Maureen Wroblewitz drops a hint that JK Labajo is her first boyfriend

by Rachelle Siazon
May 18, 2020
MORE THAN A YEAR OF FUN AND KILIG: Model Maureen Wroblewitz shows the sweet side of her singer-boyfriend JK Labajo.
PHOTO/S: Maureen Wroblewitz TikTok

Walang ex-boyfriend since birth ang Asia's Next Top Model Season 5 winner na si Maureen Wroblewitz.

Ito ang pahiwatig ng dalaga nang gumawa siya ng sarili niyang bersiyon ng "Got a text from my ex" TikTok video.

Nag-dub si Maureen ng hugot quotes para sa mga taong naka-move on na matapos ang isang painful breakup.

Sabi rito, "Got a text from my ex the other day; he said he missed me.

"I said, 'I'm sorry I can’t talk right now, I’m at a funeral.' She said, 'Oh my god! Who died?'

"I said, 'My feelings for you did. Bye, f*cker.'"

Pero sa caption ng kanyang TikTok video, noong April 2, sinabi ni Maureen na wala siyang hugot dahil wala siyang ex-boyfriend.

"jokes on you... i don't have an ex," saad ni Maureen kasama ng isang laughing with tears emoji.

MAUREEN'S FIRST BOYFRIEND

Lumalabas na si JK Labajo ang first boyfriend ni Maureen.

Continue reading below ↓

Sa comments section ng video ni Maureen, may ilang netizens ang pumuna sa caption ng 21-year-old model.

Masuwerte raw si JK na siyang nobyo ngayon ni Maureen.

"JK is so lucky to have you!" sabi ng isang netizen.

Ni-like ni Maureen ang comment na ito.

Natatawang hirit ng isa pang follower, "Waah sana all walang ex!"

Dagdag pa nito, "Ang saya siguro kung yung first and last bf mo yung magiging asawa mo grabe major goals!"

Continue reading below ↓

maureen-jk RELATIONSHIP TIMELINE

Mahigit isang taon na ang nakararaan mula nang mapansin ang pagtatangi nina Maureen at JK sa isa't isa.

April 2019 nang mag-post sa Instagram si JK ng litrato ni Maureen habang sila ay nasa Boracay.

Unang public appearance nilang magkasama ay nang dumalo sila sa premiere night ng Kwaresma, ang horror film na pinagbidahan ni Sharon Cuneta.

Ginanap iyon noong May 13, 2019.

Continue reading below ↓

Lumipas ang tatlong buwan, sa birthday ni Mother Lily Monteverde noong August 2019, muling nakitang magkasama sina JK at Maureen.

Mailap si JK nang tanungin kung anong estado ng relasyon nila ni Maureen.

Pero nagpahiwatig si Maureen na higit sa pagiging magkaibigan ang namamagitan sa kanila ng "Buwan" singer.

"We just wanna keep things private. I don’t want to be all over, e," ani Maureen, base sa ulat ng PEP Troika noong August 20, 2019.

Hindi mapaghiwalay ang dalawa sa okasyon iyon, kaya lalong naging maugong na sila na.


Continue reading below ↓

May iba pang pagkakataon na sweet ang turingan nila sa isa't isa.

Pero noon lamang February 14, 2020 nag-post si Maureen sa kanyang Instagram ng couple photo nila ni JK.

"happy valentines day," simpleng caption ni Maureen na may heart emoji.

CUTE VIDEOS TOGETHER

Hanggang sa noong March 2020 ay mas naging bukas si Maureen na ipakita kung paano sila ni JK kapag magkasama sila.

Ginawang katatawanan ni Maureen ang panunuro sa kanya ni JK na ang dalaga raw ang "more likely to cheat" sa relasyon nila.

Base ito sa TikTok video na may ipa-flash na random question, at sasagutin nila sa pamamagitan ng face detection feature.

Walang isinagot si Maureen, na bahagya pang napangiwi ng makita ang tanong na Who's more likely to cheat?"

Pero hindi inaasahang itinuro ni JK si Maureen.

Pabirong caption ng dalaga, "thanks for trusting me #ThisisQuitting."


Continue reading below ↓

Gumawa rin sila ng iwas-COVID-19 video.

Kunwari ay nagpapa-cute sila sa isa't isa habang nasa loob ng kotse papunta sa kanilang date.

Ipinost iyon ni Maureen sa TikTok noong March 13, bago nagsimulang ipinatupad ang community quarantine.

Naghawakan sila ng kamay at nagtitigan habang ang background song ay "Mr Right" ni Kim Chiu.

Pero maya-maya ay naghiwalay sina JK at Maureen. Dali-dali silang nag-alcohol sa kamay, sabay suot ng face masks at salamin.

Paalala naman ni Maureen sa kanyang followers, "safety comes first. jokes aside please take care of yourselves."

Continue reading below ↓

BOYFRIEND-GIRLFRIEND CHORES

Noong March 16, 2016 nang diretsahang tinukoy ni Maureen si JK bilang kanyang "boyfriend."

May TikTok video noon si Maureen na nilagyan ng makeup si JK habang natutulog ang singer.

Wala raw magawa ang dalaga kaya naisipan niyang i-prank ang nobyo.

Maya-maya ay ginising ni Maureen si JK.

Sabi ng dalaga sa kanyang nobyo, "Can you please look at the mirror for me? Check yourself. How do you look?"

Sa unang tingin ni JK sa sa salamin, napabulong siya ng "the f*ck."

Pero hindi naman napikon ang 19-year-old singer, at nagkomento pa na "virus-proof" ang kanyang makeup.

Continue reading below ↓

Game din si JK na tumulong sa gawaing-kusina.

Noong April 24, ipinakita ni Maureen ang video ni JK na naghihiwa ng sibuyas.

Para hindi maiyak sa sibuyas, kakatwang nagsuot pa si JK ng helmet.

Tuwang-tuwa naman si Maureen, at sinabi pa sa kanyang caption, "when i ask my bf to cut the onions."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MORE THAN A YEAR OF FUN AND KILIG: Model Maureen Wroblewitz shows the sweet side of her singer-boyfriend JK Labajo.
PHOTO/S: Maureen Wroblewitz TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results