Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

KC Concepcion: "I’m still super close to the men I had in my life."

by Bernie V. Franco
May 24, 2020
kc concepcion red
kc concepcion piolo pascual hug
KC Concepcion says she has remained close to her ex-boyfriends up to this day. She explains, "I think, we were part of each other’s lives. And if they didn’t treat me bad and we didn’t break up badly, they’ll always be part of my life." One of her famous ex-boyfriends is Kapamilya actor Piolo Pascual (right photo).
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram / Twitter (KC Concepcion)

Inamin ni KC Concepcion, 35, na nananatili siyang malapit sa mga dati niyang nakarelasyon.

Ginawa ng actress-entrepreneur ang pag-amin nang tanungin kung paano siya mag-cope pagkatapos ng hiwalayan.

“To be very honest, I’m still super close to the men I had in my life,” pangungumpisal ni KC sa YouTube live ng eventologist na si Tim Yap, gabi ng Sabado, May 23.

“Because, I think, we were part of each other’s lives.

"And if they didn’t treat me bad and we didn’t break up badly, they’ll always be part of my life.

"They will always be a chapter in my life.

"And I appreciate and value them still."

Si KC ay lumaki at nagkaisip sa mundo ng showbiz dahil na rin sa kanyang mga sikat na mga magulang—ang Megastar na si Sharon Cuneta at ang dramatic actor na si Gabby Concepcion.

Karamihan sa mga lalaking naugnay kay KC ay mga public figure ding katulad niya.

Continue reading below ↓

Kabilang dito ang musician na si Rico Blanco, ang direktor at ngayon ay Taguig City Mayor na si Lino Cayetano, ang ABS-CBN actors na sina Piolo Pascual at Paulo Avelino, at ang former Azkals player na si Aly Borromeo.

Ang pinakahuling nakarelasyon ni KC, sa pagkakaalam ng publiko, ay ang French filmmaker-businessman na si Pierre Emmanuel Plassart.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Napaulat ang paghihiwalay nina KC at Pierre noong July 2019 matapos magkabalikan noong August 2018.

Una silang naghiwalay limang taon na ang nakalilipas.

Samantala, huling na-link si KC kay apl.d.ap, vocalist ng international pop group na The Black Eyed Peas.

Namataan silang magkasama noong December 2019, pero walang pag-amin ang dalawa tungkol sa pag-uugnay sa kanila.

Pero, sa mga recent social media posts ni KC, nabanggit niyang single siya ngayon.

HOT STORIES

KC’S CONTROVERSIAL BREAKUP WITH PIOLO

Marahil, marami ang nagtatanong kung close si KC kay Piolo.

Tila hindi kasi kasama si Piolo sa mga dating karelasyon ni KC na ka-close pa rin niya kung sasabihing “we didn’t break up badly.”

Continue reading below ↓

Naging laman ng showbiz headlines sina KC at Piolo noong 2011 dahil hindi maganda ang kanilang paghihiwalay.

Nagsalita noon ang heartbroken na si KC sa defunct showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz.

Nang matanong tungkol sa paghihiwalay nila ni Piolo, sinabi ni KC, “May mga hinahanap ako na basic lang na hahanapin ng isang babae sa isang boyfriend.”

Pero hindi na siya nagdetalye tungkol dito.

Nagsalita rin siya sa YES! Magazine nang gawan ito ng Celebrity Homes cover feature sa kanyang Serendra condo.

Sa panig naman ni Piolo, matipid ito sa mga sagot kapag natatanong sa isyu.

Halatang mas nais ng aktor na huwag na itong pag-usapan pa.

Nang ma-feature si Piolo sa E! News Asia Special noong October 2014, nausisa ang actor-endorser tungkol sa hiwalayan nila ni KC.

Sinabi ng aktor na inasahan niyang magsasalita si KC, pero sana raw ay hindi na isinapubliko ng akres ang tungkol sa breakup nila.

Continue reading below ↓

Sabi noon ni Piolo: “I felt bad for her because she didn't have to resort to that, I still love her with all my heart but it's just something that she did that I wish she didn't do."

Sa mga sumunod na presscons, diretsahang sinabi ni Piolo na ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol dito.

Noong sumunod na taon, 2015, may mga pahaging si KC na tila nagkaayos na sila ng Kapamilya actor.

Una, noong June 2015, sa question-and-answer (Q&A) session ni KC sa Twitter, natanong siya ng isang netizen kung magkaibigan na sila ni Piolo.

Sagot noon ni KC: “Pretty civil [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Pagsapit ng September 2015, sa isa pang Q&A session sa Twitter, natanong si KC kung nagkaroon na sila uli ng pagkakataon ni Piolo mag-usap.

“Opo,” simpleng sagot ni KC.

Kalakip nito ang larawan nina KC at Piolo na magkasama at halos magkayakap.

Nagkita at nagkasama ang dalawa sa ASAP 20 Live In London, na ginanap sa SSE Arena, Wembley, London, noong September 6, 2015.

Indikasyon itong naplantsa na ng dalawa ang masaklap na breakup nila noon.

Continue reading below ↓

Noong December 2018, mas malinaw na paliwanag ang ibinigay ni KC tungkol sa pagkakabati nila ni Piolo.

Sinagot ni KC ang isang netizen na nag-wish na sana raw ay maging magkaibigan muli ang dalawa at makagawa uli ng proyekto.

Ani KC: “We are good, Piolo and I have forgiven each other and know that we will care about each other as friends.”

Nagkasama at nagkamabutihan sina KC at Piolo nang magtambal sila sa ABS-CBN drama series na Lovers in Paris noong 2009.

Continue reading below ↓

REALIZATIONS ABOUT RELATIONSHIPS

Sa YouTube Live kasama si Tim Yap, sinabi ni KC na nagkaroon siya ng maraming oras makapag-isip-isip ngayong may enforced quarantine.

Mas nakilala raw niya ang sarili, at napagtantong marami rin siyang mga pagkukulang pagdating sa usapang relasyon.

Kaya naman naniniwala siyang mas mature na siya ngayon.

Saad niya, “Like, one thing during this whole lockdown, I think staying home makes you think so much.

“Parang naisip ko, I have my own fears, I have my own imperfections, I have my own attitude, I have my own pace…

kc concepcion dog

Continue reading below ↓

“So I always try to look at where I went wrong, not just the other person.

“Because love, in the end, is about you being able to provide the person value…

“Put value in that person’s life more than, or equal to, does he put value in your life?

“So I think, wow, nag-mature na ako through the years.

“Dati, like, play-play, like, ‘Okay, thank you, next...’” ani KC, na tinutukoy ang title ng kanta ni American singer Ariana Grande.

Ang “thank u, next” ay tungkol sa breakup at pagmu-move on sa bagong relasyon.

Sabi pa ni KC, “I think, now, it’s like nag-mature na ‘ko.”

Inisa-isa rin ng dalaga ang mga katangiang hinahanap niya kung sakaling makipagrelasyon siyang muli.

“Feeling ko now, it’s like how can I be valuable to you.

"And so, that’s the kind of relationship…

“I want na somebody that is established, somebody that is respected, somebody that has values that resonate with me.

Continue reading below ↓

“Somebody who actually cares, and shows that, and is actually able to express that.

“I want to be able to be of value to the people that are in my life.”

Hiniritan din ng tanong si KC kung ano ang pagkakaiba ng karelasyong Filipino at foreigner.

Natatawa niyang sagot: “We don’t look at boyfriends and say, like, ‘Oh, I’m dating an afam.’ ‘Oh, I’m dating a Pinoy.’

“You just, like, seeing a guy... You don’t need to be racist.”

Ang advantage lang daw kapag foreigner ang karelasyon niya ay nakakatuklas siya ng bagong kultura, na interest ni KC.

“May advantage din kung ang boyfriend mo, in a way, kahit Pinoy siya, but is from a different country. Your world opens…”

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion says she has remained close to her ex-boyfriends up to this day. She explains, "I think, we were part of each other’s lives. And if they didn’t treat me bad and we didn’t break up badly, they’ll always be part of my life." One of her famous ex-boyfriends is Kapamilya actor Piolo Pascual (right photo).
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram / Twitter (KC Concepcion)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results