Kim Chiu gets message of support from “forever idol” Heart Evangelista

by Bernie V. Franco
May 20, 2020
kim chiu jacket
heart evangelista shades
Heart Evangelista (right) to Kim Chiu (left): "You can never put a person with a good heart down."
PHOTO/S: @chinitaprincess and @iamhearte on Instagram

Patuloy pa ring nakakatanggap ng suporta si Kim Chiu, 30, halos dalawang linggo matapos ng kontrobersiyal niyang “bawal lumabas” analogy.

Mga supporters at kapwa artista ang nagpapalakas ng loob ni Kim upang harapin ang isyung inamin niyang labis na nakaapekto sa kanya.

Kaya naman ikinatuwa ng Kapamilya actress ang message of support mula sa kanyang “lodi forevs”—forever idol—na si Heart Evangelista, 35.

Nag-tweet ang Kapuso actress kay Kim nitong Martes, May 19.

Mensahe ni Heart: “We love @prinsesachinita [heart emoji] at the end of the day… you can never put a person with a good heart down.”

Nag-tweet din kay Kim ang asawa ni Heart na si Sorsogon Representative Chiz Escudero, 50.

Ni-repost ni Chiz ang link ng istorya tungkol sa paggawa ng kanta ni Kim base sa kanyang nag-viral na "bawal lumabas" quote.

Sabi ng kongresista: “This how to handle and do it!!!

"Congrats @prinsesachinita You just showed everybody how to turn lemons into lemonade!!!

Continue reading below ↓

"Kudos to you!!!"

Nagpasalamat naman si Kim sa mag-asawa.

Mensahe pa ni Kim kay Heart: “Lodi forevs [heart emojis]”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

KIM CHIU’S VIRAL SPEECH

May 8, nagbigay ng mensahe si Kim sa "Laban Kapamilya" Facebook Live ng ABS-CBN celebrities kaugnay ng pagpapasara sa kanilang home network.

Hindi niya naipaliwanag nang malinaw ang paghahambing sa “law in classroom” at ang government order na ipasara ang ABS-CBN.

Sinunggaban ng mga pro-administration bashers/trolls ang pagkakataong batikusin si Kim, gaya ng ginawa nila sa ibang Kapamilya artists na kinontra ang pag-shutdown ng kanilang home network.

Continue reading below ↓

Naging viral ang isyu at nag-trending si Kim.

Nagsulputan ang memes ng pahayag ni Kim at ginawang katatawanan.

Sa ibang banda, nilapatan ng beat ng music producer na si DJ Squammy ang speech ni Kim.

Ito ang kinaaaliwan ngayong video ng mga netizens na may mahigit six millions views na.

Sa huli, nagkasundo si Kim, si DJ Squammy, at ang letter sender na Adrian Crisanto na magkaroon ng collaboration at lumikha ng full song ng "Bawal Lumabas."

Continue reading below ↓

BASHING OF KIM CONTINUES

Naka-move on na si Kim mula sa isyu, pero may mga trolls/bashers na hindi pa rin nakakalimot.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, May 19, kung saan inanunsiyo ni Kim ang kanyang bagong YouTube video, hindi pa rin siya tinatantanan ng bashing.

Maging si Angel Locsin, 35, na nagkomento at ipinagtanggol si Kim ay nakatanggap ng sunud-sunod na batikos.

Binati ni Angel si Kim dahil nakagawa ito ng kanta mula sa isang isyung negatibo sa kanya.

Ani Angel: "Kim’s Chiu’s about to make a lot of money coz of this [laughing emoji] who’s got the last laugh now? [laughing emojis] go kimmy!”

Na-bash si Angel sa komento niyang kikita ng pera si Kim.

Hindi na ito pinansin ni Angel.

Kapansin-pansin ding idinadaan na lang ni Kim sa patawa ang mga sagot niya sa bashers, hindi gaya noon na defensive ang kanyang mga sagot.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista (right) to Kim Chiu (left): "You can never put a person with a good heart down."
PHOTO/S: @chinitaprincess and @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results