Matteo Guidicelli speaks up on ABS-CBN shutdown: "I believe it will come back one day."

by Arniel C. Serato
6 days ago
Matteo Guidicelli: "My wife and I have been praying that ABS-CBN can stand back up and all we need is humility, unity, and peace, you know."
PHOTO/S: Courtesy: @glfguidicelli on Instagram

Makalipas ang ilang linggong katahimikan, nagsalita na sa wakas si Matteo Guidicelli, 30, tungkol sa ABS-CBN shutdown.

Kahit sa Viva Artists Agency nakakontrata si Matteo at ang asawa nitong si Sarah Geronimo, 31, maituturing silang Kapamilya artists dahil sa ABS-CBN sila regular na napapanood.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Matteo, na nai-post sa YouTube noong May 17, naitanong sa aktor ang tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Ayon kay Matteo, ipinagdadasal nilang mag-asawa na makabalik agad sa ere ang kanilang home network.

Sabi niya, “I am praying every single day.

“My wife and I have been praying that ABS-CBN can stand back up.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"And all we need is humility, unity, and peace, you know.

“And I believe, I believe that Filipino people want ABS-CBN and love ABS-CBN like a family.

“So, I believe it will come back one day, and I hope and I pray that all these issues will be resolved one day.”

Ikinagulat din daw nilang mag-asawa ang pamamaalam sa ere ng network noong gabi ng May 5, 2020.

Sabi ni Matteo, “Of course, of course it’s heartbreaking.

“But, you know, we’re being positive, and we’re thinking positive that everything will be okay.

“And with your prayers and sincerity again, and with your humility again, and be positive… and things will be okay."

Sabi pa niya, “You have to be positive, because what’s going to happen if we put more fire to fire, you know."

Continue reading below ↓

Umaasa si Matteo na maayos ang lahat sa lalong madaling panahon.

“I am sure this will be solved because it’s for the Filipino people and ABS-CBN is here for the Filipino people,” aniya.

HOT STORIES

EXTENDED HONEYMOON

Tatlong buwan na mula nang ikasal sina Matteo at Sarah sa isang secret ceremony sa The Fort, Bonifacio Global City, Taguig, noong February 20

Masasabi ba niyang "extended honeymoon" sa kanila ng misis ang nangyaring enforced quarantine dahil sa COVID-19?

Nakangiting sabi ng aktor, “That’s the good part about it.”

Wala pa raw sa plano nila ang magkaanak kaagad, base sa kanyang mga naunang panayam.

Masaya naman si Matteo na sa wakas ay ipalalabas na ang Ranger G The Making of a Philippine Scout Ranger bukas, May 23.

Ito ay isang dokumentaryo na kinunan noong sumailalim siya sa training bilang reservist ng Philippine Army.

Mapapanood ito sa iWant, ang online content media platform ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli: "My wife and I have been praying that ABS-CBN can stand back up and all we need is humility, unity, and peace, you know."
PHOTO/S: Courtesy: @glfguidicelli on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results