Quarantine Love: Celeb couples spending quality time together

by Rachelle Siazon
May 21, 2020
"Okay lang ma-lockdown basta kasama ka." Rhian Ramos-Amit Borsok, Glaiza de Castro-David Rainey, and Jake Cuenca-Kylie Verzosa are sending you some kilig vibes!
PHOTO/S: @whianwamos / Rachelle Siazon / @juancarloscuenca Instagram

Napilitan ang karamihan sa celebrity couples na "long-distance relationship" muna mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine noong Marso.

Pero may mangilan-ngilang inabutan ng quarantine nang magkasama sa bahay.

O marahil ay magkalapit lamang ang tirahan kaya kahit papaano ay may pagkakataong nagkikita pa.

Narito ang ilan sa celebrities na may quarantine love:

1. RHIAN RAMOS AND AMIT BORSOK

Kapiling ni Rhian Ramos ang Israeli boyfriend niyang si Amit Borsok.

Kahapon, May 20, ibinahagi ni Rhian na birthday ng kanyang nobyo at stuck pa rin sila sa loob ng kanyang condo unit.

Medyo nanghihinayang si Rhian dahil kung puwede lang ay naipasyal niya si Amit sa isang magandang lugar para sa kaarawan nito.

Tulad nang pagdala nito kay Rhian sa isang beach destination nang mag-birthday ang aktres noong October 2019.

Sabi pa ni Rhian, "but you're stuck at home with me, mostly eating leftovers, in our house clothes.

"I wanted so much to make you feel as special as you make me feel, and maybe I'll still get my chance in a few weeks..

Continue reading below ↓

"but at least today I hope you feel loved more than anything."

Ngayon pa lang ay pagpaplanuhan na raw ni Rhian ang bonggang birthday adventure para sa nobyo sa 2021.

"And although i know it's not a contest.. I wanna win next year."

Minsan nang naibahagi ni Rhian na si Amit ay isang negosyante na kasalukuyang nakabase sa Pilipinas.

Nagkakilala sila noong taong 2018 sa isang brand event bago nagtungo si Rhian sa New York para mag-aral ng kursong may kinalaman sa pag-arte.

Naging opisyal na magkasintahan sina Rhian at Amit noong January 30, 2019.


Continue reading below ↓

2. GLAIZA DE CASTRO AND DAVID RAINEY

Inabutan ding magkasama ngayong quarantine si Glaiza de Castro at ang Irish boyfriend nitong si David Rainey.

Tiyempong nagbabakasyon dito sa Pilipinas si David bago pa man nagsimula ang quarantine period.

Noong April 27, nagbahagi si Glaiza ng video nila ni David na kumakanta ng isang original song na alay raw nilang magkasintahan sa frontliners.

Bahagi ng Instagram post ng Kapuso actress, "Anyway, this is the least that we can do while we’re here.

"We all have different ways to cope, help and support and we hope we are able to share positivity amidst uncertainty through this."

Sa hiwalay na ulat ng 24 Oras kagabi, May 20, kinumpirma rin ni Glaiza na kasalukuyan silang nakabase ni David sa Baler, Aurora.

Kasama nila ang pamilya ng dalaga roon.

Taong 2018 nagsimula ang relasyon nina Glaiza at David.

Nagkakilala sila habang nagbabakasyon sa parehong boutique hotel sa Siargao.

Continue reading below ↓

Si David ay nakatira sa Belfast, Ireland, na napuntahan na rin ni Glaiza noong 2019.

3. JAKE CUENCA AND KYLIE VERZOSA

Aminado si Jake Cuenca na mas naging matibay ang relasyon nila ng girlfriend niyang si Binibining Pilipinas International 2016 Kylie Verzosa.

Magkasama sa isang condo unit sina Jake at Kylie mula nang magsimula ang quarantine period.

Continue reading below ↓

Noong March 22, nag-post si Jake sa Instagram ng sweet message tungkol sa pagiging maalagang girlfriend ni Kylie.

"Thank you for taking care of me @nuggiethebulldog and @leothepoodledooyou never cease to amaze me, you are incredible I love you @kylieverzosa." .

Sa litrato, yakap ni Jake si Kylie habang sila ay nasa bandang dining area.

Noong April 29, may kuha rin silang kasama ang mga alaga nilang aso.

Ang naka-tag sa location ay ang mga katagang "Stay at Home."

Sabi pa ni Jake, nae-enjoy nila ni Kylie ang "Working out and doing chores together."

Bukas din si Jake sa pagsasabi kung paano mas napamahal sa kanya si Kylie habang ECQ.

Base ito sa panayam sa kanila, noong May 13, sa online presscon ng digital movie nilang Love Lockdown.

"Although it was challenging dahil ang dami nangyayari [sa paligid], but sa totoo lang, this is the time na siya lang talaga ang iniisip ko.

Continue reading below ↓

"All my attention was solely on her," pahayag ni Jake.

Mas nagkaroon daw sila ng quality time na magkasama lalo pa't wala silang iniisip na pupuntahang taping o shooting.

"During the lockdown, I was able to just set that all aside and just focus on our relationship.

"I would say that the lockdown has definitely made our relationship stronger."

Unang nagkatrabaho sina Jake at Kylie sa ABS-CBN primetime series na Los Bastardos, na umere mula October 2018 hanggang September 2019.

Huling buwan ng programa nang sabay nilang inamin sa Tonight With Boy Abunda na sila na.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

4. MARK HERRAS AND NICOLE DONESA

Si Mark Herras ay nagpahiwatig na magkasama sila ng girlfriend niyang si Nicole Donesa ngayong quarantine.

Nabanggit ito ni Mark sa kanyang Instagram post noong April 30.

Ibinahagi ni Mark ang isang close-up picture kunsaan hinahalikan siya sa cheek ng nobya.

Caption ng Kapuso actor, "Okay lang ma lockdown basta kasama ka :) eeeeyy!!!

"Haha love you bear! Sana matapos na at balik trabaho na ulit para matupad ko na mga pangarap mo."

May dance video rin ang couple na tila kuha sa sala ng bahay ng pamilya ng dalaga.

At noong April 21, ipinost naman ni Nicole ang "#romanticdatenightathome" nila ni Mark.

Proud na sinabi pa ni Nicole na ipinagluto siya ng salmon steak ni Mark.

Sa isa pa nilang litrato, may kuha sina Mark at Nicole kasama ang ina ng dalaga noong nagdaang Mother's Day.

Sina Mark at Nicole ay nagkatrabaho sa GMA-7 primetime series na Bihag.

Continue reading below ↓

Inamin nilang sila ay magkasintahan isang linggo matapos umere ang finale ng show noong August 2019.

Si Mark ay unang nakilala bilang StarStruck Season 1 Ultimate Male Survivor, habang si Nicole ay dating nanalo bilang Miss World 2014 Third Princess.


5. MAUREEN WROBLEWITZ AND JK LABAJO

Nagkakasama rin ang magkasintahang Maureen Wroblewitz at JK Labajo.

Continue reading below ↓

May ilang TikTok videos si Maureen kunsaan ipinakita niya ang kulitan nila ni JK kung kanino mang tirahan sila naroon.

Noong April 3, ipinahiwatig ng Asia's Next Top Model Season 5 winner na lumilipas ang mga araw na magkasama sila ni JK.

At hindi na raw niya namamalayan kung gaano na katagal mula nang magsimula ang quarantine.

Caption ni Maureen, "day i don't know anymore of quarantine together..."

Kalakip niyon ang video na nagdyo-joke time si Maureen kay JK.

May pagkakataon ding sa sobrang bored ni Maureen ay nilagyan niya ng full makeup si JK habang natutulog ito.

September 2018 nang ma-feature si Maureen sa music video ng hit single ni JK na "Buwan."

April 2019 naman nang umugong ang usap-usapang tinatangi nila ang isa't isa.

Pero nito lamang March 2020 nang umamin ang dalawa na magkasintahan na sila.

Nito namang May 15 ay naiulat ang pagtanong ng isang netizen kung buntis ba si Maureen.

Continue reading below ↓

Napatanong ang netizen nang mag-post si Maureen ng throwback picture nila ni JK kunsaan tila maumbok ang gawing tiyan ng dalaga.

Agad itong pinabulaanan ng dating Eat Bulaga! host na siya ay nagdadalantao.

Nilinaw ni Maureen na lumobo lang ang kanyang skirt dahil mahangin sa beach na kinaroroonan nila ni JK sa picture.

Continue reading below ↓

6. MAJA SALVADOR AND RAMBO NUÑEZ

Umpisa pa lang ng quarantine ay magkasama na rin si Maja Salvador at ang boyfriend na si Rambo Nuñez.

Nakabase sila sa Puerto Princesa, Palawan, kasama ng mga kapamilya ng nobyo.

Sa TikTok videos ni Maja, makikita ang sweet moments nila ni Rambo.

Tinatawag ng aktres na "crush" ang nobyo.

May video pa sila kung saan nagpa-kiss si Maja sa kanyang left cheeck.

Sabi niya kay Rambo, "Sa akin ka lang. Huwag kang titingin sa iba."

Madalas din mag-update si Maja sa social media ng kanilang workout routine ni Rambo.

Sa panayam ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, noong May 1, sinabi ni Maja na sanay na siyang matulog at gumising nang maaga.

"Nasanay na kami na 9 p.m. tulog na, tapos magigising ng 5:30 a.m. or 6 a.m., ang latest ay 7 a.m.

"Maaga talaga, tapos magwo-walk na kami ng 10,000 steps.

Continue reading below ↓

"Saka favorite ko ang morning ngayon, dahil magigising ka pa na, 'Ay, may bagong umaga pa ako.'"

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Okay lang ma-lockdown basta kasama ka." Rhian Ramos-Amit Borsok, Glaiza de Castro-David Rainey, and Jake Cuenca-Kylie Verzosa are sending you some kilig vibes!
PHOTO/S: @whianwamos / Rachelle Siazon / @juancarloscuenca Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results