Karen Davila on possible retrenchment of ABS-CBN employees: "Praying for a miracle."

by Arniel C. Serato
May 20, 2020
Karen Davila on possible layoffs of ABS-CBN employees: "Sa lahat ng mga kasama kong empleyado, talents & artists ng ABSCBN, let us not lose hope. Keep the FAITH. Stay STRONG."
PHOTO/S: Courtesy: @iamkarendavila on Instagram / Jerome Ascano

“Praying for a miracle.”

Ito ang bahagi ng tweet ng broadcaster na si Karen Davila matapos isiwalat ng ABS-CBN President at CEO na si Carlo Katigbak na baka magtanggal ng mga empleyado ang network.

Sa hearing ng Senate Committee on Public Services tungkol sa ABS-CBN franchise renewal kahapon, May 19, sinabi ni Katigbak na baka sa Agosto ay magbabawas na ng tauhan ang network kapag hindi pa sila makabalik sa ere.

Dulot nito ang pagkalugi ng istasyon na aabot daw sa P35M araw-araw mula nang ito'y ipasara noong May 5, 2020.

Tweet ni Karen matapos ang hearing: “My heart bleeds. Praying for all our employees. Praying for a miracle.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Kalakip ng tweet ng Bandila anchor ang video sa isinagawang proceeding sa Senado.

Mapapanood dito ang mga sinabi ni Katigbak tungkol sa posibleng pagbabawas ng mga tauhan ng network.

Bahagi ng kanyang pahayag: “We continue to lose a substantial amount of money every month, and I'm afraid that if we cannot get back on air soon by August, we may already have to consider beginning a retrenchment process.

“We felt it would be very, very painful to put our employees out on the street without them having an idea as to how they can continue earning a living and continue to feed their families.

"But unfortunately, we cannot make that commitment open-ended because we are also limited by financial constraints.”

HOT STORIES

“STAY STRONG”

Kinahapunan, sa Kongreso, inatras ng mga proponents ng House Bill 6732 ang panukalang magbibigay sana ng provisional franchise sa ABS-CBN.

Maraming mambabatas ang kumuwestiyon sa proseso kung saan naipasa sa first at second reading ang panukala sa parehong araw ng pagbasa.

Continue reading below ↓

Ayon sa batas, dapat ay sa magkahiwalay na araw ito dapat ginawa.

Marami rin ang naghayag ng kanilang mga katanungan at suhestiyon tungkol sa panukala.

Sa huli, nagdesisyon si House Speaker Alan Peter Cayetano na isantabi ang House Bill 6732, at ang pag-uusapan na lamang sa House Committee on Legislative Franchises ay ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong 25-year franchise.

Matapos nito, naghayag muli ng kanyang pagkabahala si Karen.

Sa Instagram, nag-post siya tungkol sa balita.

Mensahe niya sa caption: “My heart bleeds.

“Sa lahat ng mga kasama kong empleyado, talents & artists ng ABSCBN, let us not lose hope. Keep the FAITH. Stay STRONG.

"Sana, hindi dumating sa pagkakataon na kailangang magtanggal ng mga empleyado ang ABSCBN dahil wala ito sa ere.

“Isang mahigpit na yakap at dasal para sa ating lahat #may192020 #istandwithabscbn #istandinfait

Continue reading below ↓

Ngayong araw, May 20 naglabas na ng schedule ang Legislative Franchises committee ng Kongreso.

Itinakda nito ang hearing sa labintatlong panukalang batas sa Kongreso tungkol sa ABS-CBN franchise sa May 26.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karen Davila on possible layoffs of ABS-CBN employees: "Sa lahat ng mga kasama kong empleyado, talents & artists ng ABSCBN, let us not lose hope. Keep the FAITH. Stay STRONG."
PHOTO/S: Courtesy: @iamkarendavila on Instagram / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results