Mariel Rodriguez addresses body shamers saying "Hala, ang laki na niya."

by Rachelle Siazon
May 15, 2020
Netizens supporting Mariel Rodriguez tell bashers: "Weno naman kung mataba? Maganda naman."
PHOTO/S: @marieltpadilla Instagram

Idinaan ni Mariel Rodriguez sa prangkang usapan ang panlalait ng bashers sa social media.

Base ito sa mga vlogs niya kunsaan panay ang puna ng netizens sa kanyang pangangatawan.

Aminado si Mariel na hindi pa nababawasan ang kanyang post-pregnancy weight.

Pahayag ni Mariel, "Bago ang lahat, gusto ka lang sabihin, 'O, magko-comment na naman kayo diyan, 'Ang taba. Hala, ang laki na niya.'

"O, ako na ang nagsasabi. Okay? Happy? Mataba? Okay na?

"O, alam na nating dalawa, makaka-move on na tayo."

Inihayag ito ni Mariel sa teaser ng kanyang cooking vlog noong May 3.

Continue reading below ↓

RR DEFENDS MARIEL

Sa comments section ng kanyang Instagram, isa sa mga dumepensa kay Mariel ay ang dating Wowowee co-host na si RR Enriquez.

Ayon kay RR, tama lang na prangkahin ni Mariel ang mga nambabatikos sa kanya.

"Gustung-gusto ko yung ganyan, yung mga hater na lang ang susuko kasi alam nila you're not affected."

Sabay lagay ni RR ng laughing emojis.

Wala rin daw dapat ipag-alala si Mariel dahal maganda naman daw ito.

Sabi ni RR (published as is): "But anyways dibale ng mataba basta maganda pa din. Yung iba ngang basher hindi MATABA pero ang PANGET PANGET!!!

"CHERET BYE."

Panay tawa ang reply ni Mariel kay RR.

Continue reading below ↓

STILL PRETTY MARIEL

May ibang netizens ang sumuporta kay Mariel.

Sang-ayon sila na hindi sukatan ang pangangatawan ng isang tao.

"Weno naman kung mataba? Maganda naman," saad ng isa.

Sagot ni Mariel, "mismo hahaha."

May pumuri rin kay Mariel na ang dapat niyang pahalagahan ay ang pagiging "Overly Awesome Mom, Wife, And Human Being" niya.

"Aww," sagot ni Mariel, na tila na-touch sa mensahe ng netizen.

Continue reading below ↓

Proud naman ang mister ni Mariel na si Robin Padilla, na siyang cameraman umano ng TV host sa vlog na iyon.

November 2019 nang isilang ni Mariel ang ikalawang supling nila ni Robin na si Maria Gabriela.

Ang panganay nilang si Mariel Isabelle ay ipinanganak naman noong November 14, 2016.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens supporting Mariel Rodriguez tell bashers: "Weno naman kung mataba? Maganda naman."
PHOTO/S: @marieltpadilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results