Maris Racal fans twit Iñigo Pascual for defending Kathryn Bernardo: “Nung si Maris binash wala kaming narinig sayo.”

by Jet Hitosis
May 19, 2020
Singer-actor Iñigo Pascual (center) has been friends with Kapamilya box-office star Kathryn Bernardo (left) since five years ago, after working together in the movie Crazy Beautiful You. Since 2014, Iñigo has been the other half of the MarNigo love team, with young actress (right) Maris Racal.
PHOTO/S: @bernardokath, @inigopascual, @mariesteller on Instagram

Diretsahang kinastigo ng fans ni Maris Racal ang dating ka-love team nitong si Iñigo Pascual.

Ito ay kasunod ng pagtatanggol ni Iñigo, 22, sa Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo, 24.

Dinepensahan ni Iñigo si Kathryn laban sa mga namba-bash sa aktres.

Kinuyog ng bashers si Kathryn matapos nitong magsalita tungkol sa ABS-CBN shutdown.

Sa isang Instagram post nitong May 13, iginiit ni Kathryn na sa pagpapasara sa network, pinagkaitan ng mahahalagang impormasyon at libangan ang maraming Pilipino.

Pero sa halip na ang shutdown issue ang maging sentro ng pambabatikos kay Kathryn, ang pagiging sakang daw ng binti ng aktres ang pinagtuunan ng bashers.

Sa katunayan, nag-trending ang #SakangSiKathryn nitong Sabado, May 16.

IÑIGO LAMBASTS KATHRYN’S BASHERS

Ngunit ipinagkibit-balikat at tinawanan lang ni Kathryn ang mga pamba-bash sa kanya.

Taliwas naman sa ginawa ni Kathryn ang naging reaksiyon ni Iñigo.

Ramdam ang galit sa tweet ng singer-actor nitong Sabado.

Magkaibigan sina Kathryn at Iñigo.

Continue reading below ↓

Nagkatrabaho sila sa pelikulang Crazy Beautiful You noong 2015.

Tanong ni Iñigo sa bashers, ano raw ba ang mapapala ng mga ito sa pagpapa-trend ng hashtag laban sa aktres?

Buti raw at si Kathryn ay “very successful,” kumpara naman sa mga namba-bash dito.

Tweet ni Iñigo (published as is):

“wtf is wrong with people making a trend about Kath like that?

“may nakuha ba kayo sa ginagawa nyo.

“At least Kath is very successful...”

Continue reading below ↓

MARNIGO FANS REACT

Maraming fans ni Kathryn ang natuwa sa ginawang pagtatanggol ni Iñigo sa box-office star.

Pero hindi naging maganda ang dating ng tweet ni Iñigo para sa ilang Twitter followers.

Pakumpronta ang reply kay Iñigo ng fans ng "MarNigo" love team nila ni Maris.

Bakit daw noong si Maris ang kinuyog ng bashers, hindi man lang nagawa ni Iñigo depensahan ang dating ka-love team?

Continue reading below ↓

Sana raw ay ipinagtanggol din ni Iñigo si Maris, tulad ng pagdepensa ngayon ng binata kay Kathryn.


Continue reading below ↓



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

Para raw balewala lang kay Iñigo ang ilang taon nilang pinagsamahan ni Maris bilang love-team partners.

Continue reading below ↓

Ayon sa isang netizen, kumpara sa sitwasyon ngayon ni Kathryn, mas matindi raw ang pinagdaanan noon ni Maris.

Mas kailangan daw ni Maris noon ang pagdamay ni Iñigo, kaysa pagtatanggol ngayon ng binata kay Kathryn.

Walang sinagot si Iñigo sa sinuman sa kanyang Twitter followers.

MARIS BASHED BY DUTERTE SUPPORTERS

Gaya ni Kathryn, naranasan din ni Maris ang putaktihin ng bashers.

Continue reading below ↓

Mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpaulan ng pambabatikos kay Maris noong April 1.

Ito ay matapos na i-tweet ng young actress ang pagkadismaya niya sa gobyerno.

May kinalaman ito sa “shoot them dead” speech ni Pangulong Duterte laban sa isang urban poor group.

Nang araw na iyon, lumabas sa kalsada ang mga miyembro ng grupong Kadamay, o Kalipunan ng Damayang Mahihirap, upang iprotesta ang kawalan ng natatanggap na ayuda.

Pinagdadampot sila ng mga pulis.

Dahil sa nararamdamang gutom at kawalan ng makakain, nilabag ng grupo ang stay-at-home protocol ng gobyerno kontra coronavirus pandemic.

Reaksiyon ni Pangulong Duterte sa gulo: "My orders are sa pulis, pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead!"

Tweet noon ni Maris: “positive na sukang suka na sa government, good people are outnumbered.”

Continue reading below ↓

Sinundan ito ng young actress ng isa pang tweet, na nasusulat sa capital letters:

“REMOVE YOUR ROSE COLORED GLASSES, BANSA NATIN DUGUAN NA.”

Malinaw na anti-government ang sentimyento ng dalaga nang mga panahong iyon.

Dahil dito, nagwala ang mga pro-Duterte supporters at kinuyog si Maris.

Gaya ni Pangulong Duterte, tubong Davao din ang young actress.

Continue reading below ↓

Sinabihan si Maris ng "bobo," "papansin," "feeling sikat," "mema" (may masabi lang), "OA," at "mayabang."

Ito ang mga salitang madalas mamutawi sa bibig ng pro-Duterte supporters.

Nagpa-trend din ang bashers ng #BoycottMarisRacal sa Twitter.

Lumutang ang isang hindi-kumpirmadong balita na plano ng Davao City na patawan ng five-year ban ang aktres.

Natigil lang ang mga pambabatikos nang magbanta na ang nakatatandang kapatid ni Maris, si Kristine Racal, na kakasuhan ang bashers ng young actress.

PIOLO STARTED MARNIGO

Naging magka-love team sina Iñigo at Maris simula 2014, matapos maging 2nd Big Placer ang aktres sa Pinoy Big Brother: All In ng taong iyon.

Ang ama ni Iñigo, ang aktor na si Piolo Pascual, ang mismong nag-match kay Maris sa kanyang anak.

Si Piolo ang unang nakakilala sa noon ay 17 years old pa lang na si Maris.

Pumasok noon si Piolo sa Bahay ni Kuya, at naka-jamming sa gitara ang dalagita.

Pagkatapos tumugtog nina Piolo at Maris, sinabi ng aktor sa dalagita: "Gusto mo antayin iyong anak ko... magkaedad kayo, musikero din iyon."

Continue reading below ↓

Sa kabila ng ilang taong pagtatambal, kapwa nilinaw nina Maris at Iñigo na hindi sila nagkaroon ng romantic relationship.

Huling nagtambal sina Iñigo at Maris sa pelikulang I’m Ellenya L, na ipinalabas noong September 2019.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actor Iñigo Pascual (center) has been friends with Kapamilya box-office star Kathryn Bernardo (left) since five years ago, after working together in the movie Crazy Beautiful You. Since 2014, Iñigo has been the other half of the MarNigo love team, with young actress (right) Maris Racal.
PHOTO/S: @bernardokath, @inigopascual, @mariesteller on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results