Online petition for ABS-CBN franchise renewal amasses 1 million signatures overnight

5 days ago
On May 22, 2020, ABS-CBN's labor organization launched an e-petition for the House of Representatives to renew the network's franchise immediately.
PHOTO/S: ABS-CBN NEWS / LAPAMILYAFOREVER.COM

Mabilis na nakalikom ng mahigit na isang milyong lagda ang petisyon ng ABS-CBN employees na bilisan ang pag-apruba ng kanilang prangkisa sa Kongreso.

Ang petisyon ay inilunsad gamit ang website na kapamilyaforever.com kahapon lamang, May 22, 2020.

Pero, as of 7 P.M. ngayong Sabado, May 22, mayroon na itong mahigit 1.1 million signatures.

Ayon sa statement ni Kane Choa, ABS-CBN Corporate Communications head, ang petisyon ay sinimulan ng mga empleyado ng kumpanya.

Aniya, "Our employees launched an online petition yesterday for Congress to start tackling the bills on franchise renewal.

"It has reached one million signatures overnight."

Narito ang apela ng ABS-CBN employees sa Kongreso, na kanilang ibinahagi rin sa website ng petisyon:

"Mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso,

"Kami pong mga nagtatrabaho sa ABS-CBN ay nananawagan na talakayin na at ipasa na po ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

"Kasama po kami sa libu-libong maaapektuhan at nangangamba kung magsasara ang ABS-CBN. Lahat po ay may mga pamilyang umaasa sa aming trabaho.

Continue reading below ↓

"Hindi lang po dahil sa ito ang pinagmumulan ng aming kabuhayan kung bakit gusto naming magpatuloy pa rin ang ABS-CBN, dahil tulad po ng marami, ang pagiging masaya sa trabaho at magandang trato ng mga namamalakad nito ang aming basehan sa pananatiling magbigay serbisyo sa mga Pilipino.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Naniniwala po kami na mananaig sa inyo ang MALASAKIT sa aming mga Manggagawa at pakikinggan ang aming panawagan para sa KAPAKANAN NG LAHAT."

Ang sinumang nais makiisa ay maaaring bumisita sa website at ilagda ang kanilang buong pangalan, pati ang kaugnayan nila sa network.

Nag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN noong May 4, 2020.

Isang araw pagkatapos nito, May 5, nag-isyu ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa broadcasting giant.

Kaagad na tumalima ang istasyon at nagsara ito ng kanilang broadcast operations bandang 7:52 ng gabi ng May 5 din.

HOT STORIES

ABS-CBN CONSIDERS EMPLOYEE RETRENCHMENT SANS FRANCHISE

Kasalukuyang mayroong 11,0000 regular employees ang ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Ayon kay ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, posibleng magtanggal sila ng mga empleyado kung hindi sila makakabalik sa ere hanggang Agosto.

Ito ay dahil umaabot daw sa P30M hanggang P35M araw-araw ang nawawala sa network mula nang sila ay nag-off the air.

Binanggit ito ni Katigbak sa pagdinig sa Senado noong May 19.

Aniya, "We continue to lose a substantial amount of money every month, and I'm afraid that if we cannot get back on air soon by August, we may already have to consider beginning a retrenchment process.

"We felt it would be very, very painful to put our employees out on the street without them having an idea as to how they can continue earning a living and continue to feed their families.

"But unfortunately, we cannot make that commitment open-ended because we are also limited by financial constraints.”

Itinakda ang hearing sa labintatlong panukalang batas sa Kongreso tungkol sa ABS-CBN franchise sa May 26.

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On May 22, 2020, ABS-CBN's labor organization launched an e-petition for the House of Representatives to renew the network's franchise immediately.
PHOTO/S: ABS-CBN NEWS / LAPAMILYAFOREVER.COM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results