Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Kim Chiu affected by Terrace House star's death; asks for kindness amid cyberbullying

by Jet Hitosis
May 25, 2020
For Kapamilya actress Kim Chiu, what happened to Japanese wrestler Hana Kimura—who died on May 23 at the age of 22—should remind bashers and cyberbullies to “PLEASE CHOOSE TO BE KIND" at all times.
PHOTO/S: @chinitaprincess on Instagram

Panlalait ang natanggap ni Kim Chiu mula sa isang basher na nagkomento sa latest Instagram post ng 30-year-old actress.

Ang irony sa sitwasyon, nagkomento ang basher sa post ni Kim tungkol sa cyberbullying.

Linggo ng hapon, May 24, nang ipinost ni Kim ang tungkol sa pagkamatay ng professional Japanese female wrestler na si Hana Kimura.

Sa edad na 22, namatay si Hana nitong Sabado, May 23.

Bago pumanaw, napapanood si Hana sa Netflix series na Terrace House Tokyo 2019-2020.

Hindi kinumpirma ang dahilan ng pagkamatay ng professional wrestler-reality star.

Pero nanindigan ang fans ni Hana na biktima ito ng cyberbullying.

KIM: “SHE TOOK HER OWN LIFE BECAUSE OF THE HURTFUL WORDS”

Sa post ni Kim, diretsahan niyang sinabi na si Hana “took her own life because of the hurtful words that people throw at her.”

Ayon sa Kapamilya actress, nanonood siya ng Terrace House Tokyo 2019-2020 dahil “hooked” siya sa character ni Hana.

Continue reading below ↓

Kaya naman laking gulat niya nang mabalitaang pumanaw na ito.

Mababasa sa post ni Kim (published as is): “Last night as I was about to sleep, saw the sad news about #terracehousejapan #hanakimura.

“I don't know her personally shempre but nanood lang ako ng show on Netflix.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“I was so hooked on her character then I searched her IG then I saw #RIPHanakimura

“she took her own life because of the hurtful words that people throw at her.”

RELATED STORY

"PLEASE CHOOSE TO BE KIND"

Ayon kay Kim, “Words can be powerful,” at pupuwede raw nitong maimpluwensiyahan ang isang tao na tapusin ang sariling buhay.

Lalo na raw ngayong mas prone ang mga tao sa depression dahil sa global coronavirus pandemic.

Kaya panawagan ni Kim sa kanyang 8.6 million Instagram followers: “PLEASE CHOOSE TO BE KIND.”

Sinabi ng aktres na dapat gamitin ang social media sa paggawa ng kabutihan sa halip na "abusuhin" ito.

Continue reading below ↓

Saad pa sa post ni Kim: “We are in a world of social media where we can talk to everyone as if we are just neighbors kahit na miles away tayong lahat.

“This technology intertwines us.

“Let us use this in a positive way, use this for us to be one, supporting one another, uplifting each other, being kind to people,

“KIND enough to accept someone's flaws, KIND enough to forgive.

“KIND enough to just be there enjoying this kind of technology that we have right now.

“Wag natin abusuhin.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

KIM GETS BASHED FOR CYBERBULLYING POST

Sa comment section, isang Instagram user ang mistulang hindi nakaintindi sa ipinost ni Kim.

Taliwas sa apela ni Kim kontra cyberbullying, pinakalait-lait ng netizen ang aktres.

Sarkastiko nitong pinuri ang "puro English" na "gandang mensahe" ni Kim.

'Tsaka ito nagpahayag ng pagdududa kung ang Kapamilya actress nga ba ang nagsulat ng post.

“Boba” raw kasi ito, at “alam naman ng lahat na mahina ang ulo.”

Plano raw ba ni Kim na mag-viral uli sa pamamagitan ng ipinost nito?

Bintang pa ng basher sa aktres, “tapos sa iyo na naman mapupunta ang kikitain nito sa social media?”

Dagdag pa ng basher: "grabe ka na talaga nakaka turn off ka na sobra."

Kalmadong nag-reply si Kim.

Sabi ng Kapamilya star: “feel free to unfollow! BE KIND! [heart, bellhop bell emojis]”

Continue reading below ↓

KIM VS CYBERBULLIES

Nauna rito, sa Instagram Stories ibinahagi ni Kim ang kanyang saloobin tungkol sa nangyari kay Hana.

Ipinost ng Kapamilya actress ang screenshot ng napanood niyang eksena ni Hana sa Netflix series.

Sa caption, diretsahang sinabi ni Kim na “cyberbullying” ang dapat sisihin sa pinaniniwalaan niyang pagsu-suicide ng reality star.

Continue reading below ↓

Halatang nakaka-relate kay Hana, sinabi ni Kim na nasisiyahan umano ang cyberbullies na magsabi ng “hurtful words” sa kanilang mga biktima.

Kabilang sa masasakit na salitang ito, ayon sa aktres, ang “mamatay ka,” “boba ka,” pagkatapos ay “mumurahin ka.”

Aminado si Kim na “affected” siya sa sinapit ni Hana.

Continue reading below ↓

Nakaka-relate kasi siya rito.

“Parang naalala ko nanaman yung mga araw na dumaan,” aniya.

Ang tinutukoy ni Kim ay ang grabeng pamba-bash na inabot niya matapos niyang ikumpara ang ABS-CBN shutdown sa “law ng classroom.”

Kahit pa umamin sa pagkakamali at humingi ng tawad, kinuyog pa rin ng bashers si Kim.

Ginawan ng sari-saring meme ang clip ng classroom analogy ng aktres.

Nilapatan pa ito ng musika at pinasimulan ng dance challenge sa social media.

Pero makalipas ang ilang araw, naisip ni Kim na mag-record ng kanta—na inspired ng nag-viral na kanta niya na “Bawal Lumabas.”

RELATED STORY

“DI MO ALAM KUNG ANO ANG NAGAGAWA NG SALITA MO”

Dahil sa nangyari kay Hana, na-realize ngayon ni Kim na tama lang na hindi niya binasa noon ang lahat ng “masasamang salita na binato sakin.”

Nagpasalamat din ang aktres na buo ang suporta ng kanyang pamilya sa panahong inaatake siya ng pambabatikos.

Aniya, sana raw ay magsilbing eye-opener sa lahat ang nangyari kay Hana “TO CHOOSE TO BE KIND SA KAPWA MO.”

Continue reading below ↓

Mensahe ni Kim sa bashers: “Hindi mo alam ano ang nagagawa ng salita mo sa buhay ng tao.

“Iba iba rin ang pinagdadaanan natin.

“May covid pa.”

Tinuldukan ni Kim ang kanyang post ng #NOTOCYBERBULLY.

RELATED ARTICLES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For Kapamilya actress Kim Chiu, what happened to Japanese wrestler Hana Kimura—who died on May 23 at the age of 22—should remind bashers and cyberbullies to “PLEASE CHOOSE TO BE KIND" at all times.
PHOTO/S: @chinitaprincess on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results