Vice Ganda, Mayor Vico Sotto, Arnold Clavio caution public against mall visits

by Jet Hitosis
May 18, 2020
(L-R) Comedian-TV host Vice Ganda, Pasig City Mayor Vico Sotto, and broadcaster Arnold Clavio appeal to the public to still stay at home to avoid contracting the deadly virus.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin, @vicosotto, @akosiigan on Instagram

Nabahala ang ilang celebrities sa dagsa ng tao sa shopping malls simula nitong Sabado, May 16.

Kasunod ito ng pagbabalik-operasyon ng essential stores at services sa loob ng mga mall nitong Sabado.

Binuksan nang muli ang mga bangko, restaurant, bakeshop, supermarket, payment center, hardware, at fashion outlets.

Pinayagan na ang mga nabanggit na establisimyento, alinsunod sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Gayunman, sa ilalim ng MECQ ay istriktong ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask at ang physical distancing sa loob ng malls.

Iiral ang MECQ sa Metro Manila, Laguna, at Cebu City hanggang sa May 31.

SHOPPERS STORM MALLS

Nitong Sabado, kumalat sa social media ang mga litratong kuha sa loob ng malls.

Makikita na maraming tao ang dumagsa sa mga shopping mall.

Naipon marahil ang bibilhin ng mga ito o pupuwede ring nasabik sa gala, matapos nang dalawang buwang pananatili sa loob ng bahay.

Sa dami nila, may pagkakataong nagkakadikit-dikit na ang mga tao habang nagkakasalubong sa paglalakad.

Continue reading below ↓

May kuha rin sa loob ng supermarket, kung saan makikitang nagkukumpulan sa aisle ang mga namimili.

Bagamat nakasuot ng face mask o face shield ang mga tao, malinaw na hindi nila natutupad ang physical distancing.

Dahil sa dami ng dumagsa, mistulang hindi na nagawang i-monitor ng pamunuan ng malls ang isang metrong distansiya sa pagitan ng mallgoers.

ARNOLD TO IATF: “BAWIIN MUNA ANG OPENING NG MGA MALL”

Kasunod ng pagkalat ng mga litratong ito sa social media, may panawagan sa gobyerno ang broadcast journalist na si Arnold Clavio, 54.

Ipinost ito ni Arnold sa Instagram nitong Sabado.

Apela niya sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases: “BAWIIN N’YO MUNA SANA ANG OPENING NG MGA MALL.”

Ang IATF ang policy-making body ng gobyerno sa pagtugon ng bansa sa coronavirus disease o COVID-19 pandemic.

Sinisisi ni Arnold ang management ng shopping malls sa kawalan ng physical distancing.

Continue reading below ↓

Ayon kay Arnold: “HINDI NILA KAYA MA-CONTROL ANG DAGSA NG TAO. NAKAKATAKOT !!!”

Dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa mga mall, nagpahayag ng takot si Arnold na magkahawaan ng COVID ang mas maraming tao.

Caption ng GMA-7 broadcaster: “Iniwan na tayo ni Pangulong Duterte. Umuwi na sa Davao.

“Dami kasing pasaway.

“Kundi ninyo kaya ipatupad ang social distancing sa mga mall, huwag nang ipilit.

“Isara na lang ulit at ibalik na sa ECQ ang Metro Manila!!!

“Huwag ninyo naman kaming idamay na mga sumusunod at takot sa COVID19. [three crying face emojis]”

Continue reading below ↓

Sumang-ayon kay Arnold ang aktor na si Victor Neri, ang kapwa Kapuso broadcaster na si Connie Sison, at ang overseas workers rights advocate na si Susan Ople.

Continue reading below ↓

Sinegundahan din ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang apela ni Arnold.

Sa katunayan, ayon kay Mayor Toby, hiniling niya raw mismo sa IATF na panatilihin ang ECQ sa Navotas “kasi pataas ang cases sa amin.”

Gayunman, hindi raw pumayag ang IATF, ayon sa alkalde.

Sagot ni Arnold, “wala bang discretion ang LGU to decide on that?”

Continue reading below ↓

Reply ni Mayor Toby: “Under the Bayanihan Heal as One Act we have to follow the orders of the National Government.”

Continue reading below ↓

VICE: “HINDI PA SAFE LUMABAS”

Pareho ng sentimyento ni Arnold ang sa Kapamilya TV host-comedian na si Vice Ganda, 44.

Sa tweet ni Vice nitong Linggo, May 17, ipinaalala niya sa kanyang 13.6 million followers na nariyan pa rin ang banta ng COVID-19.

Hanggang maaari raw ay mas mainam na manatili pa rin sa loob ng bahay ang lahat.

Continue reading below ↓

Tweet ni Vice (published as is): “HINDI PA SAFE LUMABAS.

“MARAMING MAAARING MAKAKUHA, MAHAWA AT MAMATAY.

“BUHAY NA BUHAY PA ANG COVID-19 PARA PATAYIN TAYONG LAHAT.

“MANATILI TAYO SA LOOB NG MGA BAHAY UTANG NA LOOB!”

Sinundan ito ng It’s Showtime host ng isa pang tweet.

Ulit ni Vice, kung hindi naman importante ang sasadyain sa labas ng bahay ay huwag na lang daw lumabas.

Continue reading below ↓

Hinimok niya ang mga kating-kati gumala na “maawa” sa sarili, sa mga posibleng mahawahan, at sa mga frontliners na nagsasakripisyo para sa bansa.

Saad sa follow-up tweet ni Vice: “Kung hindi rin naman mahalaga ang pakay mo sa paglabas, kung maaari namang ipagpaliban, kung wala namang kapararakan,

“kung dala lang naman yan ng kabagutan o kaharutan utang na loob wag ka ng lumabas.

“Maawa ka sa sarili mo, sa mahahawa mo at sa mga frontliners.”

Continue reading below ↓

MAYOR VICO: “TANDAAN, MARAMING ASYMPTOMATIC”

Sa Instagram Stories ni Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Linggo, ginamit niya ang litrato ng isang eksena sa Eat Bulaga kalyeserye nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Kuha noong 2015, makikitang may mataas na plywood na nakapagitan kina Alden at Maine kaya hindi sila magkakitaan.

Caption ni Mayor Vico: “Lola Nidora imposing social distancing.”

Sa kalyeserye, si Lola Nidora ay si Wally Bayola, na naghihigpit sa apo niyang si Maine sa pakikipagtagpo kay Alden.

Ginawang halimbawa ng 30-year-old local executive ang istriktong pagpapatupad ni Lola Nidora ng distansiya sa pagitan nina Alden at Maine upang bigyang-diin ang kahalagahan ng social distancing.

Ayon sa alkalde, importanteng tandaan na maraming may COVID-19 ang asymptomatic, o walang iniindang sintomas.

Maaaring inaakala ng isang COVID-19 patient na malusog ito dahil walang nararamdaman, kaya mas may posibilidad na makahawa ito.

Kaya naman pinag-iingat ng mayor ang lahat.

Dagdag pa ni Mayor Vico: “Ngayong buksan na po ang mga mall sa NCR… isipin po natin ng mabuti…

Continue reading below ↓

“KAILANGANG KAILANGAN ko na ba talagang pumunta dun?

“Tandaan, maraming ASYMPTOMATIC.

“Mag-ingat tayo.

“Hindi lang para sa sarili natin, kundi para sa kapwa natin.”

JESSY: “HINDI PUWEDE NA BASTA BASTA LUMABAS”

Bukod kina Arnold, Vice, at Mayor Vico, pinayuhan din ng iba pang celebrities ang publiko na huwag nang umalis ng bahay.

Continue reading below ↓

Ang mahalaga, anila, ay manatiling malusog at ligtas sa COVID-19 ang bawat isa.

Ayon sa aktres na si Jessy Mendiola, 27, ang mas relaxed rules sa MECQ at general community quarantine (GCQ) ay hindi nangangahulugang naglaho na ang virus.

Para kay Jessy, kung hindi raw importante ang gagawin sa labas ng bahay ay huwag na lang umalis.

Kung kailangan namang magtrabaho o bumili ng necessities, gawin daw ang mga kinakailangang pag-iingat.

Saad sa Instagram Stories ni Jessy: “Guys, hindi ibig sabihin na MECQ/GCQ ay wala nang virus,

“hindi puwede na basta basta lumabas.

“Sana kung hindi importante manatili muna tayo sa loob ng bahay.

“At para sa mga kailangang lumabas para magtrabaho ay bumili ng necessities, magingat po kayo

“and take extra precautions lang po para hindi mahawa.”

Continue reading below ↓

SOLENN WARNS ABOUT SECOND WAVE

Ang actress-visual artist na si Solenn Heussaff, 34, ay nagbabala laban sa “second wave” ng pandemic.

Ibinahagi ni Solenn sa kanyang Instagram Stories ang artikulo ng ABS-CBN News Channel.

Mababasa sa title: “The Philippines now has the highest COVID-19 fatality rate and lowest recovery rate in ASEAN”

Caption ni Solenn: “GCQ doesn’t mean back to Normal.

“We beed [need] to be even MORE CAREFUL now.

“Second wave is ALWAYS the worst.”

Ang second wave ay ang muling pagtatala ng mas maraming COVID-19 cases matapos na makontrol, sa tulong ng quarantine, ang bilang ng nagpositibo sa virus.

Continue reading below ↓

JOHN ON “GALA” AND “MALL”

Ang actor-concert director namang si John Prats, 36, nag-post ng art card sa kanyang Instagram Stories.

Sa pamamagitan ng art card, nilinaw niya ang GCQ at ang MECQ.

Bagamat may halong biro, ipinaalala ni John na ang transition ng Metro Manila sa MECQ, at ng ibang lugar sa GCQ, ay hindi passes para magpagala-gala sa malls.

Saad sa art card: “Paalala Ang ‘G’ sa GCQ ay General, hindi Gala

“Ang ‘M’ sa MECQ ay Modified, hindi Mall.”

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Comedian-TV host Vice Ganda, Pasig City Mayor Vico Sotto, and broadcaster Arnold Clavio appeal to the public to still stay at home to avoid contracting the deadly virus.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin, @vicosotto, @akosiigan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results