Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

KC Concepcion reveals medical condition that prevented her from accepting TV offers

by Bernie V. Franco
May 25, 2020
kc concepcion close up
kc concepcion sexy
kc concepcion daring
KC Concepcion on making a showbiz comeback: "I will say yes to projects when they come. I’m ready now. I’ve lost a lot of weight and, at the same time, I feel good about coming back and reconnecting with the fans."
PHOTO/S: @johnvalle20 and @itskcconcepcion on Instagram

“I will say yes to projects when they come. I’m ready now.”

Bahagi ito ng deklarasyon ni KC Concepcion, 35, sa tanong kailan siya magbabalik sa mainstream showbiz.

Noong 2014 pa kasi ang kanyang huling teleserye, ang Ikaw Lamang Book 2, at naging matumal ang kanyang guest appearances sa mga TV shows.

Itinuon din ni KC ang kanyang atensiyon sa pagtatayo ng sariling business, isang jewelry line.

Sinabi ni KC na may mga offers, pero tinanggihan niya ang mga ito.

Ang dahilan: may na-detect na medical condition sa kanya na nakaapekto sa pangangatawan niya.

Si KC ay na-interview ng eventologist na si Tim Yap via YouTube video noong Sabado, May 23.

Dito binanggit ni Tim na alam niyang may mga teleserye at TV shows na inu-offer kay KC, pero hinihindian ng actress-TV host.

Dito ibinunyag ni KC ang dahilan.

Saad niya, “I’m super-super grateful for work.

“But number one, I wanna be super open about this 'coz it’s also something I also wanna talk about in the future.

Continue reading below ↓

“I was diagnosed with PCOS, and that caused me to gain so much weight.”

kc concepcion sexy
kc concepcion polka dots

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang PCOS o polycystic ovary syndrome ay isang hormonal disorder sa kababaihan na may kinalaman sa reproductive health.

Ayon sa mayoclinic.com, ang obesity ay iniuugnay sa PCOS, na maaaring lumala kapag hindi naagapan ang pagdagdag sa timbang.

Continue reading below ↓

Sa madaling sabi, ito ang dahilan kung kaya’t nagkaroon ng isyu si KC sa kanyang pangangatawan.

Si KC ay madalas mabiktima ng body-shaming sa social media.

Kung anu-ano ang itinawag sa kanya, gaya ng walang korte ang katawan, malaki, at marahil buntis kaya lumaki ang pangangatawan.

HOT STORIES

KC SAYS SHE IS READY FOR A COMEBACK

Aminado si KC na, bilang artista, mahalaga ang pagkakaroon ng magandang pangangatawan sa telebisyon.

Paliwanag niya, “I always want to be at my best and I wanna be physically fit, and I wanna look good, I wanna get my body tight.

“When I look good, I feel good, you serve people onscreen.

"So it’s as simple as that."

Nang mawala sa limelight, hindi niya pinalampas ang pagkakataong ibaling ang atensiyon sa iba pang kapaki-pakinabang na bagay, gaya ng pagnenegosyo.

“I also wanted to change and evolve.

“I love evolving, and I think that’s something I learned during this quarantine.

Continue reading below ↓

"I just need to evolve, and adjust, and adapt."

Dagdag ni KC, “Life brings you ups and downs and you got to go with it, and enjoy the ride.

“So that’s what I did during this time, as well.

“I wanted to try business, I wanted to try retail, I want to be creative in different ways.”

Inilunsad noong 2016 ng aktres ang KC’s Closet, isang online shopping activity kung saan ibinenta ang kanyang pre-loved items para sa charity work.

Noong 2018 naman, inilunsad ang kanyang jewelry line, ang Avec Moi.

Samantala, binanggit ni KC na mas maganda na ang kanyang timbang ngayon at inaalagaan niya ang sarili.

Malaki raw ang pasasalamat ni KC sa kanyang obstetrician-gynecologist na nakabase sa U.S.

Kaya naman handa na siyang umoo kapag may dumating na TV offers sa kanya.

“I will say yes to projects when they come. I’m ready now.

“I’ve lost a lot of weight and, at the same time, I feel good about coming back and reconnecting with the fans.

Continue reading below ↓

"I’m always grateful.”

Aniya pa, “I’m super healthy now. I’m so well.

"I take supplements, try to be as active as I can be."

Taong 2008 nang pasukin ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang mainstream showbiz, bilang ABS-CBN contract artist.

Bago ito, sa commercials at print magazine siya madalas masilayan.

Kabilang sa mga teleseryeng nagawa niya ay ang Lovers in Paris (2009), Huwag Ka Lang Mawawala (2013), at Ikaw Lamang Book 2 (2014).

Naging host din siya ng Kapamilya talk shows na The Buzz (2010-2011), Simply KC (2010), ASAP, at ang singing competition na The X Factor Philippines (2012).

Kabilang naman sa mga nagawa niyang pelikula ay ang For the First Time (2008), When I Met U (2009), I’ll Be There (2010), Forever and A Day (2011), at Boy Golden: Shoot to Kill, the Arturo Porcuna Story (2013).

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
KC Concepcion, hardcore fans
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion on making a showbiz comeback: "I will say yes to projects when they come. I’m ready now. I’ve lost a lot of weight and, at the same time, I feel good about coming back and reconnecting with the fans."
PHOTO/S: @johnvalle20 and @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results