Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Former child actor Onyok Pineda pens message of support for Coco Martin

by Jet Hitosis
May 22, 2020
Former FPJ's Ang Probinsyano child actor Onyok Pineda to Kapamilya superstar Coco Martin: “Wag ka na pong malungkot, Kuya Coco. Mas marami po kami na nagmamahal at sumusuporta sa ‘yo. I love you, Kuya Coco! God bless."
PHOTO/S: @onyokzymonpineda on Instagram

Buo ang suporta ng former child actor na si Onyok Pineda sa aktor na si Coco Martin.

Si Onyok ang bibong bata na madalas na kaeksena ni Coco, 38, sa mga unang taon ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Nine years old na ngayon si Onyok, na Xymon Ezekiel Pineda ang tunay na pangalan.

Sa isang Instagram post nitong Huwebes, May 21, ibinahagi ni Onyok ang sulat na ginawa niya para kay Coco.

Matapos magpasalamat sa pagkakataong makatrabaho si Coco, nagpahayag ng suporta si Onyok sa Kapamilya superstar.

Hindi kasi tinatantanan ng pambabatikos si Coco simula nang depensahan niya ang ABS-CBN matapos itong ipasara.

Ginawan ng mga meme ang video ni Coco nang maglahad siya ng saloobin laban sa shutdown.

Pinaglaruan din ng netizens ang lisp ng aktor.

RELATED STORY

At ang latest, isang dating cameraman ng ABS-CBN na minsan daw nakatrabaho ni Coco ang lumantad.

Ayon sa dating cameraman, na isang masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte, nagsasalita raw nang hindi maganda at nambubuhos ng tubig ang bida ng Ang Probinsyano sa mga katrabaho nito.

Continue reading below ↓

Mariin naman itong pinabulaanan ng mismong mga katrabaho ni Coco sa ABS-CBN primetime series.

Maging ang rumored girlfriend ni Coco at leading lady niya sa Ang Probinsyano na si Yassi Pressman ay dumepensa para sa aktor.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

ONYOK WRITES TO COCO

Caption ni Onyok (published as is): “Kuya Coco maraming salamat po sa pag-aalaga nyo sakin sa taping sa Ang Probinsyano.

“Mas marami po kaming nagmamahal at sumusuporta sa'yo.

“May ginawa po akong sulat para sa'yo.

“Sana po mabasa mo po.

“God Bless you always. [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Sa litrato sa post, ngiting-ngiti si Onyok habang ipinapakita ang sulat niya para kay Coco.

Nagpasalamat ang bata na nakasama siya sa top-rating primetime series na Ang Probinsyano.

Binanggit din ni Onyok na parang anak na raw ang turing sa kanya ng aktor.

Pagbabalik-tanaw pa ni Onyok, lagi raw siya nireregaluhan ni Coco tuwing may okasyon.

At isinasama pa raw ni Coco si Onyok sa tent ng una pagkatapos ng taping.

Mababasa sa handwritten letter ni Onyok:

“Unang-una po sa lahat, nagpapasalamat po ako kay Jesus dahil ginamit ka po niyang instrumento para makasama po ako sa Ang Probinsyano.

“PARANG ANAK MO NA PO AKO”

“At nagpapasalamat po ako sa iyo Kuya Coco dahil hindi lang po artista ang turing mo po sa kin, kungdi parang anak mo na po ako.

“Naalala ko pa po tuwing mga birthday ko po ay binibigyan nio po ako ng regalo.

“Pati na rin po pag Pasko.

Continue reading below ↓

“Tapos lagi nyo po ako sinasama sa tent nyo po.

“Tapos kapag magkasama po tayo sa van pag baklas na po,” sulat ni Onyok.

Sa huli, inulit ng dating child actor ang pasasalamat niya sa lahat ng naitulong ni Coco sa kanya at sa kanyang pamilya.

Tiniyak din ni Onyok na mas marami ang nagmamahal kay Coco kaysa bumabatikos dito.

Continue reading below ↓

Mababasa pa sa sulat ni Onyok: “Pero seryoso po, maraming salamat po sa lahat ng naitulong niyo po sa akin at sa pamilya ko po.

“Wag ka na pong malungkot, Kuya Coco. Mas marami po kami na nagmamahal at sumusuporta sa ‘yo.

“I love you, Kuya Coco!

“God bless — Xymon.”

HOT STORIES

ONYOK'S SUDDEN, CONTROVERSIAL EXIT FROM ANG PROBINSYANO

September 2015 nang unang umere ang Ang Probinsyano.

Isa si Onyok sa mga original cast ng serye.

Sa edad na lima, ginampanan ni Onyok ang papel ng adoptive son ng karakter ni Coco, ang pulis na si Cardo Dalisay.

May 26, 2017 nang huling napanood sa Ang Probinsyano si Onyok.

Naging usap-usapan noon ang biglaang pamamaalam ng bata sa serye.

Sa kuwento, umalis si Onyok sa poder ni Cardo upang makapiling ang kanyang biological mother, na ginagampanan ni Alessandra de Rossi.

Nang mga panahong iyon, lumutang ang balita na inalis sa serye si Onyok dahil marami raw demands ang ina nitong si Mary Ann Nulos.

Continue reading below ↓

Kabilang dito ang paggigiit daw ni Mary Ann na magkaroon ng cut-off time ang bata sa pagte-taping.

Nagkaproblema raw ang pamunuan ng Ang Probinsyano kay Mary Ann, kaya minabuti na lang daw na tanggalin si Onyok sa serye.

Itinanggi ito ni Mary Ann, at sinabing maayos na nagpaalam sa ABS-CBN ang kanyang anak dahil magre-regular school na ito.

Continue reading below ↓

STUDIES OVER SHOWBIZ

Nang ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 2017, itinanggi ni Coco na may isyu sa pagitan ng serye at ng ina ni Onyok.

Sinabi ni Coco na nagpaalam nang maayos ang pamilya ni Onyok tungkol sa pag-alis ng bata sa Ang Probinsyano.

Ayon kay Coco, suportado raw ng pamunuan ng serye ang pagbibigay priority ni Onyok sa pag-aaral nito.

Sinabi ni Coco sa PEP.ph: “Gusto niya talaga mag-aral.

“Kung ano iyong gusto niya, iyon yung pagbigyan natin,” ani Coco.

Muling nagkatrabaho sina Coco at Onyok sa pelikulang Ang Panday.

Ang movie ay entry ni Coco sa Metro Manila Film Festival noong December 2017.

Pagkatapos nito, hindi na muling napanood sa telebisyon o pelikula si Onyok.

Samantala, March 13, 2020 nang huling umere ang Ang Probinsyano, matapos na ipahinto ang pagte-taping ng lahat ng teleserye dahil sa coronavirus pandemic.

RELATED ARTICLES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former FPJ's Ang Probinsyano child actor Onyok Pineda to Kapamilya superstar Coco Martin: “Wag ka na pong malungkot, Kuya Coco. Mas marami po kami na nagmamahal at sumusuporta sa ‘yo. I love you, Kuya Coco! God bless."
PHOTO/S: @onyokzymonpineda on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results