang pagkamatay ng misis ng kapatid nilang si Royette Padilla.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

NEGLECTED CHILD IN THE FAMILY?

Si BB ay dating kilala bilang Rustom Padilla.

Umamin siyang "gay" sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 1, ang reality show ng ABS-CBN noong 2006.

Taong 2017 nang aprubahan ng isang U.S. court ang petition niyang siya ay legal na kilalanin sa pangalang Binibini Gandanghari, na ang gender ay female.

Balik sa kasalukuyan, nakakalungkot daw isipin na mula pa noong siya si Rustom hanggang ngayong siya na si BB ay siya pa rin umano ang neglected child sa pamilya.

Noon pa man ay ang mga kapatid daw niyang sina Royette, Rommel, at Robin ang pinapaboran ng kanilang inang si Eva.

Kaya raw dismayado siya sa mga idinahilan umano ni Robin kung bakit wala silang komunikasyon.

Ani BB, "Pagkatawag mo, iisa-isahan ka ng problema. Na para bang, 'Yun na yung kinalakihan ni Rustom, e. Yung lahat problema, puwera siya.'"

Sabi pa niya patungkol kay Mommy Eva, "Di ba, Mama?

Continue reading below ↓

"Di ba, laging tinatanong sa inyo noon, mga reporters din, na sinasabi raw ni Rustom, 'Bakit siya hindi mo iniintindi? Lagi yung tatlo?'

"Anong lagi mong sinasabi?

"'A, kasi si Rustom, walang problema. Kaya niya ang sarili niya. Ayun, nawala.'"

BB ASKS ROBIN TO STOP THE "HYPOCRISY"

Tahasan ding sinabi ni BB na ipokrito si Robin para sabihing mahal siya nito.

Dahil hindi naman daw iyon ang naramdaman niya mula sa pamilya sa matagal na panahon.

Hinaing pa rin BB: "Ngayon, sa mental health, sabi, if you have feelings, express! Let them know.

"I did it in a very subtle way, nag-vlog ako noong December, without saying words, but I was actually appealing to you.

"Na sana maramdaman niyo ako kasi I don’t wanna beg for anything.

"What? For some reason, dumating tayo sa punto na hindi na natin alam ang mga number ng isa’t isa.

"What hypocrisy is this?

Continue reading below ↓

"Ano ang ibig niyong sabihin sa impression na tigilan ko na ang pagtatampo at mahal niyo naman ako?

"Ano yun, consolation prize? I’m not begging for that."

BB TO ROBIN: "I THINK YOU'RE BABYING YOURSELF TOO MUCH"

Hanggang sa direkta nang sinabi ni BB na dalawa hanggang tatlong taon nang wala silang komunikasyon ni Robin.

At hindi lang daw nitong pagpasok ng taong 2020, kung kailan sinasabi ni Robin na may pinagdaanan ang ilang miyembro ng kanilang pamilya sa Pilipinas.

"Robin, hindi ako nagtatampo, pero ang nandito sa puso ko, hindi ko sila matatakbuhan.

"Hindi lang ba tayo nag-usap since... for the information of everyone, hindi pa tayo nag-uusap since nung lockdown lang?

"Nagri-reach out ako noong lockdown. Kasi lockdown na, hindi pa tayo nag-uusap for what, two years, three years?

"I can’t even remember the last time."

Naalala raw ni BB na minsan ay nag-comment si Robin sa Instagram Live niya noong Enero.

Continue reading below ↓

Nasa ospital daw noon si Robin.

Pero ani BB, hindi raw dahilan ang pagkakasakit ni Robin para tuluyang hayaang wala silang komunikasyon.

Balik-tanaw ni BB: "I remember, nagla-live ako sa IG, nakisama ka sa conversation, nasa ospital ka.

"Niyaya pa nga kita na mag-live, tinanggihan mo.

"Anong may sakit? Lahat tayo nagkakasakit.

"Naramdaman mo na bang magkasakit na wala kang kakainin?

"Buti ka nga, nakapag-stay sa ospital. Feel fortunate.

"Ang mga nagkakasakit dito sa ibang bansa, nagtatrabaho pa rin."

Tila pakiramdam ni BB ay excuse lang ni Robin ang sakit nito.

"Yung sakit ng likod mo, I don’t wanna diminish it, but the way you’re diminishing me, baka kulang lang ‘yan sa exercise. Try mo mag-stretching.

"Huwag kang magpaospital nang magpaospital.

"I think you’re babying yourself too much."

NO IDEA ABOUT MOM'S INJURY

Kinuwestiyon din ni BB ang pahayag ni Robin na aksidenteng nadulas ang kanilang ina ilang buwan na ang nakalipas.

Continue reading below ↓

Nangyari raw ang insidente, ayon kay Robin, kasunod ng isang buwang pagkahimlay niya sa ospital dahil nga sa back injury.

Kakatwa raw na sa tagal ay sa balita pa nalaman ni BB ang tungkol dito.

"I’m sorry, si Mama, nadulas? Yun pala, e. Wala pa rin tumawag?"

Sabi pa ni BB, "Sinasagot ko lang lahat ito Robin, ha, sinasagot ko lang para maliwanag kasi parang ang lumabas dun sa live mo is…

"Grabe ka, napaka-self centered mo."

Mas lalo lang daw naging malinaw kay BB na hindi siya naisipan man lang tawagan para sabihan ng lagay ng kanilang ina.

"Nadulas pala si Mama and everything, wala pa rin makakatawag? Magkasama kayo the whole time.

"In other words, if I am not in your heart, that‘s fine.

"That’s the only obvious thing. Wala ako sa puso ninyo."

Diretsahang sinabi ulit ni BB na hindi uubra sa kanya ang paandar umano ni Robin na may malasakit ito sa kanya.

Continue reading below ↓

"So let us not impress people na, 'O, kasi that’s the right thing for you to do, kasi for imaging purposes. Naku, kailangan mabait tayo kay BB.'

"E, sorry, hindi ako bato. Ako yung nagsasabi, huwag nating lituhin ang tao.

"Ang pagmamahal is by deeds... Huwag din natin kalimutan ‘yan.”

BB CLAIMS ROBIN AVOIDS ACKNOWLEDING HER

Isa pang ikinasasama ng loob ni BB ay napag-alaman niya na noong 50th birthday celebration ni Robin, nung November 2019, umiwas daw itong pag-usapan siya.

"Fiftieth birthday mo, sasabihin mo sa harap ng maraming tao, 'Si BB, huwag muna nating pag-usapan.’

"Why are you dismissing me? You think, what I’m doing here is easy?

"Robin, hindi nasusukat ng pera ang katatagan ng tao. Baka mas marami ka sa aking pera, oo.

"Pero baka hindi ka tumagal sa Amerika ng isang buwan, kung pupunta ka dito nang walang pera."

Hindi nabanggit ni BB ang eksaktong sirkumastansiya bakit tumanggi si Robin pag-usapan siya noong 50th birthday ng action star.

Continue reading below ↓

Pero tila naiinsulto si BB sa umano'y hindi pagkilala ni Robin sa pamumuhay niya sa Amerika.

"Hindi ito padamihan ng pera, pero huwag mo akong iinsultuhin.

"Hindi ako umiiyak, tapos na.

"I will not cry a tear for this family ever!!! I will not be your doormat anymore.”

"YOU DON’T WANT ME TO SUCCEED."

Ang sentimiyento ni BB ay umabot sa puntong sinumbatan niya si Robin, na hindi raw nito sinuportahan ang pakikipagsapalaran niya sa U.S.

Tila hindi rin nagustuhan ni BB ang pahayag umano ni Robin sa media noong taong 2017 na siya ay nagtatrabaho bilang Uber driver sa Amerika.

Pero ngayon ay hindi man lang daw suportahan ni Robin ang kanyang pagiging vlogger sa YouTube.

"Grabe ka, Robin, nung panahon na nag-i-struggle ako dito sa Amerika, ano ang ikinalat mo sa Pilipinas? Nag-u-Uber ako, that’s all that I do…

"You don’t want me to succeed. Why???

"You want me to struggle, you want me to crawl. Why???

Continue reading below ↓

"Ngayon na maganda ang takbo ng YouTube ko, you’re doing these?

"Why??? You can’t even call me and say, 'Congratulations, utol.'

"Magla-live ka to impress people that I have a problem? Why???

"Ang kaligayahan mo talaga makita ako, Robin, dito na Uber driver.

"'Yan talaga ang pangarap mo sa akin."

Sa mga sumunod na salita ni BB, ipinahiwatig niyang hindi maaaring magyabang sa kanya si Robin.

"May I remind you, my dear brother, between the two of us, ikaw ang na-kick out ng eskuwelahan.

"Kung palagay mo, ‘yan lang ang kakayanan mo kapag hindi ka na artista, huwag mo sa akin i-reflect ‘yan. I can do better.

"This is not to diminish ang mga Uber driver.

"Pero hindi ho ako naging Dean’s List noong college to let myself believe na yun lang ang kaya kong gawin."

Ulit ni BB, hindi niya nagustuhan ang pagpapakalat daw ni Robin na siya ay Uber driver sa U.S.

Continue reading below ↓

"One thing is obvious, nagbunyi ka to the point na ikinalat mo sa buong Pilipinas na, 'Oo, si BB, hirap na hirap nga doon mag-drive, e, kawawa naman.'

"It’s his exact words.

"Let’s stop this Robin, kung gusto mong magparamdam ng pagmamahal...

"But I need to say these because I have to protect myself.”

For the record, hindi sumusuko si BB sa kanyang pangarap na makilalang aktres sa Hollywood.

Habang abala siya sa paghahanap ng auditions sa Los Angeles, mayroon siyang opisina na regular na pinapasukan ngayon.

STILL MAD AT ROBIN

Mahinahon ang pananalita ni BB sa buong Instagram Live niya.

Pero malaman ang detalyadong kuwento niya sa mga hinaing niya sa pamilya.

Hindi rin pinalampas ni BB ang kanyang sister in-law na si Mariel Rodriguez, na tinawag niyang isang "talking doll."

Bakit daw idinaan pa ni Robin ang mensahe para sa kanya sa Instagram Live ni Mariel, sa halip na idiretso sa kanya.

Continue reading below ↓

“At itong si talking doll Mariel, huwag niyo akong daanin sa pa-live-live, ha?

"Mahiya kayo sa sarili ninyo!”

Aminado raw si BB na malaki ang impluwensiya ng mag-asawang Robin at Mariel bilang ABS-CBN stars.

Pero may pagkakataon din daw siyang ilabas ang bersiyon ng kuwento niya sa kanyang social media platforms.

Ani BB: "Meron din akong imahe.

"Kung ang imahe mo sa fans mo, e, isang maibigin na kapatid, aba, e, patunayan mo.

"Don’t put it into words. It’s cheap… cheap words. Do better.

"You better think twice again before you open your mouth.

"At least, patas tayo ngayon.

"Madali nila akong sirain kasi hawak nila ang ABS, nandoon silang lahat."

Dagdag pa niya, "Huwag niyo akong gamitin, nagtatrabaho lang ako nang mahusay.

"May karapatan din ako na mabuhay, yun lang.”

Tumagal ng halos isang oras ang sentimiyento ni BB tungkol kay Robin.

Sinabi rin ni BB na nagkakaroon siya ng extra income dahil sa kanyang social media accounts, pero hindi raw dapat pagtiwalaan ang Instagram.

Continue reading below ↓

“Now, my Instagram is under attack. I don’t know if it’s being hacked now, but it’s being attacked..."

Pakiramdam niya ay hina-hack at sinasabotahe diumano ang kanyang Instagram account ng kampo ni Robin.

“Tigilan ninyo ang Instagram ko. Tigilan niyo ang pagsasabotahe sa akin. Robin, tigilan niyo.

“Namumuhay ako ng simple, hindi ko hinahangad na magkaroon ng milyon.

“Huwag ninyong sabotahehin yung konting kinikita ko. Hindi ‘yan kawalan sa inyo.”

Hiningi ng PEP.ph ang panig ng kampo ni Robin Padilla tungkol sa mga bagong paratang ni BB.

Pero tumanggi na silang magsalita dahil, para sa kanila, sapat na ang mga sinabi ng aktor na mahal nito ang nakatatandang kapatid.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"What hypocrisy is this? Ano ang ibig niyong sabihin sa impression na tigilan ko na ang pagtatampo at mahal niyo naman ako? Ano ‘yon, consolation prize? I’m not begging for that," says BB Gandahari (left), who questions the sincerity of her brother Robin Padilla.
PHOTO/S: @gandangharibb Instagram / Noel Orsal for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results