Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Angel Locsin, Atom Araullo react to “lack of mass testing program” report

by Jet Hitosis
May 19, 2020
Kapamilya actress Angel Locsin to launch “Shop & Share” campaign to fund mass testing; Kapuso broadcaster Atom Araullo says, “Now that we’re slowly easing restrictions, it’s only fair to ask: where are we at now?”
PHOTO/S: @therealangellocsin, @atomaraullo on Instagram

Hindi makapaniwala ang aktres na si Angel Locsin, habang nabahala ang broadcaster na si Atom Araullo, sa ulat na walang “mass testing” program ang gobyerno laban sa coronavirus pandemic.

Ang pahayag na ito ay quoted ng media mula kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sinabi ito ni Roque sa Malacañang press briefing nitong Lunes, May 18.

Sa virtual presser, tinanong si Roque ng isang Malacañang reporter kung may polisiya ba ang Department of Health (DOH) para sa mga magbabalik-trabaho.

Required daw ba ang mga empleyado na sumailalim sa COVID-19 testing bago pumasok muli sa opisina?

Sagot ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinisikap ng gobyerno na makapagsagawa ng hanggang 30,000 tests kada araw.

Kasunod nito, quoted si Roque: “Pero in terms of mass testing na ginagawa ng Wuhan na all 11 million, wala pa pong ganyang programa, at iniiwan natin sa pribadong sektor.”

Ang Wuhan ay ang lungsod sa China kung saan nagmula ang bagong coronavirus na COVID-19.

Continue reading below ↓

Kagulat-gulat pa, sinabi ni Roque na ang employers na ang dapat sumagot sa COVID-19 testing ng mga manggagawa nito.

Ipinapasa ng gobyerno, na siyang may hawak ng buong budget ng bansa, sa employers ang mass testing?

ANGEL TO LAUNCH MASS-TESTING FUND DRIVE

Lunes ng gabi nang nag-tweet si Angel, 35, tungkol sa Malacañang statement.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ibinahagi ng actress ang screenshot ng tweeted news update ng CNN Philippines.

Mababasa sa news update: “Presidential Spokesperson Harry Roque admits that the government has no program yet for mass testing, saying that authorities will leave such efforts in the hands of private businesses.”

Tweet ni Angel (published as is): “Misquote lang ba to?

“Kasi hindi ako makapaniwalang hindi tayo nagpre-prepare for mass testing na kailangang-kailangan ngayon”

Continue reading below ↓

Nang gabing iyon, inianunsiyo ni Angel sa Instagram na ilulunsad niya ang “Shop & Share” campaign para mapondohan ang isang mass testing.

Sa Shop & Share, magdo-donate ng mga personal na gamit ang mga celebrities.

Isasalang sa online auction ang mga personal items na ito.

Ang mapagbebentahan, ayon kay Angel, ay ibibili ng COVID-19 test kits “for the poorer sectors.”

Continue reading below ↓

ATOM ASKS, “WHERE ARE WE AT NOW?”

Tanong naman ng broadcast journalist na si Atom Araullo, 37, ano ang mga susunod na gagawin para maiwasang magkahawaan?

Lalo na ngayong nasa transition na ang bansa para sa new normal?

Aniya, bagamat mahirap ang ma-home quarantine para sa mga Pinoy—lalo na sa mahihirap na nakakulob sa isang-dipang bahay—ay tinanggap natin ito.

Wala raw kasing kakayahan ang bansang magsagawa ng maramihang COVID-19 tests upang kaagad matukoy at ma-isolate ang may sakit.

Tumalima ang lahat sa dalawang-buwang enhanced community quarantine (ECQ).

Pero ngayong bahagya nang nagluwag sa “restrictions,” karapatan daw ng bawat isa sa ating malaman ang mga susunod na mangyayari.

Mababasa sa tweet ni Atom: “The lockdown was hard for everyone, especially the poor, but we accepted it as necessary because we simply did not have the capacity to test, trace, and isolate on a wide scale.

“Now that we’re slowly easing restrictions, it’s only fair to ask: where are we at now?”

Continue reading below ↓

Ayon kay Atom, totoong nakakabahala ang pag-amin ng pamahalaan na wala itong programa para sa mass testing.

Lalo na raw ngayong marami ang sabik nang magbalik-trabaho para kumitang muli at makabili ng ilalagay na pagkain sa mesa.

Pero dahil nga marami pa rin ang hindi nasusuri sa COVID-19, nananatili ang panganib na magkahawahan ng virus.

Continue reading below ↓

Tweet pa ni Atom: “Many find gov’t admission that we don’t have a program for ‘mass testing’ concerning.

“Everyone wants to to back to work, but the risk also multiplies, no matter how careful you are.

“Is our current testing capacity enough to avoid another surge of cases?”

“TARGETED TESTING” NOT “MASS TESTING”

Sa interview ng CNN Philippines kay Presidential Spokesperson Roque ngayong Martes, May 19, nilinaw nito ang na-quote sa kanya tungkol sa mass testing.

Continue reading below ↓

Hindi raw mass testing ang akmang termino para sa ginagawang pagsusuri ng gobyerno.

Mas tama raw gamitin ang salitang “targeted testing.”

Aniya, nasa 1.5 percent hanggang 2 percent ang target ng DOH na masuri.

Scientific daw ang tantiyang ito, ayon kay Roque, na ginaya ng Pilipinas sa South Korea.

Imposible raw kasing isailalim sa testing ang lahat ng 110 milyong Pilipino.

Sabi ni Roque: “Perhaps the better term is not mass testing, but it should be targeted testing.

“Because I think it’s physically impossible to test 110 million.

“But we’re aiming to test, also using statistics as a science, 1.5 to 2 percent of our population.”

Ayon kay Roque, prayoridad na masuri ang mga frontliners, mga nagsiuwing overseas Filipino workers, at mga nasa vulnerable groups.

MORE THAN 189,000 HAVE BEEN TESTED FOR COVID-19

Sa ikawalong weekly report ni Pangulong Duterte sa Kongreso, nakasaad na, as of May 13, may 189,469 COVID-19 tests na ang naisagawa sa bansa.

Continue reading below ↓

Iniulat din ng Presidente sa Kongreso na nag-accredit ang DOH ng karagdagang 11 testing laboratories.

Sa kabuuan, mayroon nang 34 laboratories at ospital na nagsasagawa ng coronavirus testing sa buong bansa, ayon pa sa report ng Pangulo.

As of May 19, nasa 12,942 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Nasa 2,843 ang napagaling, habang 837 ang namatay.

Ngunit dahil wala namang malawakang testing, hindi masasabing ganito na nga ang numero sa Pilipinas.

Makabubuting mag-ingat dahil mas malamang ay mas mataas ang numero.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Angel Locsin to launch “Shop & Share” campaign to fund mass testing; Kapuso broadcaster Atom Araullo says, “Now that we’re slowly easing restrictions, it’s only fair to ask: where are we at now?”
PHOTO/S: @therealangellocsin, @atomaraullo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results