Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Baron Geisler recalls begging for forgiveness from Paolo Contis 

by Bernie V. Franco
May 24, 2020
baron geisler close up
paolo contis close up
Baron Geisler recounts asking for Paolo Contis's forgiveness: “Pagdating ko do’n, nakita ko siya, lumuhod ako kaagad."
PHOTO/S: @baron.geisler and @paolo_contis on Instagram

Binalikan nina Paolo Contis, 36, at Baron Geisler, 37, ang naging matinding away nila noon na pati ang kanilang mga trabaho ay naapektuhan.

Lumuhod at nagmakaawa raw noon si Baron kay Paolo para humingi ng tawad sa kasalanang nagawa.

Pero naging turning point daw iyon para lalong tumibay ang kanilang samahan.

Hindi tinukoy ng dalawa kung kailan ito nangyari.

Pero mahihinuhang maaaring noong nagkasama sila sa Tabing Ilog, ang ABS-CBN teen drama series, na umere mula 1999 - 2003.

Bukod kina Paolo at Baron, tampok din sa toprating series sina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Patrick Garcia, Desiree del Valle, Paula Peralejo, at Jodi Sta. Maria.

Pero bago ito, matagal nang magkakilala at nagkakasama sa mga proyekto sina Paolo at Baron dahil pareho silang nagsimula bilang child stars sa ABS-CBN.

young paolo contis 
young baron geisler

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

HOT STORIES

BARON ASKED FOR PAOLO’S FORGIVENESS

Nailahad ni Baron ang kuwento tungkol sa away nila ni Paolo sa Just In, ang online entertainment talk show ng GMA-7, noong May 20, Miyerkules.

Sa isang punto ng pag-uusap ng dalawa, nabanggit ni Paolo na marami ang nagtatanong kung nag-away na sila ni Baron.

Noong una ay nag-atubili pa si Baron, pero sinimulan na rin niyang maglahad.

Nagkaroon daw sila ng mga away, pero mayroon daw isang bagay na ginawa si Baron kay Paolo.

Hanggang ngayon, kapag naaalala raw ni Baron ang ginawa kay Paolo ay hindi siya natutuwa.

“May ginawa akong, hanggang sa ngayon, hindi ako natutuwa sa ginawa ko sa ‘yo,” pagbabalik-tanaw ng controversial actor.

Pero hindi tinukoy ni Baron kung ano ang kasalanang nagawa niya kay Paolo.

Pero naapektuhan daw ang trabaho nila dahil hindi sila pinagsasama sa mga eksena sa kanilang show.

Continue reading below ↓

“Three weeks tayong ano nun, parang hindi pinagsasama sa eksena dahil susuntukin mo daw ako,” pagbabalik-alaala ni Baron.

Napansin din daw ni Baron sa mga script na nababawasan na mga eksena niya.

Aniya, “So, ako naman, sabi ko, ‘Teka muna, nawalan ako ng eksena dito. Baka next time, mawalan ako ng taping nito, ah.’

“Ang ginawa ko, nalaman-laman ko, nag-text ako kay Paolo. Sabi ko, ‘Bro, asan ka?”

Sagot daw ni Paolo: “Dito sa Friday’s.”

Tinanong daw ni Baron kung ano ang ginagawa ni Paolo sa restaurant.

Sumagot naman si Paolo at sinabing umiinom siya.

Patuloy na lahad ni Baron, “Hindi na ako nagsabi na pupunta ako diyan.

“Pagdating ko dun, nakita ko siya, lumuhod ako kaagad.

“May kasama pang ano 'yon [luha]. Hindi acting ‘yon, bro, hindi acting.

“Umiiyak ako noon, medyo humahagulgol ako noon.

“And then, nakaluhod ako, sabi ko ‘Patawarin mo na ‘ko, patawarin mo na ‘ko,’” ani Baron, at nagmuwestra na naka-clasp ang mga kamay na tila nagmamakaawa.

Continue reading below ↓

“Tapos biglang kinuha mo na lang ako, tapos niyakap mo ako.

“Ta's after noon, naging best friend na kita.”

FRIENDS THEN UNTIL NOW

Kinatigan naman ni Paolo ang pahayag ni Baron tungkol sa pagiging malapit nila bilang magkaibigan.

Sabi ng Kapuso actor, “To be honest, sa lahat ng nanonood, Baron is very close to my heart.

"Totoo ‘yan… totoo ‘yan.

“Siguro dahil sa haba nung panahon [na magkasama kami], regardless kung hindi kami mag-usap nang matagal.

“Pero pag nag-usap kami, parang kahapon lang kami nag-usap.

“He has a very special place in my heart, kasi mahal ko ‘yang kapatid kong ‘yan.”

Sinariwa ng dalawa ang mga pinagsamahan nilang proyekto nang magbahagi si Paolo ng mga throwback photo nila ni Baron, kasama ang iba pang mga kasabayang artista noon.

tabing ilog boys

Continue reading below ↓

Samantala, naibahagi rin ni Baron ang pagkikita nila ni John Lloyd at pati na rin ni Bea Alonzo.

Aniya, “Si Lloydie nga, pare, nagkita kami sa Rockwell, nag-bond kami, nagkakuwentuhan kami one time.”

Noong February 2020, nag-post naman si Baron ng larawan sa Instagram kung saan kasama niya sina John Lloyd at Bea.

Bukod sa pagkikitang iyon, nabanggit din ni Baron na nagkaroon sila ng mahabang usapan ni John Lloyd sa telepono.

Nagkasundo naman sina Paolo at Baron na mag-organize ng meet-up kasama ang ibang mga kasamahan sa Tabing Ilog pagkatapos ng enforced quarantine.

Nasa bakuran na ngayon ng Kapuso network si Paolo, habang huling napanood si Baron sa ABS-CBN primetime series na Ang Probinsyano.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler recounts asking for Paolo Contis's forgiveness: “Pagdating ko do’n, nakita ko siya, lumuhod ako kaagad."
PHOTO/S: @baron.geisler and @paolo_contis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results