Ruby Rodriguez recuperating from severe abdominal infection

by Bernie V. Franco
May 22, 2020
ruby rodriguez make up
ruby rodriguez hospital
Eat Bulaga! host Ruby Rodriguez gives update after being diagnosed with severe abdominal infection. Ruby says she is now getting better.
PHOTO/S: @rodriguezruby on Instagram

Nagdetalye si Ruby Rodriguez, 54, tungkol sa kanyang karamdaman matapos siyang isugod at ma-confine sa ospital noong Miyerkules, May 20.

Isinugod siya sa ospital dahil sa stomach ailment.

Ngayong umaga ng Biyernes, May 22, ibinahagi ni Ruby sa Twitter at Instagram ang estado ng kanyang kalusugan.

Bagamat nagkaroon ng impeksyon ang kanyang tiyan, nagawa pa ring magbiro ni Ruby.

Kasalukuyang nagpapagaling ang TV host-comedienne sa Manila Doctors Hospital sa Ermita, Manila.

Una niyang post (published as is): “Hello everyone! Yes im sick sorry guys i have an abscess in my stomach/ colon in other words malalang infection sa tyan.

“Sana pumayat ako lol But seriously thanks for ur healing prayers. Sandamakmak na antibiotic na nakapasok sa akin.

“Will update u dabarkads [heart emoji]”

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Pagkalipas ng isang oras ay muli siyang nag-post upang magbigay ng update at para pasalamatan ang kanyang well-wishers.

Kalakip nito ang ilang larawan na kuha habang nakaupo siya sa kama at pinagmamasdan ang magandang tanawin mula sa kanyang kuwarto.

Tiniyak niyang bumubuti na ang kanyang pakiramdam.

Mensahe ng Eat Bulaga! host: “Good morning! Im feelin better. Still feel pain but not like the other days.

“The view from my hospital room is the best specially sunset so nice it helps [smiling face emoji] thanks everyone for ur well wishes hopefully in a couple of days im out. [heart emoji] #maniladoctorshospital #perfectroom #gettingbettereveryday”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

CELEBRITY WELL-WISHERS

Kabilang sa celebrity na well-wishers niya ay sina Paolo Ballesteros, Lovi Poe, Angeline Quinto, Arlene Muhlach, RR Enriquez, at Danica Sotto-Pingris.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Read More Stories About
Ruby Rodriguez, hardcore fans
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eat Bulaga! host Ruby Rodriguez gives update after being diagnosed with severe abdominal infection. Ruby says she is now getting better.
PHOTO/S: @rodriguezruby on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results