Karen Reyes, 23: "I’m a mom of two and I’m so proud."

by Bernie V. Franco
May 15, 2020
karen reyes children
Karen Reyes: “Sobrang relieved ako nung nasabi ko na yung tungkol sa mga anak ko. Nailabas ko na finally. Kasi, parang tatlong taon ko rin na burden ito sa akin. Na, paano ko kaya [sasabihin] na may anak ako, na, instead of matakot, mas maka-inspire ako ng mga tao?”
PHOTO/S: @justmekarenreyes on Instagram / YouTube (Karen Reyes)

"Hello! I’m a mom of two and I’m so proud.”

Ito ang pagpapakilala ni Karen Reyes, 23, sa sarili limang araw matapos ipaalam sa publiko sa unang pagkakataon na ganap na siyang ina.

Unang nakilala si Karen nang mahirang siyang second placer sa Pinoy Big Brother Teen Edition Season 4 noong 2012.

Kasunod nito ay pinasok niya ang showbiz bilang Kapamilya artist.

Si Karen ay talent ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Nitong Linggo, May 10, Mother’s Day, inilabas ni Karen ang YouTube video kung saan inamin niyang may dalawa na siyang anak—sina Olivia, two years old, at Lucas, nine months old.

Kahapon, May 14, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karen sa pamamagitan ng telepono.

Kinumusta namin siya matapos niyang amining isa na siyang ganap na nanay.

Saad niya, “Sobrang relieved ako nung nasabi ko na yung tungkol sa mga anak ko. Nailabas ko na finally.

Continue reading below ↓

“Kasi, parang tatlong taon ko rin na burden ito sa akin.

"Na, paano ko kaya [sasabihin] na may anak ako, na, instead of matakot, mas maka-inspire ako ng mga tao?” lahad ng aktres.

Buntis na si Karen nang gawin niya ang 2017 movie na My Ex and Whys, na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Pagkapanganak, pansamantala muna siyang nagpahinga.

Muli siyang bumalik sa trabaho noong 2018 para sa teleseryeng Asintado.

Pagkatapos na pagkatapos ng teleserye, nabuntis muli si Karen.

KAREN'S BIG SECRET

Mula noong una siyang mabuntis hanggang maipanganak ang pangalawa niyang baby, isinikreto ni Karen ang kanyang pagiging nanay.

Hanggang nito ngang Mother’s Day ay umamin na siya.

Sa video, ipinaliwanag ni Karen na nahirapan siyang umamin dahil natakot siyang mahusgahan at baka maapektuhan ang kanyang career.

Mas mahirap daw noong unang beses siyang mabuntis dahil iilan lamang ang kanyang mapagsabihan tungkol dito.

“Hopeless din ako nun. Wala akong ibang makausap," sabi ni Karen sa panayam ng PEP.ph.

Continue reading below ↓

"Yung mga kaibigan ko, hindi din naman lahat alam. Parang pili ang mga taong nakakaalam."

Matapos isilang ang kanyang panganay na anak, nakabalik sa trabaho si Karen at naging bahagi ng Asintado, na pinagbidahan ni Julia Montes.

Alam na raw ng staff at ng kanyang co-stars ang kanyang kalagayan at, noon pa man, hinihimok na siyang umamin tungkol sa pagkakaroon ng anak.

“Alam po ‘yan ng mga staff, alam din po ‘yan nina Julia, alam din po ng co-actors ko.

"Siyempre, ikinukuwento ko nga sa kanila.”

Madalas daw na usisa sa kanya: “'Bakit mo itinatago?

"Sabi ko, ‘Kasi natatakot ako.’

“Lagi yun ang tanong nila, ‘Bakit mo kailangang itago?'

"'Okay lang ‘yan,' ganun din sila [mag-advise]. 'Hindi naman ikaw yung unang artista na nabuntis.’

“Pero siyempre, sa akin, natatakot ako. Kakabalik ko lang ulit.

"Siyempre pressure talaga, kasi siyempre, di ba, hindi ko naman biglang sasabihin na may anak ako out of nowhere."

Continue reading below ↓


HOT STORIES

KAREN'S BIG REVELATION

Nang maipanganak ang kanyang pangalawa, sumagi raw sa isip ni Karen na ipaalam na ito sa publiko.

Nagkakausap daw sila ng kanyang handler na aamin na siya.

“Pero hindi pa namin alam kung kelan yung tamang panahon, tamang timing,” kuwento ni Karen sa PEP.ph.

Continue reading below ↓

Malaking tulong daw ang naidulot sa kanya ng enforced quarantine, na sinimulan noong March, dahil nakapagmuni-muni siya.

“Nitong nag-quarantine, nagdasal ako, sabi ko, ‘Lord, ano bang gagawin ko?’

"Kasi siyempre, unang-una, pag nakakakita ako ng mom of two, may konting inggit din sa akin.

“Parang ako din, gusto ko, gusto kong may ganoong factor, kasi proud ako.”

Pero ang takot daw ang siyang pumigil sa kanya para umamin.

“Baka biglang mabigla yung mga tao,” pakli niya.

Tinulungan daw si Karen ng mga kasamahan sa trabaho, gaya ng mga taga-Star Magic, para magkaroon siya ng lakas ng loob.

“Actually, ang nag-push talaga sa akin, yung RM [road manager] ko.

"Sinabi niya sa akin, ‘Bakit di mo pa ilabas? Wala ka naman dapat ikatakot ngayon. Dedma ka na sa mga negative.’”

Nagpakalas din daw sa loob niya ang kanyang mga kapatid.

“Kaya parang sabi ko, ‘Sige, wala namang mawawala. It’s a win-win [situation]. At least mailabas ko.'”

Continue reading below ↓

Para raw siyang isang ibong nakawala sa hawla pagkatapos umamin.

Saad ni Karen, “I’m free as a bird!

"Hello! I’m a mom of two and I’m so proud.

“Ang sarap, grabe!

"Gumigising ako sa umaga, ang gaan ng pakiramdam ko."

karen reyes spaghetti strap

THE FATHER OF HER CHILDREN

Kinumpirma rin ni Karen kung sino ang ama ng kanyang dalawang supling.

Continue reading below ↓

Ito ay ang vocalist ng bandang Silent Sanctuary na si Raymund “Sarkie” Sarangay.

“Marami ding naghahanap, ‘Asan yung tatay? Sinong tatay ng mga bata? Iisang tatay din ba ng dalawang bata?’” natatawang sabi ni Karen.

“Kaya lang, camera shy siya, so nahihiya siya na sumama-sama sa mga vlog.”

Pag-amin ni Karen, hindi pa sila kasal ni Sarkie.

Kailan nila balak magpakasal?

“Wala pa po, e. Okay naman po sa setup,” sagot ng aktres.

Continue reading below ↓

Dahil tigil-operasyon ang kanyang home network at wala munang projects, pinagtutuunan ngayon ni Karen ang pagiging social media influencer.

Nagdesisyon daw siyang seryosohin ito mula noong nakaraang taon.

“Napagdesisyunan ko na rin na, why not?

"Kasi may platform naman ako, meron na rin akong brands na nahawakan before,” paliwanag niya.

REALIZATION IN HER JOURNEY

Marami na ang nangyari sa buhay ni Karen sa walong taon niya sa showbiz—mula sa isang kabataang nakapasok sa PBB, pinasok ang pag-aartista, hanggang maging isang ina.

Ano ang pinakamahalagang natutunan niya matapos ibunyag ang bagong yugtong ito sa kanyang buhay?

Sagot niya: “There’s nothing to be afraid of.

"Before, sinabi ko na rin sa ibang boss ng ABS, [sabi nila], ‘Wag kang matakot.’

“Wala akong lakas ng loob.

“Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob."

Dagdag pa ni Karen: "Life is a roller coaster, hindi mo alam kung ano ibibigay sa ‘yo ni God.

Continue reading below ↓

“Basta maging appreciative ka lang, maging grateful ka lang sa ibinibigay Niya, at the end of the day, magiging masaya ka.”

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karen Reyes: “Sobrang relieved ako nung nasabi ko na yung tungkol sa mga anak ko. Nailabas ko na finally. Kasi, parang tatlong taon ko rin na burden ito sa akin. Na, paano ko kaya [sasabihin] na may anak ako, na, instead of matakot, mas maka-inspire ako ng mga tao?”
PHOTO/S: @justmekarenreyes on Instagram / YouTube (Karen Reyes)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results