Sam Milby admits feelings for Miss Universe 2018 Catriona Gray: "Yes, you are very special."

by Rachelle Siazon
May 22, 2020
Kapamilya actor Sam Milby finally speaks up about how he feels about Miss Universe 2018 Catriona Gray: Turning 36 tomorrow, Sam admits he's elated by Catriona's surprise birthday message for him.
PHOTO/S: Mark Atienza / Dookie Ducay for PEP.ph

Inamin na ni Sam Milby na si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang babaeng nagpapakilig sa buhay niya ngayon.

Hindi maitago ni Sam ang saya nang padalhan siya ng surprise birthday greeting ni Catriona.

Nangyari ito sa Facebook Live show ng Cornerstone Entertainment na CSTV Presents: Lunch With The Stars ngayong Biyernes ng tanghali, May 22.

Bukas, Sabado, May 23, ang 36th birthday ni Sam.

Nang i-flash ang taped video ni Catriona ay hanggang tenga ang ngiti ni Sam na halatang may pagtatangi sa beauty queen.

Ang kabuuang message ni Catriona: "Hey, Sam! Happy, happy birthday.

"I hope that you have an amazing year ahead. More birthdays. More happiness.

"You are loved by so, so many!"

Hindi magkamayaw sa panunukso ang best friend ni Sam na si John Prats at comedian na si Pooh na parehong kasali sa live streaming.

Sabay hiningan nila ng reaksiyon si Sam.

Nahihiyang sabi ni Sam: "Kay Ms. Catriona... Hi!

Continue reading below ↓

"Nahiya ako... Hi!"

Tila kabado si Sam na bahagya pang gumaralgal ang boses.

"Nahiya ako magbigay ng message," sabi ulit ni Sam kina John at Pooh.

Para kay Catriona, patuloy niya, "Thank you for your greeting... uhm... uhm... yeah... nahiya ako...

"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Aminadong speechless si Sam na hindi mabuo-buo ang nais iparating kay Catriona.

Nahihiyang sabi pa rin ni Sam, "No, I'm so... uhm... so happy that... super happy! Yes, bye!"

Sabay napayuko si Sam, na nagmistulang bata at napahawak pa sa kanyang ulo at tenga dahil tila hindi malaman ang gagawin.

Sa tagal ni Sam makapagsalita ay inasar siya nina John at Pooh, na nagsabing okay lang kahit three days sila sa Facebook Live masabi lang ng birthday boy ang kanyang message para kay Catriona.

Natatawang panunukso ni Pooh, "Hala, luh, luh, luh, luh!"

Pinayuhan naman ni John si Sam na huwag nang mahiyang ihayag ang saloobin.

Continue reading below ↓

Matamang sabi ni John, "Uy, Samuel, sa panahon ngayon, sa mga na-experience natin sa pandemic, kailangan talaga i-express mo nararamdaman mo.

"Eto na yung time. Ikaw, mahal na mahal kita. Si Pooh, mahal na mahal ko."

Hirit ni Pooh, "Mahal ko rin 'yan si Sam."

Continue reading below ↓

SAM ADMITS "KILIG"

Sa puntong ito, nagkalakas- oob si Sam na ihayag ang kanyang nararamdaman.

"Basta I'm kilig sa message. Super kilig sa message.

"Hindi ko in-expect talaga na mag-message. Thank you," nakangiting pag-amin ni Sam patungkol kay Catriona.

Mensahe niya para sa dalaga, "Yes, you are very special. Very special."

Kilig na kilig naman si John na makitang tila in love muli si Sam.

"Okay na, alam ko na!" natatawang sabi ni John.

Hirit uli ni Pooh, "Sabi ng isang viewer, 'Sam, huwag torpe! Paano ka magkaka-girlfriend niyan!'"

Sagot naman ni John, "For Sam Milby, it works, ha! Yung pagiging torpe niya."

Pag-amin ni Sam, "I can be torpe minsan."

Nagpahiwatig si John na masaya ang estado ng love life ni Sam ngayon.

"But again, Sam, you know, kung gaano ka kasaya, masaya rin talaga ako."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

FIRST SIGHTING IN DECEMBER 2018

Matagal nang usap-usapan sa showbiz ang nabubuong magandang pagtitinginan nina Sam at Catriona.

December 2018 pa lang nang mapukaw ang pansin ng fans sa kumalat na litrato ng pagkikita umano ng dalawa.

Kakapanalo lang noon ni Catriona ng Miss Universe at sandaling nagbakasyon sa Pilipinas dahil Christmas break.

Nang sumunod na buwan, January 2019, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang talent manager ni Sam na si Eric Raymundo.

Nilinaw noon ni Eric na "coincidence" lang ang pagkikita nina Sam at Catriona sa pag-aaring farm ni Eric sa Tanay.

Ipinaliwanag ni Eric na siya ang business manager ni Catriona, at nagkataong inimbitahan niya ang dalaga at ang pamilya nito sa kanyang farm.

Kasama rin si Sam sa piling guests na naroon.

Ang private gathering na iyon ang puno't dulo raw ng kumalat na litrato nina Sam at Cat kasama ang ama ng dalaga na si Ian Gray.

Continue reading below ↓

SECRET ROMANCE?

Pero hindi roon natapos ang bali-balitang may ugnayan sina Sam at Catriona.

Sinasabing may mga pagkakataong lihim na nagkikita ang dalawa sa mga panahong may libre silang oras noong taong 2019.

Pero parehong tikom ang bibig ng dalawa pagdating sa estado ng kani-kanilang love life.

Pareho rin silang mailap sa media interviews.

Continue reading below ↓

Hindi naman nakaligtas sa mapanuring fans ang pagdalo umano ni Sam sa 26th birthday celebration ni Catriona noong January 6, 2020.

Base sa Instagram post ni Catriona noong January 7, sinorpresa siya ng ilang malalapit na kaibigan.

Ipinakita niya ang ilang polaroid pictures ng mga dumalo sa okasyon.

Stand-out ang litrato ni Catriona na may katabing lalaking nakapostura at nakasuot ng salamin.

Bahagyang natakpan ang mukha ng lalaki dahil sa isa pang polaroid picture na ipinatong ni Catriona para hindi makilala kung sino ang kasama niya.

Pero sa comments section, may netizens na nagsabing katindig ni Sam ang "mystery guy" sa litrato.

Continue reading below ↓

December 2019 nang pabulaanan ni Catriona na nanliligaw sa kanya si Sam.

Sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda, tinanong si Catriona kung nanliligaw sa kanya si Sam.

Ang iwas-sagot ng beauty queen, "Sam naman, we go to the same church, we’re under the same management, so friend naman siya."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actor Sam Milby finally speaks up about how he feels about Miss Universe 2018 Catriona Gray: Turning 36 tomorrow, Sam admits he's elated by Catriona's surprise birthday message for him.
PHOTO/S: Mark Atienza / Dookie Ducay for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results