Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Megan Young reveals why she got jealous of Andrea Torres

by Bernie V. Franco
May 24, 2020
megan young closeup
andrea torres sexy
mikael daez closeup blue
Megan Young (left) and husband Mikael Daez (right) recount the time Megan was jealous of Andrea Torres (center), his former leading lady. Megan says, "The story begins with Mikael starting a new show and starting a new love team, and his love team at that time was Andrea."
PHOTO/S: @meganbata, @andreaetorres, and YouTube (GMA News)

Inamin ni Megan Young na minsan niyang pinagselosan ang kapwa Kapuso actress na si Andrea Torres.

Ito ay matapos isakay ng nobyo pa lamang niya noong si Mikael Daez sa kotse nito si Andrea.

Umamin si Megan sa pagseselos niya kay Andrea sa podcast nila ni Mikael noong Huwebes, May 21.

Noong una ay nag-isip muna ang Miss World 2013 kung pangangalanan niya ang babaeng pinagselosan niya.

Nagdesisyon siyang tukuyin si Andrea “only because she’s our friend and I know she’ll laugh about this,” sabi ng actress-beauty queen.

Nagkatrabaho sina Megan at Andrea sa 2016 teleseryeng Alyas Robin Hood na pinagbidahan ni Dingdong Dantes.

andrea torres swimsuit
megan young swimsuit

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Biniro pa ni Mikael ang asawa kung ito ang pagkakataong sukdulan ang naramdaman niyang selos.

“Tumatak talaga ‘tong story na ‘to sa akin!” sagot ng natatawang si Megan.

Sampung taon nang magkarelasyon sina Megan, 30, at Mikael, 32.

Ikinasal sila nitong January 2020.

Kasalukuyan namang boyfriend ni Andrea, 30, ang Kapuso actor na si Derek Ramsay, 43.

Kinumpirma nina Derek at Andrea ang kanilang relasyon noong September 2019.

MEGAN YOUNG: “IT WAS JEALOUSY, I ADMIT THAT.”

Pagkatapos nito ay idinetalye ni Megan ang pagseselos niya kay Andrea.

“The story begins with Mikael starting a new show and starting a new love team, and his love team at that time was Andrea,” bungad ng beauty queen-actress.

Inilunsad ang tambalan nina Mikael at Andrea sa GMA-7 drama series na Sana Ay Ikaw Na Nga, na umere mula September 2012 hanggang February 2013.

Tinatayang dalawang taon nang magkasintahan noon sina Megan at Mikael, pero hindi pa nila inaamin sa publiko ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ni Megan, “Mikael said one time, ‘Yeah, I have a new love team.

"I just want to get to know her more para we become more comfortable together on the set.”

Bilang isang artista, nauunawaan daw ni Megan ang pinanggagalingan ni Mikael.

“I said, ‘Yeah, that’s cool, I’ve been there. I’ve done that, no big deal,'" sabi raw noon ni Megan.

“And then he goes, ‘Yeah, hinatid ko nga siya do'n sa bahay niya.’

"And I was, like, ‘What?’ Napatigil talaga ako.

“I was, like, ‘Can you just say that again? You made her hatid where?’"

Hindi raw lubos-maisip ni Megan kung bakit kailangang ihatid ni Mikael ang kanyang leading lady.

“I was, like, ‘Why? Is there a good reason why you wanted to take her home?’

Ito raw ang sagot ni Mikael: “Well, I just thought that since I was going in that direction anyways, and we were going from a mall show, I just figured it would be nice, so that I could get to know her more and we could talk.”

Continue reading below ↓

Ibinahagi rin ni Megan kung ano ang sinabi niya noon kay Mikael, at kung bakit hindi maganda ang paghatid nito kay Andrea.

Sabi ni Megan: “Okay, here’s the deal. I’m gonna lay it out for you right now. This is how it looks like from the outside.

“People will see her going in your car and, yes, it’s cool because love team nga kayo, but what I’m worried about is what kind of thoughts are you putting in her head."

Aniya pa patungkol kay Andrea, “I think she was single at that time.”

megan young mikael daez hug

Continue reading below ↓

Inisip daw ni Megan noon na baka ma-misinterpret ni Andrea ang gesture ni Mikael.

“And I don’t want you to put any thoughts into her head, like, you're taking her home, galante ka.

“Baka isipin niya may gusto ka sa kanya.

"And I don’t want you to put these kinds of expectations in your love team.”

Gusto raw ni Megan na klaruhin ni Mikael ang limitasyon nila ni Andrea bilang onscreen partners.

“And if your goal is not to make her landi, then you do make her aware of that.”

Matapos daw magsalita ni Megan ay natigilan si Mikael, at nag-sorry ito.

HOT STORIES

WHY MEGAN GOT JEALOUS OF ANDREA

May mga paglilinaw namang ginawa si Mikael.

Aniya, hindi niya sa bahay inihatid si Andrea.

“It wasn’t coming from a mall show. It was coming from a workshop.

“I remember clearly we were in Makati. We were going back to GMA.”

Inusisa ni Mikael si Megan kung bakit ito nagselos.

Continue reading below ↓

Sagot ni Megan, “Initially, it was jealousy, I will admit that.

“I admit I was jealous that you were alone with another girl in your car.

“It made me feel, at that time, insecure.

"I would say, ‘Bakit kailangan may iba siyang kasama sa kotse? Before he did that, why couldn’t he just tell me ahead of time?’

“There were thoughts running in my head, like, Mikael was really flirty when he talks to people.”

Kung anu-ano na raw ang pumasok sa isip ni Megan noon hanggang sa puntong baka maghiwalay sila.

“I don’t know, 'Did he touch her legs?'

“These are the things that I thought of, ‘First time kong maranasan ‘to. This is, like, my new boyfriend, are we goona break up?’ Hahaha!”

Ipinaliwanag naman si Mikael na ang tumatakbo noon sa isipan niya ay kung paano makahanap ng “balance” para maging matagumpay ang tambalan nila ni Andrea.

Continue reading below ↓

“I wanted to be a successful love team with Andrea, and I think that for the most part, it was extremely successful," sabi ng aktor.

Megan young mikael daez proposal

Ayon pa kay Mikael, iyon daw kasi ang proyekto na una siyang naging leading man at big break niya sa showbiz. Malaki raw ang pagpapasalamat niya.

Continue reading below ↓

Nasundan ang pagtatambal nina Mikael at Andrea sa mga teleseryeng With A Smile (2013) at Ang Lihim Ni Annasandra (2014).

Inamin noon ni Megan ang pagseselos niya kaya napag-usapan nila nang maayos ang isyu.

Sabi pa ni Mikael, marahil ay naging laman iyon ng pagkasira ng kanilang relasyon kung kinimkim ni Megan ang nararamdaman.

Buti na lang daw at nagkasundo silang maging honest sa isa’t isa noong isang taon pa lamang ang kanilang relasyon.

Napagtanto rin daw ni Mikael ang pagkakamali niya.

“I stepped too far,” pag-amin pa niya.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megan Young (left) and husband Mikael Daez (right) recount the time Megan was jealous of Andrea Torres (center), his former leading lady. Megan says, "The story begins with Mikael starting a new show and starting a new love team, and his love team at that time was Andrea."
PHOTO/S: @meganbata, @andreaetorres, and YouTube (GMA News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results