Spanish national in Dasma scuffle faces deportation

by Arniel C. Serato
6 days ago
Javier Salvador Parra (without shirt) in a scuffle with Police Master Sergeant Roland Madrona last April 26, 2020.
PHOTO/S: Screenshot: Facebook

Ipinapa-deport ng Bureau of Immigration ang Spanish national na si Javier Salvador Parra.

Si Parra ang nakaengkuwentro ni Police Master Sergeant Roland Madrona sa Dasmariñas Village, Makati City, noong April 26.

Sa inilabas na pahayag ng Bureau of Immigration ngayong Biyernes ng hapon, May 22, kinumpirma ng ahensiya na sinampahan nila ng deportation case ang dayuhan.

Ito ay hindi lamang lumabag sa quarantine protocols, ito ay naging agresibo pa sa kumprontasyon sa mga pulis.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, dapat sumunod sa batas ang mga dayuhang naninirahan sa ating bansa—nakatira man sa "posh village" o sa "slum area."

“Foreign nationals who are here in the country are expected to follow Philippine laws, especially in these special times wherein public health and safety is at risk.

“There is no exemption, whether you are living in a posh village, or in a slum area, you must obey the law.”

Dagdag pa ni Morente, ang mga dayuhang sumusuway sa batas ay tinataguriang undesirable aliens.

Continue reading below ↓

“Aliens who disrespect symbols of our country and persons of authority are not welcome in the Philippines.

"Their sojourn here is a privilege, not a right.

"It is in the same manner that our kababayan who are living and working abroad respect the laws of their host country.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bukod sa pagiging undesirable alien, overstaying na rin daw sa Pilipinas si Parra.

HOT STORIES

PARRA REFUSES TO SUBMIT COUNTER-AFFIDAVIT

Dagdag pa sa pahayag ng Bureau of Immigratuon, inatasan nila si Parra na magsumite ng counter-affidavit sa mga kinakaharap na reklamo, ngunit tumanggi raw ito.

Hindi raw tinanggap ng Spanish national ang notice ukol dito, at hindi rin daw ito nagpasa ng mga requirements na hinihingi ng Immigration department.

Kahapon, May 21, ang huling palugit sa kanya upang sumagot.

Ayon pa kay Morente, ang deportation case laban kay Parra ay hiwalay pa sa mga kasong kriminal na isinampa ni Madrona at ng Makati Police.

Continue reading below ↓

THE APRIL 26 SCUFFLE

Nasangkot sa isang komosyon sina Parra at Madrona noong hapon ng April 26.

Sinita ni Madrona ang kasambahay ni Parra dahil wala itong suot na face mask habang nagdidilig ng halaman sa kanilang bakuran.

May ordinansa ang siyudad ng Makati na kailangang magsuot ng face mask sa labas ng bahay at pampublikong lugar ang lahat ng residente.

Continue reading below ↓

Matapos sitahin ng pulis, pumasok ang kasambahay sa tahanan ng amo.

Lumabas si Parra at kinumpronta si Madrona, at dito na nagkaroon ng komosyon.

Ipinagtanggol naman ng barangay captain ng Dasmariñas Village na si Rossana Hwang si Madrona, pati na ang Bantay Bayan personnel nilang si Esteban Gaan na kasama ni Madrona nang nangyari ang insidente.

Noong April 28, sinampahan ng patung-patong na reklamo ni Madrona si Parra sa Makati Prosecutor’s Office.

Kabilang sa mga reklamong kinakaharap ni Parra ay resistance and disobedience to a person in authority.

Bukod pa rito, nahaharap din ang Dasma resident sa reklamong paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, at sa Makati City Ordinance 2000-089 dahil sa hindi nito pagsusuot ng face mask.

Sinampahan din siya ni Madrona ng reklamong unjust vexation at direct assault.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Javier Salvador Parra (without shirt) in a scuffle with Police Master Sergeant Roland Madrona last April 26, 2020.
PHOTO/S: Screenshot: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results