Pagkatapos mamahinga ng matagal-tagal ding panahon, muli
nating mapapanood sa telebisyon si Michael de Mesa. Magbibida sa January 18
episode ng Maalala Mo Kaya ang character actor-director upang magbigay
buhay sa isang guro na pinaghinalaang gumahasa sa kanyang estudyante.
Abangan ang isang maramdaming episode tungkol sa lalaking umako sa isang kasalanang di naman niya talaga ginawa. Witness how Michael gives life sa isang true-to-life karakter na isinulat para sa MMK ni John Duque at Ruel Montañez sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.
Makakasama rin ni Michael dito si Carla Humphries at mapapanood din natin kung matatapatan ng teen star ang intense acting dito ng mas beterano at award-winning actor. Tampok din ang former Pinoy Big Brother Season 2 housemate na sina Dionne Monsanto at Ex-PBB Celebrity Edition 2 housemate na si Megan Young sa kanyang unang dramatic role sa ABS-CBN.
Maaalala Mo Kaya (January 18 episode)
Directed by Jeffrey Jeturian
Written by John Roque and Ruel Montanez
Cast:
Michael de Mesa - Nick
Carla Humphries - Pamela
Megan Young - Dindin
Eva Darren - Nanay ni Nick
Valeen Montenegro - Kathy
Dionne Monsanto - Myrna
Gileth Sandiko - Kapatid ni Nick
Ang mga susunod na linggo ay magkakaroon ng di-matatawarang line-up ng mga aktor at bituin bilang preparasyon sa nalalapit na anibersaryo ng drama anthology show ng ABS-CBN.
Ang Maalala Mo Kaya, hosted by Ms. Charo
Santos-Concio, ay mapapanood tuwing Biyernes ng gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.