NBI responds to Angel Locsin’s post about online death threat

by Arniel C. Serato
May 21, 2020
National Bureau of Investigation: "If Angel Locsin and other artists receive threats of physical harm or other means sent thru the social media and they feel these threats are serious, they have all the right to seek the assistance of the NBI so their concerns can be appropriately addressed.”
PHOTO/S: File / Courtesy: @therealangellocsin on Instagram

Kaagad tumugon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Instagram post ni Angel Locsin tungkol sa isang taong nag-alok ng P200M reward money kapalit ng buhay ng aktres.

Bukod kay Angel, pinangalanan din sa online death threat ang ilan pang Kapamilya stars na sina Kim Chiu, Kathryn Bernardo, at Coco Martin, at maging ang ABS-CBN President at CEO na si Carlo Katigbak.

Ayon sa NBI, sineseryoso nila ang anumang death threat.

Kung pakiramdam daw ni Angel at ng iba pang mga artista ay seryoso ang tangka sa kanilang buhay, maaari silang humingi ng tulong sa NBI.

Buong mensahe ng NBI ngayong araw, May 21:

“The NBI takes seriously any threats made to any person.

“If Angel Locsin and other artists receive threats of physical harm or other means sent thru the social media and they feel these threats are serious, they have all the right to seek the assistance of the NBI so their concerns can be appropriately addressed.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Idinaan ni Angel sa kanyang Instagram account ang pagsangguni sa NBI tungkol sa banta ng netizen.

May halong birong mensahe ng kanyang post kahapon, May 20: “Hello, NBI? Beke nemen po… [smiling face with open mouth and cold sweat emoji]”

Kalakip ng post ang dalawang screenshots ng pananakot sa aktres at sa iba pang personalidad ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

THE THREAT

Kung sisipating mabuti ang banta ng netizen, ang panawagan nito ay para lamang sa mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng GMA Network.

Masasabing pabor din ang nag-post sa ABS-CBN shutdown.

Malinaw na sinabi nitong gusto niyang pasabugin ang ABS-CBN compound.

Sa isa pang screenshot, pinaratangan nitong tagasuporta ng New Pepole’s Army (NPA) si Angel.

Continue reading below ↓

Tinawanan lamang ito ng aktres.

Sa ngayon, hindi malinaw kung pormal nang naghain ng reklamo si Angel sa NBI.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
National Bureau of Investigation: "If Angel Locsin and other artists receive threats of physical harm or other means sent thru the social media and they feel these threats are serious, they have all the right to seek the assistance of the NBI so their concerns can be appropriately addressed.”
PHOTO/S: File / Courtesy: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results