Sam Milby confirms relationship with Catriona Gray

5 days ago
Sam Milby and Catriona Gray are now officially a couple. The Kapamilya actor announced it through an Instagram post uploaded on his birthday, May 23, 2020.
PHOTO/S: @samuelmilby / @catriona_gray on Instagram

Kinumpirma ni Sam Milby na girlfriend na niya si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ito ay ibinunyag ng Kapamilya actor sa kanyang Instagram post ngayong Sabado, May 23.

Ngayong araw rin ipinagdiriwang ni Sam ang kanyang 36th birthday.

Makikita sa litratro na nakangiti si Sam at Catriona, 26, habang yakap-yakap ang isa't isa.

Sa caption, sinabi ng aktor na ito ang "most special birthday" niya.

Ibinahagi rin niya sa ilang salita ang nararamdaman sa relasyon nila ni Catriona: "Worth every second of the wait."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

HAPPY FOR SAM

Ang magandang balita ni Sam ay lubos namang ikinagalak ng kanyang mga kaibigan sa showbiz.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bati ni Angelica Panganiban: "Ayiiie! Happy birthday, Sam! Very, very happy for the both of you!"

Sabi naman ni Erik Santos: "Happy birthday, brother. Happy for you."


Continue reading below ↓

Maging ang Halik co-stars ni Sam na sina Yen Santos at Hero Angeles ay nagpakita ng suporta sa bagong magkasintahan.


SAM ADMITS CATRIONA IS "VERY SPECIAL" TO HIM

Kahapon lamang, May 22, ay ipinahiwatig ni Sam kung gaano kaespesyal sa kanya si Catriona.

Ito ay sa ginanap na Facebook Live ng Cornerstone Entertainment na pinamagatang CSTV Presents: Lunch With The Stars.

Continue reading below ↓

Kasama ni Sam dito ang kapwa Kapamilya stars na sina John Prats at Pooh.

Sa isang bahagi ay ipinalabas ang taped video greeting ni Catriona para kay Sam.

Hindi naman maitago ni Sam ang kasiyahan, na abot hanggang tenga ang ngiti.

Sabi ni Catriona sa video, "Hey, Sam! Happy, happy birthday.

"I hope that you have an amazing year ahead. More birthdays. More happiness.

"You are loved by so, so many!"

Inamin ni Sam na speechless siya dahil sa kilig na nararamdamn.

At dahil sa pangungulit nina John at Pooh, nagkaroon siya ng lakas ng loob na aminin sa publiko na espesyal sa kanya ang beauty queen.

"Basta I'm kilig sa message. Super kilig sa message," sambit ni Sam.

"Hindi ko in-expect talaga na mag-message. Thank you."

Mensahe niya para kay Catriona: "Yes, you are very special. Very special."

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Milby and Catriona Gray are now officially a couple. The Kapamilya actor announced it through an Instagram post uploaded on his birthday, May 23, 2020.
PHOTO/S: @samuelmilby / @catriona_gray on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results