Kilalanin: Basketball player Kai Sotto, the next Pinoy Pride?

by Rommel R. Llanes
May 21, 2020
Video: John Henri Alsol Mariano / Summit Video Team.

Sa tangkad na 7-foot-2 at sa edad na 18, malaki ang potensiyal ng dating Ateneo Blue Eaglet na si Kai Sotto na maging susunod na Pinoy Pride.

Kakapirma lang ni Kai ng one-year development program sa NBA G League, ang minor league basketball organization ng NBA o National Basketball Association.

Ang NBA ang premiere basketball league ng Estados Unidos.

Sa NBA G League, mahahasa nang husto si Kai sa paglalaro ng basketball.

Makakasama niya sa isang select team ang American top-high-school basketball prospects na sina Jalen Green, Daishen Nix, at Isaiah Todd.

Sa kanyang social media accounts nung Huwebes, May 14, in-announce ni Kai ang pagpirma niya sa NBA G League.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Aniya, ang pagpirma sa G League ay daan tungo sa minimithing pangarap: ang makalaro sa professional league ng NBA.

Anak ng dating Philippine Basketball Association (PBA) player na si Ervin Sotto, si Kai ay nagsimulang gumawa ng sariling pangalan sa basketball nung 2018.

Kai Sotto with dad Ervin Sotto

Ipinanalo ni Kai sa finals ng 2018 University Athletic Association of the Philippines Basketball Championship junior division ang team ng Ateneo de Manila High School Blue Eaglets.

Continue reading below ↓

Ginawaran pa siya ng Most Valuable Player (MVP) award nung taong iyon at naging MVP uli nung sumunod na taon.

Naging bahagi rin si Kai sa Philippine team na naglaro sa FIBA U-17 World Cup nung 2018 at sa FIBA U-19 World Cup nung nakaraang taon.

Kinilala rin si Kai bilang All-Star at MVP ng Jr. NBA Philippine program nung 2016.

Continue reading below ↓

Siya ang unang Jr. NBA Philippines participant na nakapirma sa NBA G League at unang international player na pumirma rito.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gumawa ng pangalan sa junior basketball circuit sa Pilipinas ang 7-foot-2, 18-year-old sensation na si Kai Sotto. Sa NBA na kaya ang tuloy ni Kai? Siya na ba ang next Pinoy Pride?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results