Vina Morales responds to “andaming drama” comment against her, sister Shaina Magdayao

by Jet Hitosis
May 15, 2020
Singer-actress Vina Morales answers a netizen hitting her and sister Shaina Magdayao: “Hindi po kami madrama ginagawa po namin yan sa mga teleserye kami po ay lumalaban para sa kapwa namin empleyado ng abscbn na ngayon ay walang trabaho habang may pandemic."
PHOTO/S: @vina_morales, @shaina_magdayao on Instagram

Ipinagtanggol ni Vina Morales ang sarili at ang kapatid na si Shaina Magdayao sa sarkastikong komento ng isang netizen.

Nag-react ang netizen sa latest Instagram post ni Vina, 44, nitong Huwebes, May 14.

Ibinahagi ng singer-actress ang video ng nakababatang kapatid na si Shaina, 30.

Kuha ang video nang maglahad ng saloobin si Shaina sa Laban Kapamilya Facebook Live event noong May 12.

Sinabi ni Shaina na pinili niyang magsalita, hindi para sa sarili, kundi para sa 11,000 empleyadong apektado sa ABS-CBN shutdown.

Kung pipiliin daw ni Shaina na magsawalang-kibo, “hindi po ako patatahimikin ng konsensiya ko.”

Hiniling niyang makabalik sa trabaho ang libu-libong empleyado ng network.

Ito raw talaga, ayon kay Shaina, ang layunin ng sunud-sunod na pagsasalita ng Kapamilya stars tungkol sa shutdown.

“Ang pagbabalik ng trabaho, iyon lang ho ang tanging paraan namin para ho makatulong sa mga Kapamilya namin... sa mga kasama namin sa industriya,” ani Shaina.

Continue reading below ↓

RELATED STORY

VINA TO SHAINA: “I’M PROUD OF YOU”

Nagpahayag naman ng pagmamalaki si Vina sa katapangang ipinakita ni Shaina.

Caption ni Vina (published as is):

“Im proud of you indai inapotpot @shaina_magdayao [face throwing a kiss emoji]”

Kailangan ngayon ng tapang kapag nagsasalita para sa panig ng ABS-CBN dahil may nakaambang na army ng trolls at bashers, na ayaw nakakarinig ng anumang pasaring kay Presidente Rodrigo Duterte, na siyang may isyu sa Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Sinegundahan din ng singer-actress ang sinabi ni Shaina na ang maliliit na empleyado ng ABS-CBN ang prayoridad na ipinaglalaban sa ngayon.

Tutal naman daw ay may naipon silang mga artista.

Saad sa post ni Vina: “tama po wag na po kaming isama mga artista

“dahil maski papano kami ay mabubuhay sa aming mga naipon.

“Iniisip po namin ang mga pamilya ng mga empleyado na sa kanila ay umaasa.”

Continue reading below ↓

THANKFUL FOR PROVISIONAL FRANCHISE BILL

Sa parehong post, nagpasalamat si Vina sa Kamara.

“Ako po ay patuloy na magdadasal at ako ri’y nagpapasalamat sa Kongreso sa binigay na panahon at pagdinig ng boses ng aming mga kapamilya.”

Tinukoy ni Vina ang apurahang pagpapasa ng mga kongresista, sa second reading, sa House Bill 6732.

Layunin ng panukalang ito ni House Speaker Alan Peter Cayetano na magbigay ng limang-buwang provisional franchise to operate sa ABS-CBN.

Ipinasa ang HB 6732 nitong May 13.

Sa susunod na linggo, isasalang at inaasahang aaprubahan ang panukala sa third at final reading.

“HINDI PO KAMI MADRAMA”

Gaya ng inaasahan, may netizen na agad nag-post ng negatibong comment laban kina Vina at Shaina.

Sabi ng netizen, “andaming drama” ng magkapatid.

Kaagad naman siyang sinagot ni Vina.

Hindi raw drama ang ginawa ni Shaina sa video.

Giit ni Vina, sa teleserye lang nagdadrama ang mga tulad nilang artista.

Paliwanag ni Vina sa netizen, nagsasalita ang Kapamilya stars para hindi na madagdag pa ang libu-libong ABS-CBN employees sa mga nawalan ng kita ngayong may pandemic.

Continue reading below ↓

Sagot ni Vina: “hindi po kami madrama [heart emoji]

“ginagawa po namin yan sa mga teleserye

“kami po ay lumalaban para sa kapwa namin empleyado ng abscbn na ngayon ay walang trabaho habang may pandemic.

“Lahat po tayo ay nahihirapan sa mga oras na ito lalo na sa mga taong walang trabaho.”

Sa huli, pinili ni Vina na huwag nang patulan pa ang netizen.

Dagdag ni Vina: “Diyos na lang po ang bahala sa inyo [heart emoji].”

Continue reading below ↓

Sa nakalipas na linggo, ilang Kapamilya stars na nakibahagi sa Laban Kapamilya campaign ang pinersonal ng mga bashers.

Kabilang sa kanila sina Coco Martin at Kim Chiu.

Inakusahan ng netizens ng pagiging “overacting” si Coco, bukod pa sa ginawang katatawanan ang lisp nito.

Si Kim naman, patuloy na bina-bash sa pagkukumpara niya sa ABS-CBN shutdown sa pagpapatupad ng rules sa classroom.

Walang kapaguran ang mga organisado, at malamang ay binabayaran, na trolls at bashers.

RELATED STORY

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actress Vina Morales answers a netizen hitting her and sister Shaina Magdayao: “Hindi po kami madrama ginagawa po namin yan sa mga teleserye kami po ay lumalaban para sa kapwa namin empleyado ng abscbn na ngayon ay walang trabaho habang may pandemic."
PHOTO/S: @vina_morales, @shaina_magdayao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results