Kathryn Bernardo to haters calling her "sakang": "I love my legs! Si DJ love din legs ko!" 

by Rachelle Siazon
May 17, 2020
Kathryn Bernardo on overcoming her insecurity about her bow legs: "Hindi naman ako makukulong sa pagkasakang ko! Pero alam niyo kung sino nagpa-realize sa akin na huwag magpa-insecure? Si DJ."
PHOTO/S: Kathryn Bernardo Youtube

"Ang pangit ni Kathryn Bernardo! Sakang na! Pangit pa!"

Ito ang madalas na ibinabatong panlalait sa box-office star na si Kathryn Bernardo.

Pahayag ni Kathryn, "Oh, boom! Ito yung hinihintay ko."

Sakang ang tawag sa legs na kapag pinatayo nang diretso ay magkalayo ang mga tuhod kahit na magkadikit na ang kanan at kaliwang sakong.

Sa Ingles, "bow legs" ang tawag dito dahil sa hugis-pana ang hitsura ng legs pag titingnan sa malayo.

Nanggaling na mismo sa bibig ni Kathryn na dati niyang kinai-insecure-an ang pagiging sakang.

Ito raw ang isang dahilan kung bakit noon pa ay inalis na niya ang comments section sa kanyang Instagram.

Ani Kathryn, "Kasi grabe yung negative energy. Ang daming time talaga ng bashers."

Pero hindi na raw siya tinatablan ng panlalait na kahugis ng parenthesis ang kanyang legs.

Paliwanag ng Kapamilya actress: "Alam niyo, over the years natutunan ko tanggapin ang legs ko.

"Yes it's not straight. It's kinda ganyan, 'parang parenthesis', yun ang sinasabi nila.

Continue reading below ↓

"E, wala e. Parte siya ng pagkatao ko."

Inihayag ito ni Kathryn sa kanyang YouTube vlog na published ngayong Linggo, May 17.

TRENDING "#SAKANGSIKATHRYN"

Tiyempo namang trending ang hashtag na "#sakangsiKathryn" mula hapon hanggang gabi ng May 16, Sabado.

Panay pa rin kasi ang batikos kay Kathryn matapos niyang ihayag na sana ay huwag tuluyang ipasara ang ABS-CBN, na kanyang home network.

Ang kapangitan ng mga batikos ay inaasahan na sa mga trolls at bashers. Malakit galit ng mga ito sa sinumang dumedepensa sa Kapamilya network dahil tingin nila'y paninira ito sa gobyernong nagpasara rito.

May naging pag-amin na ang owners ng troll farms na may pasuweldo sila sa mga organisado nilang trolls at bashers para sa bawat post, lalo na kung nakaka-generate ito ng sagot at kumakalat.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Pero sa kanyang Instagram post ngayong Linggo, May 17, tinawanan lang ni Kathryn ang bashers.

Nakangiti pa si Kathryn sa kanyang litrato kasama ang alagang aso na si Tala.

Caption ng aktres, "Tala and I reacting to my bashers! Lol!"

At saka ipinost ang vlog tungkol sa matitinding mean comments ng kanyang haters.

Continue reading below ↓

EMBRACING HER FLAWS

Natutunan daw ni Kathryn sa boyfriend niyang si Daniel Padilla na mas mabuting yakapin kung anuman ang imperfections niya.

DJ ang palayaw ng aktor na si Daniel.

Patuloy ni Kathryn sa kanyang vlog: "Before, sobrang insecurity ko ito.

"Pero alam niyo kung sino nagpa-realize sa akin na huwag magpa-insecure? Si DJ.

"Through DJ na-overcome ko insecurity ko about my legs."

Hindi na raw siya nako-conscious kung anong hitsura niya kapag nakatayo at maging kapansin-pansin na siya ay sakang.

Lahad ni Kathryn: "Na-realize ko lahat tayo merong imperfections. Siguro nagkataon ibinigay sa akin ni God yung legs ko.

"And ano gagawin ko? E, di nagwo-workout ako para ma-excercise siya.

"And tatanggapin ko, kasi hello?! Hindi naman ako makukulong sa pagkasakang ko!"

MESSAGE TO PEOPLE CALLING HER SAKANG

Tinapik pa ni Kathryn ang kanyang legs, at sinabing sana ay huwag magalit ang kanyang legs dahil sa pagiging insecure niya rito noon.

Continue reading below ↓

"I love my legs! Si DJ love din legs ko! Ngayon tanggap ko siya 100 percent!" proud na sabi pa ni Kathryn.

Para naman daw sa kanyang bashers, "Come on! You kiss my f*cking legs! Hahaha!"

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo on overcoming her insecurity about her bow legs: "Hindi naman ako makukulong sa pagkasakang ko! Pero alam niyo kung sino nagpa-realize sa akin na huwag magpa-insecure? Si DJ."
PHOTO/S: Kathryn Bernardo Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results