BB Gandanghari on netizens posting "untold story" of Rustom Padilla: "Wala kayong karapatan."

by Bernie V. Franco
May 21, 2020
BB gandanghari drive
bb gandanghari long hair
BB Gandanghari on fake news: “Kaya ang Pilipino masyadong susceptible sa fake news kasi mahilig nga tayo sa chismis."
PHOTO/S: YouTube (BB. Gandanghari)

Hindi natutuwa si BB Gandanghari, 53, sa paglipana ng YouTube videos na naglalaman ng “untold story” ni Rustom Padilla.

Malinaw na pinatatamaan ni BB ang mga YouTuber na namimirata ng content para maka-generate ng pageviews.

“Ngayon may mga naglalabas ng 'untold story,’ excuse me... Can you please take that down?

“Ang mga title ninyo, ha. Wala kayong karapatan.

“Walang may karapatang magsabi ng untold story ni Rustom Padilla, excuse me... well, official…,” pahayag ni BB sa video na in-upload sa YouTube nitong Miyerkules, May 20.

Katuwiran ni BB, siya lang ang may karapatang maglabas ng totoong kuwento ng buhay ni Rustom.

Banat niya sa online pirates: “May nagsabi ng untold story ni Rustom from another source… that’s fake news!”

Si Rustom ang aktor at dating matinee idol na kapatid nina Robin, Royette, at Rommel Padilla.

Inamin ni Rustom noong 2006 na siya ay gay.

Noong 2017, nag-transition siya bilang transgender woman gamit ang pangalang BB Gandanghari.

Continue reading below ↓

Hindi katakataka kung malaki ang galit ni BB sa fake news, lalo pa’t naging biktima siya nito.

Noong Abril, naging laman siya ng showbiz headlines dahil sa death hoax.

Kumalat sa Facebook ang screenshot ng inimbentong TV newscast na may headline na (published as is): “BB Gandang Hari o Rustom Padilla Natagpunag Patay Sa Kanyang Apartment.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kasalukuyang naka-base si BB sa Los Angeles, California, kung saan nagtatrabaho siya sa isang accounting firm.

Inilarawan din niya ang sarili bilang isang "working actress."

BB GANDANGHARI CONDEMNS FAKE NEWS

Konsuwelo na lang daw ni BB, mas namumulat ngayon ang publiko na maraming pekeng balita sa social media.

“At least people are aware now that there is indeed fake news, okay. Chismis in other words...

“Kaya ang Pilipino masyadong susceptible sa fake news kasi mahilig nga tayo sa chismis.

“But what’s good with this platform, with this YouTube, everything, every platform that we have, nasa sa ‘yo na ‘yan how to deal with this."

Continue reading below ↓

Ikinalulungkot daw niyang may mga taong hindi makita ang pagkakaiba ng fake news sa totoo.

“Kasi sa mga taong magtsi-chismis, pinapanood ka na nga, mali pa rin, e.”

Ginawa niyang halimbawa ang larong "message relay," kung saan nag-iiba na ang laman ng mensahe sa kakapasa nito sa iba't ibang bibig.

Paalala ni BB sa kanyang supporters, alam na nila ngayon kung paano matiyak kung totoo o hindi ang isang isyu tungkol sa kanya, dahil mayroon na siyang official YouTube account.

“So, hindi natin maiiwasan ‘yan.

"So, sa mga tao na lang talaga na concerned [about me], you know where to find me.”

HOT STORIES

INSTAGRAM ACCOUNT HACKED?

Nabanggit din ni BB na, hanggang ngayon, may problema ang kanyang Instagram account.

Himutok niya, “Even sa Instagram, hindi ko alam… walang activity na lumalabas, hindi ko alam kung sino ang nagmi-message.

“Hindi ko alam kung anong nangyayari.”

Ito raw ang dahilan kaya lumipat siya sa YouTube.

Continue reading below ↓

Noong May 14, nang nagsalita siya tungkol sa hidwaan nila ng nakababatang kapatid na si Robin Padilla, sinabi ni BB na pakiramdam niya'y kampo ng kapatid ang nagtatangkang sumabotahe sa kanyang Instagram account.

Bahagi ng babala noon ni BB: “Now, my Instagram is under attack. I don’t know if it’s being hacked now, but it’s being attacked...

“Tigilan ninyo ang Instagram ko. Tigilan niyo ang pagsasabotahe sa akin.”

BB Gandanghai blue

Continue reading below ↓

APPEAL TO REPORT FAKE ACCOUNTS

Noong May 19, Martes, ibinalita ni BB na nai-report na sa administrators ng Facebook ang mga pekeng account na gamit ang pangalan niya.

“Sabi nung Facebook na, ano na raw iyon, na-report na yung hindi talaga mga BB Gandanghari, yung mga trolls," sabi nito.

Pero patuloy siyang nakikiusap sa kanyang followers na i-report din ang mga fake account sa ibang online media platforms, kagaya ng Twitter.

Pakiusap ni BB: “Can you please help me with the Twitter also? Yung BB Gandanghari sa Twitter is not me. Hindi ako ‘yan.

“Hindi ko na nga alam kung ano ako sa Twitter [account ko], pero definitely hindi ako yung BB Gandanghari do’n.”

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari on fake news: “Kaya ang Pilipino masyadong susceptible sa fake news kasi mahilig nga tayo sa chismis."
PHOTO/S: YouTube (BB. Gandanghari)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results