Sarah Jane Abad confirms separation from Kamikazee vocalist Jay Contreras

by James Patrick Anarcon
May 16, 2020
Sarah Jane Abad on separation from Jay Contreras: "This has been heartbreaking and painful, but always praying for strength and acceptance. Thank you."
PHOTO/S: @jaycontr3ras on Instagram / YES! Magazine

Kinumpirma ni Sarah Jane Abad na hiwalay na sila ng asawang si Jay Contreras.

Nitong Huwebes, May 14 ay nagpost ng maikling mensahe si Sarah sa kanyang Instagram stories tungkol sa hiwalayan nila ng dating asawa.

Sinabi ni Sarah na nagpapasalamat siya sa mga tao at kaibigang nag-reach out sa kanya simula nang pumutok ang balita.

Bagamat "heartbreaking" at "painful" daw ang mga pangyayari, nananatili silang mabuting magkaibigan ni Jay.

Ito ang kabuuang post ni Sarah:

"I appreciate all the love and overwhelming support people have sent and continue sending our way, most especially to all my friends who have tried to reach out.

"Soon, I might have the courage to talk to all of you.

"Please know that Jay and I will remain good friends and loving parents to our kids. It would be a new journey for both of us.

"This has been heartbreaking and painful, but always praying for strength and acceptance. Thank you."

Continue reading below ↓

Sarah Jane Abad

SARAH JANE ABAD-JAY CONTRERAS SEPARATION SPECULATION

Unang lumabas ang haka-hakang hiwalay na sina Sarah at Jay noong May 10, Mother's Day.

Nang araw na iyon ay nag-post si Jay ng Mother's Day greeting para kay Sarah, na binigyang-pugay ang pagiging ina sa dalawa nilang anak.

Ang post ni Jay ay isang graphic art ng litrato ni Sarah.

Continue reading below ↓

Simple pero sweet ang naging message ni Jay. "Happy Mothers Day we Love You"

Naging malaman naman ang reply ni Sarah sa post ni Jay.

Base sa kanyang comment, tila maganda ang relasyon nila ni Jay kahit pa na may nagbago sa pagsasama nila.

Saad ni Sarah sa comments section, "It may not be the same between us, but ill be forever grateful for giving me 2 wonderful angels. Thank u."

Continue reading below ↓

Ikinagulat ng mga fans ng dalawa ang comment ni Sarah at lumabas ang katanungan kung hiwalay na nga ba sila.

RELATED STORY

SARAH JANE ABAD-JAY CONTRERAS LOVE STORY

Taong 2002 nang magkakilala at magkahulugan ng loob sina Sarah at Jay.

Noong mga panahong iyon ay magkasintahan pa ang Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda at ang aktres na si Kaye Abad, na nakakatandang kapatid ni Sarah.

Noon ay 16 si Sarah samantalang 24 naman si Jay.

Tuwing bumibisita raw si Chito sa bahay nina Kaye sa Cavite ay isinasama ni Chito ang close friend nitong si Jay.

"Lagi nila kaming niloloko—nina Chito and Ate—na, 'Uy, diyan ka na lang kay Jay.' Hindi nila akalain na magiging seryoso lahat," kuwento ni Sarah sa YES! Magazine noong 2011.

Naging magkarelasyon sina Jay at Sarah noong ding 2002, subalit naghiwalay rin sila pagkatapos ng isang buwan dahil sa differences dala ng kanilang eight-year age gap.

Continue reading below ↓

Noong 2005 ay nagkabalikan ang dalawa. Sa sumunod na taon, noong 2006 ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at isinilang ni Sarah ang panganay nilang si Kidlat.

Pagkatapos ng ilang taon, noong January 27, 2009, nagpakasal ang dalawa.

RELATED STORY

Si Sarah ang nakababatang kapatid ni Kaye Abad na nagsimula bilang child actress.

Ilan sa mga proyektong ginawa niya ay Wanted: Perfect Father, Ika-11 Utos: Mahalin Mo, Asawa Mo, at ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya.

Pagkatapos nito ay nagpahinga siya sa showbiz.

Nagbalik si Sarah sa showbiz noong 2017 bilang talent ng VIVA Artists Agency.

Ilan sa mga proyektong ginawa niya ay ang Bloody Crayons, We Will Not Die Tonight, at ang ABS-CBN series na Los Bastardos.

Si Jay naman ay ang mesmerizing vocalist ng OPM band na Kamikazee.

Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay "Narda," "Martyr Nyebera," "Chicksilog," "Unang Tikim," at "Huling Sayaw."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Jane Abad on separation from Jay Contreras: "This has been heartbreaking and painful, but always praying for strength and acceptance. Thank you."
PHOTO/S: @jaycontr3ras on Instagram / YES! Magazine
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results