Mayor Sara Duterte hits ABS-CBN News: “So tuloy lang tayo sa bias.”

by Arniel C. Serato
May 18, 2020
Davao City Mayor Sara Duterte on ABS-CBN franchise: "And for the record, walang connection ang freedom of speech at iba pang kieme ninyo sa isang franchise. Amen." Bagamat taliwas ito sa iniisip ng marami, hindi naman ipinaliwanag ng anak ng Pangulo ang ibig niyang sabihin.
PHOTO/S: Courtesy: Senator Bong Go on Fcaebook / ABS-CBN News Online

Pinuna ni Davao City Mayor Sara Duterte ang ABS-CBN News sa inilabas nitong report base sa panayam sa kanya.

Ang titulo ng artikulo na nailathala ngayong Lunes, May 18, ay “Sara Duterte defends father's Davao trip: President is frontliner.”

Laman ng artikulo ang tungkol sa pag-uwi ng ama ni Mayor Sara, na si Pangulong Rodrigo Duterte, sa Davao kahapon, May 17, matapos ang lagpas dalawang buwang pamamalagi sa Malacañang.

Ipinagtanggol ni Mayor Sara ang pagbiyahe ng Pangulo, matapos nang pagpapaluwag sa lockdown ng Metro Manila, dahil ito raw ang nangungunang frontliner ng bansa.

Quote sa kanya: “So wala nay mas frontliner pa sa atong tanan sa presidente sa atong nasud.”

(“Wala nang mas frontliner pa sa ating lahat kundi ang Presidente ng ating bansa.”)

Pahayag ito ni Mayor Sara sa panayam sa kanya ng Davao City Disaster Radio sa Davao.

Si Mayor Sara ang pangalawa sa tatlong anak ni Pangulong Duterte sa una nitong asawa na si Elizabeth Zimmerman.

Continue reading below ↓

Ang dalawa pa ay sina Congressman Paolo Duterte, 45, at Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte, 32.

Kapatid naman nila sa ama si Kitty Duterte, 16, na anak ng Pangulo sa common-law wife nitong si Honeylet Avanceña.

“SO, TULOY LANG TAYO SA BIAS.”

Ngayong gabi, idinaan sa Instagram ng alkalde ng Davao City ang pagkadismaya sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Himutok niya, hindi isinama sa artikulo ang paliwanag niya sa kanyang sagot.

Pakiramdam ni Mayor Sara ay "nanadya" ang ABS-CBN.

Saad ng 41-anyos na alkalde: “Alam niyo Abs-Cbn kaya marami naiinis sa inyo dahil nanadya kayo.

“Apart from this sassy answer, I gave a mouthful of numbers as legal basis, aba kahit isa wala man lang kayo sinulat.

“Ansabe ko IATF Omnibus Guide dated 15 May 2020 Sec. 7 (2) 2 at Notam DIA exemption to restricted travel 2) Government flights.”

Dala ng galit, inungkat ni Mayor Sara ang problema ng prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

Aniya, “Andami niyo na nga kalaban gusto niyo pa dagdagan.

“Kung sabagay pasok naman na sila Espasol, Sapin-Sapin at Chicharon sa bulsa eh noh, 6 months to 25 years.

“So tuloy lang tayo sa bias."

Pagsita pa ni Mayor Sara: “Magsulat kayo maayos oi.”

Iginiit pa ng alkalde na walang koneksiyon ang press freedom sa hinaing ng ABS-CBN para sa franchise renewal.

Continue reading below ↓

Aniya, “And for the record, walang connection ang freedom of speech at iba pang kieme ninyo sa isang franchise. Amen."

Hindi naman ipinaliwanag ng anak ng Pangulo kung bakit, sa harap ng maraming komentaryong apektado ng network shutdown ang malayang pamamahayag.

Ayon sa mga komentaryo, ang mensahe rito ng gobyerno ay: Kung kaya naming ipasara ang isang higanteng gaya ng ABS-CBN, ano sa tingin niyo ang kaya naming gawin sa inyong maliliit? Kaya magpakatino kayo, huwag niyo kinakanti ang gobyerno!

Dala nito, self-censorship umano ang mangyayari sa media, na magiging sobrang kimi at laging titingin muna sa iisipin ng gobyerno.

Continue reading below ↓

ABS-CBN PROVISIONAL FRANCHISE

Patuloy pa ring pinag-uusapan ngayon sa plenaryo ng Kongreso ang House Bill 6732, na naglalayong bigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN.

Dapat ay third reading na ito ngayon, ngunit pumalag ang ilang mambabatas dahil hindi raw nasunod ang probisyon sa Saligang Batas na ang isang panukala ay dapat basahin sa plenaryo sa magkahiwalay na araw.

Noong May 13, ginawa ng House Committee of the Whole ang first at second reading ng panukala sa loob lamang ng isang araw.

Pinangunahan ito mismo ni House Speaker Alan Peter Cayetano, na nagpanukala na mabigyan ng limang buwang provisional permit ang network.

Kung maaayos sa plenaryo, maaring sa Lunes, May 25, pa maipapasa sa third reading ang panukala bago ito mapadala sa Senado.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Davao City Mayor Sara Duterte on ABS-CBN franchise: "And for the record, walang connection ang freedom of speech at iba pang kieme ninyo sa isang franchise. Amen." Bagamat taliwas ito sa iniisip ng marami, hindi naman ipinaliwanag ng anak ng Pangulo ang ibig niyang sabihin.
PHOTO/S: Courtesy: Senator Bong Go on Fcaebook / ABS-CBN News Online
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results