Detach Video
Remember When: This newbie insulted Kathryn Bernardo and instantly regretted it
by Rommel R. Llanes
May 18, 2020

Kasabihang nasa huli ang pagsisisi.

Ito ang naging situwasyon nang nagsisimula pa lang noon sa showbiz si Xander Ford.

Si Xander, na dating Marlou Arizala, ay sumikat sa Internet dahil sa mga online video niya kasama ang grupong Hasht5.

Kahit na kabilang sa grupo, si Marlou ang pansin na pansin ng netizens dahil sa sobrang tiwala at confidence nito sa sarili.

Siya ang pinakasikat sa grupo kaya't nung September 2017, kinuha siya bilang talent ng management team na Star Image Artists.

Binago ang image ni Marlou, ginastusan ang pagpaparetoke ng mukha niya, at binago ng management team ang kanyang pangalan.

Mula Marlou Arizala, ipinakilala na siya sa publiko bilang Xander Ford.

Pero nung taon ding iyon, isang video ang inilabas ng KathNiel's Defenders, isang fan club nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Makikita ang isang lalaking kinukunan ng cellphone video ng katabi, habang sakay sila ng isang bus.

Video: null.

Sabi ng lalaking kinukunan ng video, "Yun lobo pong ginaganapan ni Kathryn Bernardo po, sakang po yun.

"Dun po sa mga naniniwalang gustong maging number one FHM model si Kathryn Bernardo, huwag na po kayong umasa.

"Never pa 'kong nakakita ng ano... pag nakita nyo na po yung daliri sa paa ni..."

Pinutol ng katabi ng lalaki ang sinasabi ng huli.

Sabi ng KathNiel fans, si Xander Ford ang lalaking nasa video.

Nung umpisa ay itinanggi muna ni Xander na siya nga ang lalaking nang-iinsulto kay Kathryn.

Sinabi pa niyang kapatid niya raw iyon na kamukha at kaboses niya.

Pero kalaunan, umamin din si Xander at humingi ito ng patawad sa KathNiel fans at kina Kathryn at Daniel mismo.

Aniya, natakot lang daw siyang aminin na siya yung lalaking nasa video.

Sabi pa niya, hindi na raw siya iyon, dahil ang nasa video ay si Marlou at siya na ngayon ay si Xander Ford.

Sa katunayan, idol nga raw niya si Daniel Padilla kaya't ang pinili niyang apelyido nung maging Xander na siya ay "Ford," na mula sa tunay na pangalan ni Daniel na Daniel Ford Padilla.

Nung April 2019, in-announce ng Star Image Artists Management na sinuspinde nila indefinitely si Xander, binawi ang kanyang pangalan, at naghahanap na sila ng "next Xander Ford."

Sa ngayon ay wala nang masyadong balita tungkol kay Xander.

Ang huling naisulat tungkol sa kanya ay nung May 2019, nang kunin siyang muli ng Star Image Artists.

At dahil binawi na sa kanya ang pangalang Xander Ford, kilala uli siya ngayon bilang Marlou Arizala.

Recommended Videos
Watch Now

Featured Searches:

Read the Story →
Xander Ford aka Marlou Arizala (left) can no longer be seen much. This may have to do with his bashing the popular Kathyrn Bernardo (right), which was caught on video and released on the Net.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results