Enchong Dee sheds light on 2015 viral photo with Piolo Pascual: "People think it's gay."

by Bernie V. Franco
May 18, 2020
enchong dee swimming
enchong dee piolo pascual
Enchong Dee finally sheds light on photo of him gazing at Piolo Pascual which went viral in 2015. “I think people were also making fun of: ‘Find someone that would look at you like Enchong looks at Piolo…’"
PHOTO/S: @mr_enchongdee on Instagram / Facebook (YES!)

Nagpaliwanag si Enchong Dee, 31, tungkol sa nag-viral na larawan nila ni Piolo Pascual, 43, limang taon na ang nakalilipas.

Sa larawan, makikita si Enchong na nakangiti at nakatitig kay Piolo, na tila nakatingin naman sa malayo.

Ang larawan ay kinunan sa isang fun run na dinaluhan ng mga artista noong November 28, 2015.

Inorganisa ito ng insurance company na iniendorso ni Piolo.

In-upload ito sa social media, mabilis na kumalat, at nilagyan na ng malisya ng ibang netizens.

Ayon mismo kay Enchong, “gay” daw ang tingin ng mga tao sa larawan.

ENCHONG’S FIRST REACTION

Noong una, idinaan ni Enchong sa biro ang reaksiyon niya sa pagba-viral ng photo nila ni Piolo.

Tweet ng premyadong swimmer at reliable actor noong November 29, 2015: “Dahil viral tong photo na to... Ipaviral ko pa uli... Tutal mas sira ulo ako.”

Tsaka niya ni-repost ang nasabing photo.

Ni-repost din ni Enchong ang memes na nakadikit ang kuha niya sa photo ng iba, kabilang na sina Vice Ganda at Pooh.

Continue reading below ↓

enchong dee vice ganda

Continue reading below ↓

ENCHONG FINALLY ADDRESSES VIRAL PHOTO

Pagkalipas ng limang taon, inilahad ni Enchong ang kuwento sa likod ng larawan sa pamamagitan ng isang YouTube video na in-upload niya nito lamang Abril 17, 2020.

Dala na rin ng enforced quarantine, nagkaroon ng oras gumawa ng video si Enchong, kung saan sinagot pa nito ang ilan sa mga pinakamadalas itanong sa kanya.

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga tinanong ay tungkol sa viral photo nila ni Piolo na kuha sa 2015 fun run.

Kuwento ni Enchong, kasama rin nila sa event ang mga kaibigang sina Rayver Cruz at Gerald Anderson.

“Kasi ang question naming tatlo, kaming tatlo nila Rayver tsaka ni Gerald, ‘How was Piolo Pascual able to sustain his popularity for decades?’

“And bilib na bilib kami sa kanya in terms of that,” lahad ni Enchong.

Bagama't 26 years nang nasa showbiz si Piolo, napananatili nga niya ang kanyang kasikatan.

Nang kunan sila ng larawan, nangyaring kinakausap daw ni Piolo sina Enchong, Rayver, at Gerald.

Sabi pa ni Enchong: “So this was the time that he was giving some advices, tapos nakatingin lang ako sa kanya.

“It’s like admiring what he was saying and then someone took a photo.

“I think PEP ata yung nag-take ng photo na yun, tapos pinublish nila without any malicious stuff.

Continue reading below ↓

“But people started retweeting it and people think that it’s funny, people think it’s gay…

“I think people were also making fun of: ‘Find someone that would look at you like Enchong looks at Piolo…’ something like that."

Komento pa ni Enchong, “It was actually funny.”

Ang kumuha talaga ng larawan ay ang YES! Magazine—ang print counterpart ng PEP.ph—na nag-cover ng event at nag-upload sa Facebook.

Continue reading below ↓

(Mid-2018 nang tumigil ang operasyon ng YES! Magazine matapos ng 18 taon sa print industry.)

Sabi pa ni Enchong tungkol sa larawan: “I was really admiring what he was telling me that time, so, yeah…

“For what it’s worth, I’m sure you had a good meme and good laugh from it, so I’ll give you that.”

ENCHONG REACTS TO ALLEGED VIDEO SCANDAL

Nagsalita rin ni Enchong sa akusasyong nagkaroon daw siya ng video scandal.

Itinanggi niyang may katotohanan ito.

“Number one, I’m too old for that,” sagot ng good-natured actor.

“Number two, it’s not my thing.

“And number three, kung maghahanap naman kayo ng video scandal ko, medyo kamukha ko naman.

“Ang layo naman ng hitsura nung kinakabit niyo dun sa sa mukha ko na may video scandal.”

Aniya pa ng Star Magic star, “But again, for what it’s worth, I’m giving you your fantasy.”

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enchong Dee finally sheds light on photo of him gazing at Piolo Pascual which went viral in 2015. “I think people were also making fun of: ‘Find someone that would look at you like Enchong looks at Piolo…’"
PHOTO/S: @mr_enchongdee on Instagram / Facebook (YES!)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results