JK Labajo makes a joke of girlfriend Maureen Wroblewitz's pregnancy issue: "It's a boy."

by Arniel C. Serato
May 18, 2020
Singer JK Labajo and model Maureen Wroblewitz go public about their relationship.
PHOTO/S: Courtesy: @karloslabajo / @mauwrob on Instagram

“It’s a boy!!!"

Ito ang caption sa Instagram post ng singer na si JK Labajo, 19, ngayong hapon ng Lunes, May 18.

Pero bago pa man mag-speculate ang kanyang followers, naglagay ng litrato si JK sa post nito ng isang natutulog na pusa.

Marahil, ito ang reaksiyon ni JK sa isyung buntis diumano ang girlfriend na si Maureen Wroblewitz, 21.

Continue reading below ↓

Sa madaling salita, ito ang paraan niya upang pabulaanan ang kumakalat na balita.

Ikinatuwa naman ng followers ng "Buwan" singer ang post ni JK.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

IS MAUREEN PREGNANT?

Nag-ugat ang isyu tungkol kay Maureen nang may isang netizen na nangahas magtanong kay Maureen, sa Instagram, kung buntis siya.

Sumagot ang Asia's Next Top Model Season 5 grand winner na mukha lang malaki ang tiyan niya dala ng suot na flimsy dress.

"It's the skirt," sabi niya.

Continue reading below ↓

Sa Instagram post ni Maureen na magkayakap sila ni JK, nagkomento rin dito ang The Voice Kids Season 1 grand finalist.

Sabi ni JK: “IT'S A BOY!!!”

Kamakailan lamang umamin sina JK at Maureen sa kanilang relasyon

Ito ay kahit noong mga unang buwan pa lang ng 2019 ay mainit na ang usapin ng pagkakamabutihan nila.

Continue reading below ↓

Ayon kay Maureen, si JK ang gumawa ng first move kaya sila nagkapalagayan ng loob.

Inamin naman ni Maureen na si JK ang kanyang first boyfriend.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer JK Labajo and model Maureen Wroblewitz go public about their relationship.
PHOTO/S: Courtesy: @karloslabajo / @mauwrob on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results