Ruby Rodriguez rushed to hospital for stomach ailment

by Bernie V. Franco
May 20, 2020
ruby rodriguez glamour shot
Eat Bulaga host Ruby Rodriguez takes to Instagram to update followers about hospital stay.
PHOTO/S: @rodriguezruby on Instagram

“Hate this but…..”

Ito ang caption ni Ruby Rodriguez , 54, matapos i-post ang larawan ng kanyang kamay na nilapatan ng intravenous fluid (IV) therapy.

Lumalabas na isinugod sa ospital ang Eat Bulaga! host ngayong Miyerkules, May 20, dahil sa stomach ailment.

Bago magtanghali nang mag-post si Ruby sa social media.

Continue reading below ↓

Makalipas ang isang oras, muli siyang nag-post sa Instagram Story para magbigay ng update.

Screenshot ito ng post ng kanyang anak na si Antoinette “Toni” Aquino, 22.

Lubhang nag-aalala ang anak ni Ruby dahil hindi niya nasamahan ang ina.

Ipinost ni Toni ang larawan ng ina at amang si Mark Aquino na tila nasa labas at parehong naka-face mask.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Caption ni Toni (published as is): “I am sad that my mom is taken to the hospital because I would always be the one to accompany her when these things would happen and now that I am here I can’t be with her.

“I spent 20 mins crying because I felt guilty about not being by my moms side.”

Mensahe niya sa kanyang ama: “Please take care of mommy @markino1029”

Para naman sa kanyang ina: “I love you mom! Please take care of your tummy kasi! @rodriguezruby”

HOT STORIES

Nakabase si Toni sa California, U.S.A. Na-engage siya noong 2018 sa kanyang fiancé na si Ricardo Centurion, na nagsisilbi sa U.S. Army.

Continue reading below ↓

Ito naman ang update ni Ruby: “Baby im confined na, don’t worry nabigyan na ako fast drip ng antibiotic.”

Hindi nagdetalye si Ruby kung anong stomach ailment ang dumapo sa kanya.

Wala nang sumunod pang update ang host-comedienne.

ruby rodriguez maskPHOTO: @rodriguezruby on Instagram

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Ruby Rodriguez, hardcore fans
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eat Bulaga host Ruby Rodriguez takes to Instagram to update followers about hospital stay.
PHOTO/S: @rodriguezruby on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results