Kim Chiu, accidental writer of hit song "Bawal Lumabas," may collab sa mas mahabang version

by Rachelle Siazon
May 19, 2020
Kim Chiu decides to move past the non-stop bashing against her. More than that, she decides to collaborate with DJ Squammy and new friend Adrian Crisanto to do a full version of "Bawal Lumabas."
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram

"Yes, I am back! Your teacher sa classroom. Eme lang!"

Ito ang masiglang pagbati ni Kim Chiu na buong-tatag na nagbabalik sa social media matapos siyang putaktihin ng batikos.

May kinalaman ito sa kanyang viral "Bawal Lumabas" quote, nang inihalintulad niya ang "Law ng Classroom" sa law of the state na sumasaklaw sa prangkisa ng ABS-CBN, ang kanyang home network.

Napaglaruan ang speech ni Kim at ginawan ng iba't ibang memes, hanggang sa nilapatan ito ng nakaka-last song syndrome beat ni DJ Squammy.

Kung masaya ang ginawang song-video ni DJ Squammy, panghihiya naman kay Kim ang ginawang memes ng trolls at bashers.

Ang trolls at bashers ay masugid na followers ng administrasyong Duterte, at galit ang mga ito sa sinumang dumedepensa sa ABS-CBN, dahil tingin nila'y paninira ito sa gobyernong nagpasara sa network.

Sa latest YouTube vlog ni Kim, inamin niyang ilang araw siyang nagsara ng social media accounts dahil lubha siyang naapektuhan ng masasakit na tirada sa kanya.

Pati cellphone ay hindi nagbukas si Kim ng ilang araw.

Ngayon Lunes ng gabi, May 18, nag-post na ng vlog si Kim.

Gamit ang background na malaking bulaklak, isang maaliwalas na Kim ang tumambad sa vlog.

Hindi naiwasang magpakuwela ni Kim, pero mataman ang mensaheng ipinaabot niya sa viewers.

Lahad niya: "Nagsara muna ako ng puso at isipan ko because of what happened.

"Siyempre maraming mga tao ang perfect. Echos lang!

"Pero, aaminin ko, hindi naman ako magla-lie to each and everyone, I was really down the past few days. As in super down."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Honest mistake raw ang "Law Ng Classroom" analogy niya sa kanyang emotional defense sa ABS-CBN noong May 8, sa Facebook Live, kasama ng iba pang Kapamilya stars.

Pero hindi raw niya akalaing itotodo ng bashers ang pagbato ng "hurtful words" sa kanya.

"Grabe, yung paggising ko, yung mga tao pinagtawanan yung sinabi ko."

Dagdag nito nang walang arte, "And honestly, ako din, natawa na lang din ako. Sabi ko, 'Shucks, di ko pala naintindihan yung sinabi ko.'"

Sabay biro ni Kim, "Kaya hindi ako binoto ng mga kaklase ko, pag ako yung pinagde-debate, dahil talo talaga ako.

"But oh well, past is past. It's done."

HOT STORIES

KIM ASKS HERSELF: "PApaANO AKO TATAYO?"

Sa kasagsagan ng pambabatikos kay Kim, napagtanto raw ng Star Magic talent kung sino ang mga tunay na nagmamalasakit sa kanya.

Pero noong una ay hindi raw talaga niya alam kung paano makakausad sa problema.

"Yung mga kaibigan ko, expected ko talaga na nandiyan sila for me.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero sabi ko, 'Papaano ko itatayo yung sarili ko?' Pinagdasal ko na talaga sa Panginoon at Kataas-taasan. 'Papaano ako tatayo?'

"Natumba ka na, tinapak-tapakan ka pa."

"Which is, di ko naman kinukuweston yung ibang tao of saying that.

"Pero paano kung nilagay nila yung sarili nila sa posison ko nung araw na iyon?"

Isang open letter mula sa isang tao na hindi niya kilala ang nakatulong daw sa kanyang makabangon sa pagkalugmok sa kalungkutan.

Una raw nakarating ang open letter sa ABS-CBN bosses ni Kim.

Inengganyo raw siya ng mga itong basahin ang Facebook post, na gawa ng isang nagngangalang Adrian Crisanto, noong May 14.

Nahimasmasan si Kim nang mabasa ang open letter ni Adrian.

Sabi ni Kim:

"Parang binuhat niya ako at nilagay niya ako sa kabilang side. Na, 'Huwag ka mag self-pity. Huwag mo i-doubt yung sarili mo."

"'Punta ka dito sa kabila, tignan mo, maraming gold dito.

"Hindi mo ba alam, sa ginawa mo, marami kang napasaya."

Pinakontak ni Kim si Adrian, at isinali ito sa kanyang taped video call na bahagi ng kanyang latest YouTube vlog.

Sinabi rito ni Adrian na hindi nga raw siya fan ni Kim at ni hindi alam ang title ng movies ng aktres.

Pero hindi raw kailangang maging fan para magpakita ng respeto.

At hindi raw maiwasan ni Adrian makisimpatiya kay Kim, na ayaw tantanan ng bashers, gayong wala naman daw sinabing masama ang aktres.

Kaya naisipan daw niyang padalhan ng words of encouragement ang aktres, mabasa man ito ni Kim o hindi.

Hindi raw makukuha ang bashers sa drama, kaya mas mabuting gamitin na lang niya ang #BawalLumbas bilang anti-COVID-19 campaign.

Si Adrian ay isa rin daw songwriter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Adrian kay Kim, "I just believe that you can turn it around because you're in a position of inspiring people...

"Do not be discouraged because there are people who actually look beyond the mistakes and really find something beautiful [from those mistakes]."

Nagpasalamat si Kim nang makailang uli kay Adrian, na tumulong daw sa kanyang malampasan ang isa sa "lowest points" ng kanyang buhay.

Matagal ang palitan ng dalawa, na malinaw na parehong may likas na kabaitan.

Sabi nga ni Adrian, "Kindness is a decision."

Maya-maya pa ay tinanong ni Kim si Adrian, "Kilala mo ba kung sino si DJ Squammy? Ginawa niya akong composer sa sarili kong salita. Hahaha!"

HOT STORIES

kim calls UP Dj squammy, creator of "bawal lumabas" tune

Sumunod na tinawagan ni Kim ay si DJ Squammy.

Si DJ Squammy—na ang tunay na pangalan ay Henry Alburo—ay nagpakilalang music producer.

Nakatuwaan niyang lapatan ng beat ang "Bawal Lumabas" quote ni Kim dahil napansin niyang "may tono, alliteration, at rhyming" ang mga salita ng Kapamilya actress.

"Sabi ko, 'Perfect ito. Pag ito nilatagan ko ng solid na beat, kakabit ito. Tapos mae-emphasize pa natin yung meaning sa bawat phrase dun."

Hindi raw akalain ni DJ Squammy na magiging viral ang ginawang tune. Mayroon na itong mahigit six millions views sa Facebook.

"Ang goal ko dun, pagandahin yung pinagkakaguluhan nila na yun," ani DJ Squammy.

"Ewan ko kung bakit bina-bash ka nila dun. Para sa akin, marami ka naman sinabi na good points sa interview... Hayaan mo lang sila."

Inamin ni Kim na noong una ay nagalit siya dahil nagamit ang tune ni DJ Squammy para idiin siya ng bashers.

Sabi pa ni Kim, "Nung una, pinanood ko siya, nalungkot ako. Sabi ko, 'Bakit nila pinaglaruan yung sinabi ko?'"

Pero nitong huli ay napagtanto raw ni Kim na mas mabuting mag-focus siya sa kaalamang marami ang na-entertain sa video.

Marami na ring netizens ang gumawa ng dance challenge gamit ang "Bawal Lumabas" tune.

Patuloy ni Kim, "Tapos nung nakita ko yung videos sa TikTok, pati pamangkin ko sumasayaw sa beat na ginawa mo.

"Sabi ko, 'Shucks, at least sumaya pala yung mga tao sa sinabi ko at sa beat na ginawa mo.

"So, at least, kahit malungkot yung paligid, malungkot yung nangyayari sa bansa natin, at least nagawa ko yung part ko na mag-entertain ng tao.

"Nagawa mo yung part mo na gumawa ng beat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakangiting tinapik-tapik pa ni Kim ang kanyang magkabilang balikat.

Aniya, "I think we did a good job."

COLLAB FOR FULL VERSION OF "BAWAL LUMABAS"

Sa huli, niyaya ni Kim sina DJ Squammy at Adrian na mag-collab silang tatlo para gawing full song ang "Bawal Lumabas."

"Sa pagkikita nating ito, we turned the tables—para sa atin, para sa entertainment ng lahat.

"The real intention is to bring good vibes."

Nagsampol pa si Kim, na inawit ang famous line niyang, "Sa classroom may batas oh..."

Mabilis namang sumang-ayon ang dalawa sa hiling ng aktres.

Hindi rin nakaligtaan ni Kim na magbigay ng mensahe sa kanyang haters.

Masiglang saad niya, "Gusto ko na lang din magpasalamat. Dahil sa inyo trending ang pangalan ko. Hahaha! Salamat sa atensyon. At least, napasaya kayo."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu decides to move past the non-stop bashing against her. More than that, she decides to collaborate with DJ Squammy and new friend Adrian Crisanto to do a full version of "Bawal Lumabas."
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results