Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Film producers call out FDCP for releasing post-ECQ protocols for film workers

by Rachelle Siazon
May 24, 2020
PMPPA stands by Inter-Guild Alliance's safety protocols as the "primary document that will guide its film productions in the coming months." In photo are FDCP Chairperson Liza Dino (center) and film producers (L-R) Erik Matti, Malou Santos, Atty. Joji Alonso, and Roselle Monteverde.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Kinuwestiyon ng 22 film producers ang paglalabas ng Film Development Council of the Philippines ng post-ECQ protocols para sa film at audiovisual workers.

Ang FDCP ay pinamumunuan ni Chairperson Liza Diño-Seguerra.

Ang 22 film producers ay kabilang sa Philippine Motion Picture Producers Association (PMPPA) na naglabas ng hinaing laban sa FDCP ngayong Linggo, May 24.

Inalmahan ng grupo ang public advisory ng FDCP noong May 16, na naglikha ng safety protocols na dapat umano sundin ng film workers.

Giit ng PMPPA, nagkasundo ang film producers at ibang industry stakeholders na ang binuong safety protocols ng Inter-Guild Alliance ang kanilang susundin.

Ang Inter-Guild Alliance ay binubuo ng mga grupo mula sa iba't ibang sektor ng film industry.

pmppa: fdcp misrepresents itself

Ayon sa grupo ng film producers, hindi tama ang proseso ng FDCP sa pagsasagawa ng sariling bersiyon nito ng safety protocols para sa film workers

Sinabi raw ng FDCP na sinunod lang nito ang utos ng Department of Health (DOH) na bumuo ang lahat ng National Government Agencies ng "sector-specific plans and guidelines."

Continue reading below ↓

Ang iwas-COVID protocols ay kaugnay ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya para makabalik sa trabaho ang piling government at private sectors.

May 16 nang simulang ipatupad ang modified ECQ (MECQ) sa Metro Manila.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ayon sa PMPPA: "On this basis, the FDCP adopted its own interim guidelines and reiterated that it shall be valid until 31 May 2020 or until such time that the final guidelines from the FDCP and the DOH are approved by the IATF."

Misleading diumano ang public advisory ng FDCP.

Sabi ng grupo ng film producers: "The Philippine Official Gazette lists forty four (44) National Government Agencies (NGAs) and nowhere may the FDCP be found.

"It noticeably includes though the Department of Education, which exercises oversight functions over the FDCP."

Ni hindi raw dumaan sa Department of Education ang safety protocols proposal ng FDCP.

Gayong ang DepEd daw ang national government agency na may saklaw sa FDCP.

Sa halip ay dumiretso raw ito sa DOH.

Continue reading below ↓

Patuloy ng pahayag ng PMPPA: "The question may now be raised: Shouldn't the FDCP have submitted its recommendations to the Secretary of Education, the bonafide National Government Agency (NGA), which has the sole power to exercise oversight functions over it and not coursed it directly to the Department of Health?"

PMPPA CITES DOH DIRECTIVE TO PRIVATE SECTOR

Ipinaliwanag din ng grupo ng film producers na pinayagan ng DOH ang "private sector" na mag-develop ng safety protocols.

Basta alinsunod ang mga ito sa "public health standard" ng DOH at ibang iwas-COVID policies ng gobyerno.

Ang direktibang ito raw ang sinunod ng grupo ng film producers.

Noong May 16, ipinasa ng PMPPA ang kopya ng safety protocols na binuo ng Inter-Guild Alliance sa Inter-Agency Task Force.

Ang IATF ay ang leading group ng mga sangay ng gobyerno na siyang bumuo ng quarantine protocols para sa buong bansa.

Pero naunahan ng FDCP ang Inter-Guild Alliance maglabas ng public advisory.

Continue reading below ↓

Inilathala ng FDCP ang memo na naglalaman ng "Interim Guidelines On Safety Protocols" para sa film at audio-visual production shoots noong May 16.

May 18 naman nang isapubliko ng Inter-Guild Alliance ang safety protocols na nabuo ng grupo.

EMPOWERING FILM INDUSTRY POST-ECQ

Ayon pa sa PMPPA, malinaw ang mandato ng DOH na kailangang isumite sa ahensiya nito at sa IATF ang safety protocols na napagkasunduan sa isang private sector for "monitoring" and "compliance."

Continue reading below ↓

Si Presidential Spokesperson Harry Roque raw ang nagbigay-linaw ng direksiyon para sa pagbabalik-trabaho ng film workers simula MECQ.

Napagkayarian daw na: "the protocols for the film industry DO NOT NEED THE APPROVAL OF THE IATF, BEFORE THE SAME MAY BE USED/IMPLEMENTED."

Kaharap daw noon ang IATF members.

Kabilang sina DILG Secretary Eduardo Año, DTI Secretary Ramon Lopez, DND Secretary Delfin Lorenzana, at DSWD Secretary Rolando Bautista.

Nasa meeting din daw noon sina DOH Secretary Francisco Duque at National Task Force COVID-19 implementer Carlito Galvez Jr.

Continue reading below ↓

Taliwas ito sa nakasaad sa memo/public advisory ng FDCP na may petsang May 16 at May 22.

Nakasaad dito na ang inilabas nitong "interim guidelines on safety protocols" ang dapat sundin ng film workers simula May 16 hanggang May 31.

Habang hinihintay daw ng FDCP ang final approval mula sa IATF.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

WHO ARE THE MEMBERS OF PMPPA & INTER-GUILD ALLIANCE?

Ang PMPPA ay binubuo ng Star Cinema Production, Regal Entertainment Inc., Viva Communication Inc., Quantum Films Inc., Reality Films, at The IdeaFirst Company.

Kabilang din ang MZET, OctoArts Films, GMA Films, APT Entertainment Inc., ALV Films Inc., Cineko Productions Inc., at Globe Studios Inc.

Kasama pa ang Spring Films Inc., TBA Studios, TREX Entertainment Prods Inc., Slick Pictures, Megavision Integrated Res. Inc., at Ten 17P.

Kabilang din sa PMPPA ang Seiko Films, Imus Productions, at Crown Seven.

Si Malou Santos ang chairman ng PMPPA. Dati siyang managing director ng ABS-CBN film company na Star Cinema.

Ang Inter-Guild Alliance naman ay binubuo ng mga grupo mula sa iba't ibang sektor ng film industry.

Kabilang dito ang Director's Guild of the Philippines, Lupon ng Pilipinong Sinematograpo, Production Designers Technical Working Group, grupo ng assistant directors at script supervisors, Film Screenwriters Collective.

Kasapi rin ang Technical Working Group ng freelance line producers at production managers, Sound Speed Philippines, at Filipino Film Editors.

Continue reading below ↓

Lumalabas, ang karamihan sa film producers ay gustong sundin ang safety protocols na gawa ng Inter-Guild Alliance kaysa sa gawa ng FDCP.

erik matti: fdcp "BLATANT DISRESPECT"

Isa si Erik Matti, director-producer ng Reality Entertainment, sa mga hayagang kumuwestiyon sa FDCP.

Tinawag niyang "blatant disrespect" ang ginawa ng FDCP sa paglalabas ng sarili nitong bersiyon ng safety protocols.

Alam naman daw ng FDCP na may binuo nang "more thorough and worker-approved set of guidelines and protocols" ang Inter Guild Alliance.

Sinabi rin ni Erik na "inis na inis" siya dahil mismong ang Inter-Guild Alliance ay hindi raw umaalma sa FDCP.

Diumano, marami raw miyembro ang Inter-Guild Alliance na may "personal interests" sa FDCP, na dagdag pa raw sa isyu.


Continue reading below ↓

Saad ni Erik: "If the IGA wants to stay 'neutral' is it safe to presume that they also endorse the protocols drafted by FDCP?

"So if we stay neutral about what FDCP posted and will not say whether it is valid or not, which do we follow now as a common ordinary filmworker in the industry waiting on the the guidelines we need to get back to work?"


Continue reading below ↓

Sa comments section, diskumpiyado rin ang film writer-producer na si Moira Lang.

Tingin ni Moira ay "epal" at gustong maging "bida" ng FDCP kaya ito naglabas ng safety protocols.

atty. joji alonso: INDUSTRY can make its own safety protocols

Umalma rin ang Quantum Films producer na si Atty. Joji Alonso laban sa FDCP.

Si Atty. Alonso ay kinatawan din ng PMPPA.

Naging isyu raw kung anong sangay ng gobyerno ang magbibigay ng "approval" na makapag-shoot ulit ng mga pelikula.

Noong una raw ay may nagsasabing ang Department of Trade and Industry (DTI) ang magtatakda kung kailan puwedeng magsimula ulit mag-shoot ang film productions.

Sumunod na lumikha ng katanungan ay kung may approval pa bang hihintayin mula sa "IATF through the DOH."

Nakumpirma ni Atty. Alonso na puwede na raw magbalik-trabaho ang film-industry workers under the modified enhanced community quarantine, na nagsimula noong May 16.

At ang tanging requirement daw ay ang magsumite sa IATF ng kopya ng susunding safety protocols para sa film workers.

Continue reading below ↓

Base ito sa pakikipag-usap raw ni Atty. Alonso kina DTI Secretary Ramon Lopez at DOLE Assistant Secretary/Bureau of Working Conditions Director Tess Cucueco.

Makikita ang pahayag ni Atty. Alonso sa kanyang Facebook post noong May 19.

PMPPA: FDCP causing industry "confusion, anxiety"

Kalakip ng Facebook status ng lawyer-producer ang official statement ng PMPPA.

Continue reading below ↓

Nakasaad ditong nagkasundo ang stakeholders sa film industry na susundin nila ang polisiya ng Inter-Guild Alliance.

Sabi pa rito, kinokondena ng PMPPA ang pangunguna ng FDCP na magsapubliko ng bersiyon nito ng safety protocols.

Ni hindi raw kasi dumaan iyon sa "final consultation" sa producers at iba pang stakeholders ng film industry.

Naging dahilan daw ito para lumikha ng "confusion" at "anxiety" hindi lang sa film workers kundi pati na raw sa television at advertising industries.

Sang-ayon sa posisyon ng PMPPA ang Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde.

Kinuwestiyon ni Roselle kung ano ba ang "role" ng FDCP at tila ipinilit daw ng ahensiya na ang interim guidelines nito ang dapat masunod.

Misleading din umano ang nakasaad sa memo ng FDCP na aprubado ng Department of Labor and Employment ang protocols na gawa ng FDCP.

Tila kaugnay ito ng posisyon ng PMPPA na empowered ang private sector mag-develop ng sarili nitong protocols alinsunod sa public health standard ng DOH.

Continue reading below ↓

At ika nga ng PMPPA, nag-comply na rin naman ang film producers nang isumite nito sa IATF ang safety protocols mula sa Inter Guild Alliance.

Tila tukoy ni Roselle kay FDCP Chairperson Liza Diño: "And yet misled us into thinking that it was approved by DOLE and hapharzardly released her own draft guidelines without consultation with the film producers."


Continue reading below ↓

Ang pagtuligsa ng PMPPA sa FDCP ay reposted din sa Facebook accounts nina PMPPA Chairwoman Malou Santos at IdeaFirst Company producer Perci Intalan.

MULA SA PATNUGOT: Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pahayag ng FDCP at iba pang personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PMPPA stands by Inter-Guild Alliance's safety protocols as the "primary document that will guide its film productions in the coming months." In photo are FDCP Chairperson Liza Dino (center) and film producers (L-R) Erik Matti, Malou Santos, Atty. Joji Alonso, and Roselle Monteverde.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results