Angel Locsin not filing charges for online death threats: “Ayoko silang pahirapan pa sa hirap ng buhay ngayon”

May 22, 2020
Actress Angel Locsin warns Twitter user/s offering P200-million bounty to “kill” her and other Kapamilya stars: “Pag umulit, hindi ko sila aatrasan.”
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

Walang plano si Angel Locsin na kasuhan ang taong nag-tweet ng death threat sa kanya.

Ito ang sagot ng 35-year-old actress-humanitarian sa National Bureau of Investigation (NBI).

Kasunod ito ng paghikayat ng NBI kay Angel na pormal itong humingi ng tulong sa bureau tungkol sa death threat ng isang Twitter user.

Hindi lang si Angel ang pinagbantaan ang buhay, kundi maging ang kapwa Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Coco Martin.

Ipinost ni Angel sa Instagram nitong May 20 ang screenshot ng pagbabanta.

Sa paraang nagbibiro, special mention ng aktres ang NBI sa caption.

Kaagad na sumagot ang NBI kinabukasan, May 21.

Pinayuhan ng NBI sina Angel, Kim, at Coco, na kung pakiramdam nila'y seryoso ang mga banta, “they have all the right to seek the assistance of the NBI so their concerns can be appropriately addressed.”

RELATED STORY

“AYOKO SILANG PAHIRAPAN PA”

Nagpasalamat si Angel sa NBI.

Liban sa pasasalamat gamit ang tweet, sinabi rin ng aktres na hindi niya kakasuhan ang Twitter user.

Continue reading below ↓

Ayaw daw ni Angel na “pahirapan” pa sa legal battle ang netizen “sa hirap ng buhay ngayon” na may pandemic.

Sa halip, ayon kay Angel, ipagdarasal na lang muna niya ang mga nasa likod ng pagbabanta sa kanyang buhay.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Saad sa tweet ni Angel (published as is): “Thank you NBI for reaching out.

“For now, ipag-pray ko muna tong mga taong to.

“Ayoko silang pahirapan pa sa hirap ng buhay ngayon sa kung anong pwede kong ikaso sa kanila.”

Pero may warning si Angel sa mga may pakana ng online death threat.

“Pag umulit, hindi ko sila aatrasan :),” ani Angel.

Continue reading below ↓

THE DEATH THREAT

Sa isang tweet nitong May 19, nag-alok ang Twitter user ng PHP200-million reward sa “makapatay” kina Angel, Kim, at Coco.

Pero ang offer ay para lang daw sa mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng GMA Network.

Sa isa pang tweet ng netizen, mga supporters naman ng presidential daughter, si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio, ang inalok ng bounty.

Continue reading below ↓

Pinresyuhan naman nito ng PHP300 million ang ulo ni Kim, ng isa pang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo, at ni ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak.

Hindi kalabisang sabihing may galit ang Twitter user sa Kapamilya network mismo.

Sa parehong tweet, sinabi ng netizen ang pagbobomba sa ABS-CBN compound, sa tulong daw ng New People’s Army (NPA).

Continue reading below ↓

Nagkataong bukod sa death threat, isa pang netizen ang may paratang na NPA supporter si Angel.

Tinawanan lang ni Angel ang akusasyong ito.

Hindi naman natawa ang kanyang fiancé na si Neil Arce.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Angel Locsin warns Twitter user/s offering P200-million bounty to “kill” her and other Kapamilya stars: “Pag umulit, hindi ko sila aatrasan.”
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results