Marian Rivera, muling nag-donate ng breast milk

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
6 days ago
Marian Rivera, Dingdong Dantes, Breast Milk
Kahit na naging abala nitong mga nakaraang araw si Marian Rivera (kaliwa, naka-mask) para makapag-donate ng kanyang breast milk (kanan, itaas) at magluto para sa frontliners, nakapagluto pa rin siya para sa Spanish-themed date nila ng mister na si Dingdong Dantes (kanan, ibaba).
PHOTO/S: Instagram: @marianrivera / @dongdantes

Muling nag-donate ng kanyang breast milk ang Kapuso primetime queen na si Marian Rivera.

Video: GMA News.

Ito'y bilang paggunita niya sa World Day of Human Milk Donation tuwing Mayo 19.

Sa kanyang Instagram post nung araw na iyon, sana raw ay makatulong ang kanyang munting donasyon sa mga inang patuloy na nag-aalaga ng kani-kanilang mga sanggol sa kabila ng kasalukuyang krisis.

Continue reading below ↓

Nung nakaraang taon, nag-donate din si Marian ng kanyang "liquid gold" sa mga sanggol na inaalagaan ng The Parenting Emporium. isang parenting community.

Bukod sa pagdo-donate ng kanyang breast milk, muling nagluto si Marian ng pagkain para sa frontliners.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Personal pang nag-deliver ng mga ito ang mister niyang si Dingdong Dantes sa frontliners sa Pasay City.

Continue reading below ↓

Ang iba pang niluto ni Marian ay dinala rin sa frontliners na nakadestino naman sa Lingayen, Pangasinan.

Ang pagluluto ang isa sa mga libangan ngayon ni Marian na ikinatutuwa naman nang husto ni Dingdong.

Kahit kasi hindi sila makalabas ngayon para mag-date, laging may espesyal na handang pagkain si Marian para sa kanya.

Nito ngang Miyerkules, May 20, nag-post pa si Dingdong ng Spanish-themed date nila ni Marian.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit na naging abala nitong mga nakaraang araw si Marian Rivera (kaliwa, naka-mask) para makapag-donate ng kanyang breast milk (kanan, itaas) at magluto para sa frontliners, nakapagluto pa rin siya para sa Spanish-themed date nila ng mister na si Dingdong Dantes (kanan, ibaba).
PHOTO/S: Instagram: @marianrivera / @dongdantes
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results